10

1.2K 61 28
                                    

Ara's Point of View

From: X

I love you.

Nakaramdam ako ng goosebumps sa text na natanggap ko. Sa totoo lang, ilang texts na ang natatanggap ko na nagtatanong kung nasaan na ako. Sinabi ni Thomas na wag ko raw sila replyan. Eh masunurin din naman ako kaya um-oo nalang ako.

Ayun nga. Yung goosebumps na nararamdaman ko eh ewan ko ba. Malakas kasi ang hula ko ngayon na etong X na 'to ay si Thomas.

To: X

I love you too :)

Tapos... Send. Ayan. Napangiti ako sa ginawa ko. Tutal ayaw naman niya magpakilala, edi sasakay nalang ako sa trip niya, diba?

Ang tagal ng reply. Naghintay ako ng 10 mins... 20... Wala parin. Haynako, Ara. Aasa ka pang magrereply yan? Baka napansin niyang pinagttripan mo siya?

*beep*

From: X

Talaga? Mahal mo rin ako?

Natawa ako sa naisip kong isagot. Hay, Ara. Ano ka ba naman.

To: X

Oo naman! :)
.

Oh diba ang ewan lang.

.

From: X

Ni hindi mo nga ako kilala, binibini.

.

Napakagat ako sa labi ko. Hindi kilala? Aba, si Thomas ka kaya!

.

To: X

Eh di magpakilala ka.

.

From: X

Nasaan ka? Hindi na kita nakikita sa school.

Kumunot naman yung noo ko. Hindi nakikita sa school? Ibig sabihin hindi si Thomas si X?

"Ara,"

"Ay kabayo!" Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang may magsalita. Nakakagulat naman kasi!

"Do I look like a horse to you?" Iritable niyang tanong.

"Nagulat kasi ako. Sorry na ho." Umayos ako ng upo at inilapag yung cellphone ko sa kama. "Bakit ba?"

"Uh..."

Tignan mo 'to si Thomas. Iistorbohin ako tapos ngayon di na makapagsalita.

"Pwede bang..."

"Ano?"

Tumingin siya sa akin. Bigla ko namang naalala yung kanina. Ugh. Mahal niya ako? Talaga lang ha?

"Pwede ka bang maging akin?"

=-=-=-=-=-

Jeron's Point of View

Nagpunta ako sa Razon. Dito nagpa-practice ang athletes ng university. May kailangan akong hanaping tao.

"Sumang!"

Tinawag ko si Roi. Etong bago naming myembro sa Infinity. Nalaman ko kasi kay Mika na boy bestfriend daw 'to ni Ara. Baka lang may alam siya kung nasaan si Ara ngayon. Baka lang makatulong siya.

"Uy,"

"Jeron. Jeron nalang."

We did the secret handshake ng group.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon