Bite by CriticoWrites
Nanlaki ang mga mata ko nang papasukin ng katulong namin ang isang magandang babae.
"Hello." Bati niya. Napayakap naman ang nakakatanda kong kapatid sa kanya.
Hindi naman siguro siya yung anak sa labas ng tatay namin?
"Ako nga pala ang Kuya Arch mo." Sambit ng kuya ko na ikinalaki ng mata naming dalawa ni Kuya Zach.
"Zach and Jack, welcome your long lost sister." Napakunot tuloy ang noo ko sa sinabi ni Kuya.
Navlakad na nga ako papalapit sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi. Sh*t, amoy dugo siya ng tao. Halatang hindi bampira. Makakapagpigil kaya kami nito? Ang lakas ng amoy ng dugo niya.
Nakangiti nlang siya sa'min na halata namang kinakabahan at naiilang pa.
"Ilang taon ka na?" Bigla kong tanong sa kanya, napalingon naman siya sa'kin.
"Nineteen." Sambit niya. Ibig sabihin mas matanda lang ako ng isang taon sa kanya.
"Huwag mo ako tatawaging kuya." Napasimangot naman siya sa sinabi ko. "Ang ibig kong sabihin ayokong mag-mukhang matanda kasi isang taon lang naman ang agwat ng edad natin." Paliwanag ko at napatango naman siya.
"Sige, ako nga pala si Vrenise." Pagpapakilala niya.
"Edi ikaw na si Vrenise Scotch?" Tanong ko sa kanya. Natawa naman siya. Hindi naman pala siya nakakainis e. Mukhang magkakasundo naman kaming dalawa kaso yung amoy ng dugo niya nakakaakit. Baga hindi ako makapagpigil at makagat ko siya.
"Hindi ka ba isang bam----" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng bigla akong batuhin ng kutsilyo ni Kuya Arch. Nasalo ko naman ito. Kitang kita naman ang gulat sa mukha ni Vrenise.
"Athletic kasi kami." Pagdadahilan ko atsaka napatango siya kahit mukhang kinakabahan.
"Turuan mo ako niyan." Wala sa sarili niyang sambit. Kung bampira siya bakit hindi? Kaso hindi e kaya hindi pwede.
"Hindi pwede baka masugatan ka." Paliwanag ko sa kanya.
Inihatid namin siya sa kwarto niya saka nagpaiwan na akong kasama siya do'n. Kaming dalawa ang mas makakarelate sa isa't isa dahil halos parehas kami ng edad. Tinulungan ko naman siya mag-ayos ng mga gamit.
"Parang hindi niyo ako kapatid." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Huh? Kapatid ka namin." Natatawang sagot ko.
"Eh kasi iba yung kulay ng balat ko kumpara sa inyo atsaka ang gaganda niyong nilalang." Lalo tuloy lumakas yung tawa ko.
"Para kang bata. Maganda ka din naman kasi iisa lang ang tatay natin." Sambit ko sa kanya. Napangiti naman siya.
"Tama." At tumigil ang mundo ko ng masilayan ko ang napakagandang ngiti ng kapatid ko.
Lumabas na ako ng kwarto niya dahil baka makagat ko siya sa lakas ng halimuyak ng dugo niya.
Pinuntahan ko naman ang mga kapatid ko at inusisa ang tungkol sa pagkatao ni Vrenise.
"Pa'nong tao siya?" Tanong ko.
"Kahit ako naguguluhan." Sambit ni Kuya Zach.
"Hindi ko din alam na tao siya. Walang sinabi ang tatay natin." Sagot ni Kuya Arch.
"Kung gano'n kailangan nating magtiis?" Tanong kong muli.
"Ano pa nga ba, Jack? Hindi natin siya pwedeng gawing pagkain dahil kapatid pa din natin siya." Sagot ni Kuya Zach.
Napabuntong hininga naman si kuya Arch. "Jack, guard her in school. Ayokong may masamang mangyari sa kanya." Paalala ni Kuya na agad ko namang tinanguan.
Syempre naman, ngayon na ngalang ako nagkaroon ng babaeng kapatid tapos hahayaan ko pang masaktan? Hindi pwede.
Walang kahit sino sa mga bampira ang pwedeng humawak sa kanya dahil ako ang makakalaban nila. Ang susunod ng vampire king.
**************
Maraming salamat sa pagbabasa, Binibini.
BINABASA MO ANG
Bite
VampireTeen age Vampire's story. Magustuhan mo sana, Binibini. Started writing: August 16, 2018 Finished writing: ---------------