"Whatever you do, or dream you can, begin it. Boldness has genius and power and magic in it."- Johann Wolfgang von Goethe
Jeev
Nandito ako sa labas ng bahay ni Tata Boloy nag papa hangin sobrang dilim ng paligid at ang sarap ng simoy ng hangin masarap ko itong nilanghap.
Hinawakan ko yung kwentas na bigay sa akin ni Rosefairy at napa buntong hininga. Bigla akong nakarinig ng pag sabog kaya agad akong nag palinga linga sa hindi bandang kalayuan mula dito sa kinatatayuan ko nakita ko ang isang liwanag na nanggagaling sa kagubatan na yun.
Naglakad ako papunta doon para i check kung anong nangyari. Nakita ko si Freio na nag ca-cast ng fire ball nagulat ako dahil sobrang laki nito at ano mang oras maaari siyang matunaw sa ginagawa niya, halata sa mukha ang pagod marami na rin siyang scratch sa kanyang mukha nakita ko rin ang dugong dumadaloy sa kanyang kanang kamay.
What with this guy? Anong nangyayari sa kanya?
Bigla niyang pinakawalan ang malaking fire ball na nasa kamay niya sa isang puno kaya halos liparin ako sa lakas ng hangin dahil sa lakas ng impact nito gumawa din ito ng malakas na pag sabog, nang i open ko yung mata ko nakita kong na huhulog mula sa taas si Freio kaya agad akong tumakbo at nilabas ko yung pen at note ko at nag cast ng magic, sinalo ng malaking ibon si Freio at ligtas itong inilapag sa damuhan.
Agad akong lumapit sa kanya at iniligay ang ulo niya sa lap ko. Masyado siyang nang hihina dahil siguro sa nagamit niya ng marami ang kanyang kapangyarihan. Kinuha ko yung handkerchief ko sa bulsa at sinimulan kong punasan ang pawis at dugo sa mukha niya.
"Mama, papa pangako ililigtas ko kayo." Sabi niya habang hinahawakan ng kamay niya ang mukha ko. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha at mapupungay na mga mata.
Anong nangyari sa mga magulang niya?
Nakaramdam ako ng lamig sa paligid at nagulat ako dahil biglang nag heal ang kanyang mga sugat, halos wala na akong makitang scratch sa kanyang mukha. Bigla siyang bumangon."Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin, tumayo siya at ganon din ang ginawa ko.
"Are you okay?" Tanong ko.
"Habit mo ba talaga ang makialam?" Sigaw niya.
"Ano?"
"Gusto mo bang ulitin ko pa ang sinabi ko?" Sabi niya habang nilalapit niya ang mukha niya sa akin.
Agad ko siyang itinulak kaya napa atras siya.
"Jerk! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong galit! Ano? Pakialamira ako? Malay ko ba na hindi mo kayang i-control ang kapangyarihan mo at mahulog ka sa taas? Kasalanan ko ba yun?" Sabi ko. Ngumisi naman siya sa sinabi ko.
"Anong sabi mo? Hindi ko ma control ang kapangyarihan ko?" Bigla siyang nag cast ng fire magic na nasa mga palad na niya ngayon. Pero hindi ako nag pa tinag hindi ako natakot sa maaari niyang gawin sa akin. I also have my magic.
"Let's see kung kaya mo mailagan itong fire ball na nasa palad ko." Sabi na na naka ngisi. Agad ko naman ni-ready ang pen at note ko para maka pag cast agad ng spell if ever na ihagis niya sa akin ang apoy na hawak niya. Aktong ihahagis na niya ang apoy sa kanyang mga palad sa akin bigla naman siyang napaupo at napa kapit siya sa kanyang ulo kasabay naman nito ang napakalakas niyang sigaw. Tumakbo ako palapit sa kanya.