2

1.3K 74 36
                                    

*pak!*

"T*ngina!" Umiiling-iling niyang sabi habang nakahawak sa pisngi niyang nasampal ko. "Anong problema mo?!"

Pakiramdam ko maiiyak na 'ko. Bakit ba niya 'to ginagawa sa'kin? Purket ganun, hahalikan niya 'ko? Hindi ba dapat ako magtanong sa kanya kung anong problema niya?

"B-bakit..."

"Bakit kita hinalikan?" Ngumisi siya. "Una sa lahat, hindi ko ginusto yun, okay? Don't even think na hinalikan kita because gusto ko."

"Pero bakit mo nga ginawa?" Tanong ko, kalmado. Baka masigawan nanaman niya 'ko pag nagalit ako. Bakit ganito? Pakiramdam ko dapat wala akong karapatang magalit?

"Baka ipagkalat mo pa 'to?" Sabi niya nang naka-ngisi ulit. "Magpaganda ka muna, okay?"

"Thomas, bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin?"

"Kasi gusto ko."

"Ha?"

Ano? Dahil gusto niya lang? Ginagawa niya 'to sa'kin dahil gusto niya lang? Bakit? Ugh!

"Kasi gusto ko... ako lang."

Kumunot naman ang noo ko. "Ikaw lang?"

"Gusto ko ako lang ang gusto mo." 

Bumalik naman ako sa wisyo nang makita kong naglalakad siya pabalik sa bahay nila. 

"T-Teka, Thomas!"

Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon sa akin. Siguro signal yun para magsalita ako.

"Bakit?"

Hindi siya sumagot. Umalis siya. Ang bastos talaga ng lalaking 'to. Naiiyak nanaman ako. Ano bang gusto niyang mangyari? Lokohan ba 'to? Matapos niya akong halikan, sasabihin niya 'yon tapos iiwan niya ako? 

"Bakit ka ba ganyan," Nagpunas ako ng luha at ibinato ang batong nakita ko sa malayo. 

Hindi ko maintindihan si Thomas. Pero gusto ko, gusto kong umasa. Kaso alam kong pag umasa ako, masasaktan lang ako.

.

.

.

.

KINABUKASAN

(DLSU)

"Oh, Ye, bakit?" Naglalakad akong papunta sa LS. Andun kasi next kong class. Kausap ko pa sa phone 'tong si Mika.

"Asan ka?" Tanong niya.

"On my way sa LS. Bakit?"

"Come here sa Henry Sy, please. Nandito si Thomas. Nakikipag-away." Medyo natataranta pang sabi ni Mika. 

"Ha? Osige, wait lang ha," I hung up at nagmamadaling nagpunta sa Henry Sy grounds. Nako, ano nanaman kayang problema ni Thomas?



"Thomas!" Sigaw ko nang makita ko siyang nakabulagta sa sahig. Wala na siyang kaaway pero hindi parin siya tumatayo.

"A-ano bang nangyari?" Sinubukan ko siyang tulungan tumayo pero malakas niyang inalis ang kamay ko. Heto nanaman ba kami?

"F*ck! Umalis ka dito! What are you doing here?!" Sinigawan nanaman niya ako. Dahil sikat na tao si Thomas sa campus, di maiiwasang pagtinginan kami, lalo ako, at kung bakit andito ako sa tabi ni Thomas at ginagawa 'to.

"Uwi na tayo," 

"Alis!!" Sumigaw ulit siya sabay tulak sa'kin palayo. Nagtalsikan naman ang mga gamit ko dahil doon.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon