7

794 46 14
                                    

Ara's Point of View

"Jeron!”

“Hi, Victonara! I mean... Ara.”

Nagtaka ako pero napangiti ako agad sa ngiting ibinigay sa akin ni Jeron. Ang gwapo rin pala niya, parang si Thomas. Haha.

“Saan ang punta mo?” Tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat siya, “Ewan? Ah! Samahan mo nalang ako. Wala ka nang classes, diba?”

“Ha? Oo… Teka… Saan naman?”

“Basta!”

Sumama rin naman ako sa kanya. Kakatapos lang ng klase ko sa Advertising at tsaka wala na rin naman akong masyadong gagawin.

Medyo naka-get-over na naman ako sa ‘kwek-kwek’ incident namin nung nakaraan. Hindi na rin naman yata niya naaalala eh. Buti nalang.

“Jeron?”

“Hmm?” Nilingon niya ako sandali. “Why?”

“Y-yung sinabi mo nung isang araw…” Nag-aalangan pa ‘ko kung itatanong ko yung sinabi niyang ‘brother’ niya raw si Thomas. Nakakahiya eh, baka naman sabihin nito feeling close ako. “Ah, wag nalang pala. Hehe.”

“What is it, Ara? Ayaw ko nang binibitin.”

“Ano… nakakahiya kasi eh w-wag nalang.”

“Ano ba, parang hindi naman tayo friends niyan.”

Magkaibigan na pala kami?

“Ah eh…” Nagkamot pa ako ng ulo tsaka nagsalita. “Y-yung sinabi mo nung isang araw na…”

“Na?”

“Y-yung brother mo si Thomas… ano… Seryoso ba ‘yon? Magkapatid kayo?”

Natawa naman siya sa sinabi ko. Joke ba ‘yon? Minsan hindi ko rin ma-gets ang mga tao eh.

“We’re here.” Nagsalita siya tsaka tumigil sa isang park malapit sa dorm ng mga athletes ng DLSU. Naalala ko, minsan pinangarap ko ring maging atleta eh. Kaso hindi talaga ako magaling sa kahit anong sports. Hay. Board games pa, pwede.

Lumapit siya sa swing kaya sumunod nalang din ako. Umupo ako sa tabi tutal dalawa naman ‘to.

“Thomas is my brother, yes.”

Lumingon ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Diretso lang.

“Brother. We’re on the same group; parang brotherhood, ganun. I consider him as my brother kasi, believe it or not, we are bestfriends.” Medyo natawa siya.

Oo nga. Bestfriends sila? Magkaiba sila ng ugali, buti natatagalan nito ni Jeron ang ugali ni Thomas?

So kaya pala sila brothers, ay dahil nasa iisang brotherhood sila. Pero kasali kaya sa brotherhood na ‘yon sila Almond?

“J-Jeron?”

“Oh?”

“Si… Si Almond… kasali rin ba siya sa brotherhood niyo?” Tanong ko, medyo napahigpit naman ang hawak ko sa swing.

Ewan ko ba. Galit ako kay Almond dahil sa ginawa nila kay Thomas.

Lumingon si Jeron, “Yes, Ara. He’s actually our leader.”

Kaya pala ganun nalang ang respeto sa kanya ng mga kasama niya. Kaya pala. Kasi siya ang leader.

“Frat ba kayo? Nakikipag-away? Parang Tau Gamma Phi? Yung mga ganun?”

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon