CHAPTER-ONE: HARVANIA'S MAGIC ACADEMY
The City Of Harvaster.
The city of Harvaster? Nagulantang ako sa aking nakita sobrang lawak ng paligid napakalaking syudad.. Nag lakad-lakad ako habang iginagala ang aking paningin, ang sarap sa matang tignan ang mga tao lahat ay nakangiti at masaya.
Pumagitna ako sa isang plaza at idinupa ang dalawang kamay habang nilalasap ang masarap na simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko at sa buong katawan ko habang sinasayaw ang mahaba kong buhok.
Kahit papano, nawala ang pagod ko. Umupo ako sa isang bench at kinuha ang lapis at notebook ko sa bag. Kailangan kong i drawing ang lahat ng nakikita ko dito sa Harvaster City. Sinimulan ko ng iguhit ang mga batang naglalaro at ang mga masasayang ngiti ng mga taong naglalakad.
"Hays, nakakapagod talagang maglakad.." Halos mabitawan ko ang hawak kong lapis at notebook dahil sa gulat. Napalingon ako sa rightside ng iniuupuan ko. Isang babaeng nakahawak sa batok nya habang kinakamot nya ito. "Oh, hihi sorry.." Sabi nya habang nakangiti sakin. Ang ganda ng mukha nya sobrang napakaamo na animo'y isang dyosa o diwata dahil sa nangingibaw nyang kagandahan. Kulay pink ang kulay ng buhok nya na naka lugay at sinasayaw ito ngayon ng preskong hangin, manipis ang labi nya, may manipis na katawan na kapag sumali sya ng beauty pageant sa kanya na ang korona. May hawak syang mga papel. Tela nanggaling sya kung saan. Kulay puti ang damit nya na punong puno ng crystal na kumikinang dahil sa sikat ng araw.
"Nagulat ba kita?" She asked. I glared at her, halos di ako makasagot sa kanya. "Hey, are you okay?" Tanong nya ulit. "Ah.. Yes. Hahahaha! Don't worry. Ays lang ako." Nakangiti kong sabi. "Mabuti naman" Nakangiti nyang sambit.
*bells ringing*
Isang malakas na tunog ng kampana ang aking narinig. Kaya napalingon ako sa left side.
"OMG! I have to go!" Natatarantang sabi nya.. Agad syang tumayo at nag simulang tumakbo kung saan nanggagaling ang isang malakas na tunog ng kampana.
"Sorry, ulit! Hope will see each other again!" sigaw nya habang kumakaway.
Pinagmasdan ko lang sya, hanggang nawala na sya sa aking paningin. Napahinga nalang ako ng malalim. Tatayo na sana ako, bigla ko naman nakita ang isang papel na nasa harapan ng paanan ko. Ito yung dala ng babae kanina ah, siguro nahulog ang isang to dahil sa pagmamadali nya.
Ano kaya nakasulat dyan. Kinuha ko ang papel. At isang light magic ang lumabas kasabay nito ang lutang ng mga letra papel. Sinimulan ko namang basahin ang bawat letra.
" Harvania's Magic ACADEMY, is now inviting a new student wizard. "
H-Harvania's Magic School? Ang isang paaralang sikat sa buong magic world? Wao! My dream... Nagpatalon talon ako na parang tanga sa kinatatayuan. Marami akong nababasang article about sa Harvania's Magic School yun nga isa itong sikat at may napakaraming magaging na wizards dito. Can't wait, kailangan kong pumunta don.
Maglalakad na sana ako nang bigla kong na realize na 'di ko pala alam patungo dun. Nyahh?
"Hi, my lady!" nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Kanina pa ako na gugulat, ganto ba talaga mga tao dito? Huhu. "Ayos ka lang ba my lady?" M-My lady? "'Wag mo nga akong tawaging my lady!" Sigaw ko. "Sorry, my lady!" Takot nyang pagkasabi. "Sabi ng!!! Sino kaba?" Napaatras ako, baka anong gawin nya sakin.
"My lady, is now asking my name... I kinda love it.." Sabi nya habang napapaikot-ikot sa harapan ko. "Nyahh! Ano bang ginagawa mo? Hindi mo ako lady!" Sigaw ko sa kanya.
Napatigil sya at umupo habang pinaikot-ikot nya ang hintuturo sa semento.
Ang wierd nya. Nakakatakot sya. Bigla kong nabitawan ang papel na hawak ko. Bigla syang napalingon dito.