6

820 50 18
                                    

Niyakap ko ng mahigpit si Roi. Siya ang bestfriend ko since 5 years old yata ako? Di ko na maalala!

"Victonara, na-miss kita!" Masaya niyang sabi. "Sobra, promise!"

"Na-miss din kita pero please naman, Ara nalang." Umirap ako. Ayan nanaman siya sa Victonara niya. Medyo asar kasi ako pag tinatawag ako sa buong pangalan ko. Ewan ko ba!

"Naman ang bestfriend ko," Inakbayan niya ako. "gusto ko kasi ako lang tatawag sa'yo nun,"

"Psh, bahala ka na nga." Tinanggal ko yung akbay.

"Yay!" Ibinalik niya yung akbay sa akin tsaka sinabing, "I love you!"

Natawa nalang ako sa inakto ni Roi. Ganyan naman kasi yan. Sobrang clingy, minsan nakaka-ilang, madalas hindi. Gets niyo ba?

Nagkahiwalay lang kami niyan nung lumipat kami sa bahay ng mga Torres nang mamatay si Papa. Nawalan kami ng communication kaya ayun, akala ko nga bestfriendship over na eh.

"Bakit pala andito ka sa Taft? Dito na kayo nakatira?" Tanong ko habang naglalakad kami papuntang Mini Stop EGI.

"Oo," Sagot niya. "Guess what, Victonara!"

Napapiksi ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Hay nako. "Ano?"

"Dito na ako mag-aaral sa La Salle!" Pumalakpak pa siya pagkasabi niya non.

"Talaga!?" Nagulat ako. Actually, hindi ko expected na makakasama ko si Roi sa iisang school. Kasi naman, matagal kaya kaming nagkahiwalay!

Pumasok naman kami sa Mini Stop. Hindi kami oorder, magpapalamig lang. Ganun kami kahit noon.

"Oo!" Umupo kami sa isang table na dalawa ang chairs.

"Anong course?" Tanong ko.

"Eh, napagtanto ko na gusto ko palang maging Engineer kaya pinush ko na yung Industrial Engineering."

"Galing! Talino mo na siguro sa Math, ano? Samantalang dati. Hahahaha!" Tinawanan ko siya. Naalala ko kasi noong grade 2 or 3 yata kami. Hirap na hirap siyang intindihin yung simple arithmetic. Nakakatawa lang, ako pa tutor niya noon. Tapos ngayon pa-Engi-Engineering nalang siya!

"Aasarin mo na ako, sabi na eh." Nag-pout naman siya. "Tyinaga ko ang Math!"

"Buti naman, ang hirap mo kayang turuan!"

"Victonara naman eh," Lalo pang sumama yung mukha niya.

Nagtatawanan kami nang may pumasok naman sa may pintuan na mga pamilyar na tao.

Nakita ko namang nanigas ang katawan ni Roi pero nakabawi din naman.

"Roi Sumang!" Bati sa kanya nung lumapit. Hindi ko na kailangan pang lingunin yon kasi kilala ko na ang boses niya.

"Kuya Almond!" Bati sa kanya ni Roi pabalik. Nakita kong parang nag-aalangan si Roi sa pagngiti pero nagawa parin niya.

"Hi, Ara. Ikaw pala." Narinig kong bati sa akin ni Almond. Tumingin ako sa kanya at pinilit ngumiti. Naalala ko nanaman yung nangyari nung nakaraan. Kung paano niya sinuntok si Thomas.

Pagtingin ko sa mga tao na nasa likod niya, medyo nagulat pa ako sa nakita ko.

Sila Thomas at Jeron.

=-=-=-=-=-=

Hanggang sa makauwi ako dito sa bahay, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Paanong magkasama sila Jeron at Thomas doon? Ibig sabihin, kasama sila ng tropahan ni Almond?

Baka yun ang sinasabi ni Jeron na 'brother' niya raw si Thomas? Brother dahil parehas silang kasali sa brotherhood?

Ay ewan.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon