Kapitulo III

2 1 0
                                    

Bite by CriticoWrites

Napatayo ako ng mapansin kong nanlilisik na ang mga mata ng mga kaklase ko. Si Vrenise naman ay naguguluhan na sa mga tinginan ng mga kaklase namin.

"Sir, may you excuse us." Sambit ko sa teacher kong mukha na ding uhaw sa dugo pero nagpipigil lang. Hinatak ko na ang kamay ng kapatid ko saka kami lumabas na dalawa. Binilisan ko na ang lakad papunta sa parking lot sa kotse ko.

"Dala mo ba yung pabango?" Tanong ko sa kanya.

"Naiwan ko sa kotse." Sagot naman niya kaya mas lalo kaming nagmadali.

Pagdating namin sa parking lot ay nakadungaw halos lahat ng estudyante. Shit, what's happening here? Hindi ba sila makapagpigil. Nagulat ako ng sumulpot ang principal sa harap namin.

"Take care of her, Jack." Sambit ng principal.

"Sorry po." Sagot ko naman.

"Good morning po." Bati ni Vrenise sa kanya. Nginitian naman siya ng principal.

"Jack, she's not normal. She have something to do with you." Napakunot naman ako ng noo.

She's not normal? E siya nga lang ang normal sa lugar na 'to? She have something to do with me kasi nga kapatid ko siya.

"Opo. Ako na pong bahala sa kapatid ko."

"Kapatid nga ba talaga?"

"Ma'am. Jade 'wag wala pa po siyang alam." Sambit ko saka seryoso siyang tinignan.

"Jack, you're getting rude." Bulong ni Vrenise sa tenga ko.

"Sorry," malumanay na sambit ko sa kanya. "Get in the car na." Utos ko sa kanya. "Pero hindi pa nag-uumpisa ang klase." Hihirit pa sana siya ng tinignan ko siya ng nakangiti. Pumasok na nga siya sa kotse atsaka sinara ko ito.

"Paano mo nasabing kapatid mo siya?" Tanong ni Ma'am Jade, ang prinsipal.

"She's my father's daughter." Sagot ko.

"Okay but follow my advice. Take care of her that bad. You two have this special scent when you were together." Sambit ng prinsipal.

"Kailan niyo pa po napansin?"

"No'ng dinala mo siya dito para mag-enroll." Sambit ng Prinsipal na ikinagulat ko. What kind of scent? "Ask your father about her." Dagdag pa niya.

"Pero isang buwan pa bago siya bumalik dito."

"Tanungin mo muna ang papa mo saka m o siya dalhin pabalik dito." Sambit ng prinsipal.

"No, I can't. Magdududa siya."

"Mas lalo siyang mapapahamak sa lugar na 'to."

"I can't follow you, Ma'am. I can protect my sister on my own."

"Ano nga bang magagawa ko? Ikaw ang susunod na hari at ikaw ang masusunod." Saka siya umalis.

Sinilipi ko naman sa bintana si Vrenise na ngayon ay ina-apply na ulit yung pabango.

Pagbukas ko ng pinto ng kotse ay yung pabango na ang naamoy ko at hindi na ang dugo niya.

Lumabas na ulit siya ng kotse atsaka ngumiti sa'kin. "Babalik na ba tayo sa room?" Tanong niya. "Oo naman pero hindi ka pwedeng lumayo sa'kin okay?" Sambit ko at tumango lang siya.

Pagbalik namin sa room ay hindi na nag-abalang magbigay ng sulyap ang mga kaklase namin. Tama lang yan, takot lang nila kung sakaling galawin nila ang kapatid ko.

Umupo na si Vrenise sa dulong upuan at katabi ko siya.

Matapos ang dalawang subject ay breaktime muna.

"Hi Vrenise." Nagulat ako sa lumapit kay Vrenise, si Anastasia.

"Hello." Sagot naman ni Vrenise. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. I should guard her and fix my eyes on her.

"Ako nga pala si Anastasia." Pagpapakilala ni Anastasia sa kanya.

"Ang ganda naman ng pangalan mo, kasing ganda mo." Ayan nanaman siya sa beauty issue.

"Hindi naman, mas maganda ka sa'kin." Sambit ni Anastasia. Tama siya mas maganda ang kapatid ko kesa sa kanya. "Tara. Sabay tayo mag-break time." Nagulat ako ng hawakan niya sa kamay ang kapatid ko kaya napatayo ako.

"Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa kapatid mo." Natawa naman si Vrenise sa sinabi ni Anastasia. "Bakit? Dati ka bang killer?" Natatawa niyang sambit. Mas malala pa siya sa killer! Isa siyang bampira.

"Sasama nalang ako para sigurado."  Sambit ko.

Pumunta na nga kami sa cafeteria at may naghihintay palang isa pang kaibigan si Anastasia, ang nerd na si Brenda.

"Vren, si Bren nga pala." Natatawang pagpapakilala ni Anastasia. "Brenda ang pangalan ko." Natatawang sambit no'ng nerd na malaki ang salamin.

Naupo naman sa tabi ng nerd si Ana tapos ako sa tabi ng kapatid ko syempre.

"Bakit magkasama kayo ni Jack?" Tanong ni nerd.

"Magkapatid kami." Cold na sagot ko. Siniko naman ako ni Vrenise. "Oo magkapatid kami." Saka niya inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Don't be so rude." Pangaral niya. Napalingon naman ako sa kanya atsaka ngumiti.

Si Nerd at Ana ang kumuha ng order samantalang naiwan naman kaming dalawa ni Vren sa upuan. "Jack, bakit nakatingin satin yung iba?" Tanong niya. "Maganda kasi ang lahi natin." Dahilan ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Ang hangin mo talaga." Natatawa niyang sambit.

Pagkabalik nang dalawa ay kumain na kami kaagad matapos ay bumalik din agad sa room.

Pagdating namin ay saktong kakapasok lang ng susunod na teacher. Naging seryoso naman yung mukha ni Vrenise at nakinig na sa teacher. She's just a typical girl. Napaka-inosente talaga niya.

Matapos ang klase ay inantay ko na siyang ayusin yung mga gamit niya. Honestly, hindi ako makapag-focus sa pag-aaral pero I'll try my best to divide my time for her and for my study. Ako pa naman ang honor student dito.

"Jack, bakit tulala ka?" Nagulat akong tanong niya.

"Ahh. Wala. Sorry." Sambit ko. "Halika na." Hinatak ko na ang kamay niya para umuwi.

"Jack!!" Narinig ko na naman ang boses na 'yon. Napalingon kami parehas ni Vrenise sa tumawag sa'kin. "Jack, it's me!" Nakikita ko nga.

"Sino siya?" Pabulong na tanong ni Vrenise. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanilang dalawa. Shit, may papalapit na abnormal.

"Hi Ms. Vrenise, right?" Tanong niya kay Vrenise saka nakipag-kamay. "Yes, you are?" Tanong ni Vren.

"I'm Georgina!" She said jolly. "Gosh! You are a human and not a vampire." Nabato naman ako sa kinatatayuan ko at napansin kong nagulat si Vren sa sinabi nito.

**********
Masaya akong napapangiti kita, Binibini.

BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon