5

766 46 15
                                    

Ara's Point Of View

"I told you to leave!" Singhal niya sa akin, as expected. "Kanina pa kita pinaalis, Ara! What are you doing here?!"

Nilapitan ko kasi siya. Sa tingin ba niya pagkatapos ng lahat ng nakita ko kanina, iiwan ko siya dito nang mag-isa? Mag-isa at walang kasama? Gusto ko siyang makausap tungkol doon. Gusto kong maliwanagan kasi sa totoo lang, gulong-gulo na ako.

"Anong nangyari? Bakit ka nila sinuntok?" Tanong ko habang tinutulungan si Thomas umupo. May dugo parin ang labi niya kahit pinunasan na niya 'yon.

"It's none of your business, Ara. I told you to-"

"Bakit ka nila sinuntok?!" Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako para pagtaasan siya ng boses. Gusto kong malaman niyang seryoso ako at gusto kong malaman kung anong nangyayari.

Pero mali ako. Hindi... bigo ako. Hindi kasi siya sumagot. Ganun parin ang itsura niya. May galit sa mga mata niya at nakatingin lang siya sa isang direksyon.

Anong magagawa ko? Syempre wala nanaman. Nagbuntong-hininga ako at umupo sa tabi niya. Buti nalang may ilaw 'tong gusali na 'to kasi maggagabi na rin eh.

"Thomas-"

"Just, please, shut your mouth." Kalmado niyang sabi na hindi ko alam kung paano niya nagawang gawing kalmado ang mga salitang 'yon. Madalas kasi, pasigaw niya 'yong sasabihin sa'kin.

Tahimik kaming umupo doon. As in. Walang ni isang nagsasalita. Ang naririnig ko nga lang eh yung hininga ni Thomas.

Naiinis ako kaya hinila ko siya patayo. "Halika."

"What are you doing?!" Tanong niya pero di ko sinagot. Kinaladkad ko siya pauwi sa bahay. Mabuti nga at hindi na siya nagreklamo pa.

Nagpunta kami sa kusina kasi andun ang first aid kit. Nilinis ko ang sugat niya, nilagyan ko ng Betadine.

"Ouch. Be careful naman," reklamo niya.

"Dahan dahan na nga eh. Ang arte mo talaga." Umirap ako. Pero hindi noon matatago ang malakas na kabog ng dibdib ko. Nanggugulo nanaman ang puso ko.

Huminga ako ng malalim kasi baka mamaya tuluyan nang sumabog ang puso ko.

Di ko naman sinasadyang mapatingin kay Thomas eh. Pero sana nga hindi ko nalang ginawa. Nakatingin na rin pala siya sa'kin. Isang tingin na hindi ko maipaliwanag. Tingin ng... maraming gustong sabihin.

Umiwas agad ako ng tingin. "T-tapos na,"

"Thank you, Ara." Ngumiti siya. Ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. Ngiting nagbibigay sa'kin ng pag-asa na kahit papano, sana, kahit konti lang, may nararamdaman din siya sa'kin.

"W-wala yun. Sa susunod ka-"

Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang tumalikod na siya at umalis. Bastos talaga kahit kailan. Pero kahit naman ganun siya, hindi ko maintindihan kung bakit heto ako... minamahal parin siya.

Kahit patago lang.

Inayos ko na at ibinalik sa cabinet yung First Aid Kit. Kumuha ako ng tubig sa ref at hindi ko maiwasang hindi isipin yung mga nakita ko kanina. Napaka-misteryoso ni Thomas. Hindi ko alam kung anong mayroon. Pakiramdam ko, hindi ko na siya kilala.

Bumuntong-hininga ako at nagdesisyon nalang na umakyat sa kwarto ko. Malapit lang 'yon sa kwarto ni Thomas.

**Waiting for your call, I'm sick, call I'm angry

Call I'm desperate for your voice

listening to the song we used to sing

In the car, do you remember, butterfly, early summer?

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon