Bite by CriticoWrites
Nang makarating kami sa school ay sinalubong agad si Vren nina Georgina, Anastasia at Brenda. Mukhang madami na siyang kaibigang bampira.
Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Troy, ang nag-iisang tapat kong kaibigan.
"Jack," tawag niya sa'kin at napatingin kaming lahat sa kanya. "Troy! What's up?" Tanong ko sa kanya.
"Ipakilala mo naman sa'kin ang kapatid mo." Sambit niya. "Bakit naman hindi." Tumingin ako sa mga mata ni Vrenise at napatingin din siya sa'kin. Narealize niya naman kaagad na gusto kong siya na mismo ang magpakilala kay Troy.
"Hi, I'm Vrenise, Jack's younger sister." Sambit ni Vrenise atsaka nakipag-kamay kay Troy. "Troy Buencamino, nice to meet you Vren." Sambit ni Troy. Mukhang napaurong ang pagiging loko loko nitong si Troy ahh.
"O siya pumunta na tayo sa mga room natin." Paninira ko sa moment.
"Ang daya! Sana kaklase niyo din ako." Sambit ni Georgina. "Mas mabuti nang hindi dahil magulo ka." Sambit ko sa kanya at siniko nanaman ako ni Vren.
"Hayaan mo baka sa susunod na pasukan kaklase ka na namin." Sambit ni Vren at natawa silang lahat.
"Ano ka ba Vren? Block section tayo." Sambit ni Anastasia. "Oo. Kaya walang posibilidad na maging kaklase natin ang maingay na si Georgina." Napatingin kaming lahat ng magsalita si Nerd.
"Hindi naman ako maingay!" Pasigaw na sambit ni Georg. "Slight lang." Natatawa tawa niya pang sambit.
"Troy, mamaya nalang ulit." Nag-link arm nanaman kami ni Vren at natulala naman silang lahat. Masyado ba akong sweet sa kapatid ko? Sorry ahh, kailangan ko kasing maging overprotective.
"Ang gwapo naman ng kaibigan mo, Kuya." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Vren. "Mas gwapo siya sa'kin gano'n?" Nagtatampo kong tanong.
"Of course not. You're the most handsome guy for me except sa mapapangasawa ko." Natatawa niyang sambit. "Bawal ka pang mag-lovelife." Saway ko sa kanya. Bawal talaga! Ayokong ma-inlove siya sa bampira 'no! Wala namang tao sa lugar na ito e bukod sa kanya.
"Opo. Pag-aaral muna bago ang kung ano anong bagay." Sambit niya. Oo nga, mukhang matatalo na nga niya ako sa academics.
Pagdating namin sa room ay nagbago na yung mga ekspresyon ng mga kaklase ko. Siguro narealize na din nilang dapat nilang pakisamahan ang kapatid ko.
Nakaupo nga pala sa harap ko si Brenda at sa harap naman ng kapatid ko ay si Anastasia.
"Vren," mahinang tawag ko kay Vren dahil medyo busy siya sa pagchecheck ng assignment niya. Kailangan niya kasing maghabol sa klase.
"Bakit kuya?" Tanong niya na hindi man lang nakatingin sa'kin. "Hiramin mo muna yung notebook ko." Saka iniabot ko sa kanya ito. Nanlaki naman yung mga mata niya.
"Sulat mo 'to?" Tanong niya habang nanlalaki ang mata. "Bakit ang ganda?" Natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Focus lang sa notes." Sambit ko sa kanya. Natigil naman na kaagad ang usapan namin at nagbada na nga siya ng nagbasa. "Ang tagal naman ng teacher natin." Reklamo ni Anastasia habang nanonood sa ginagawa ni Vren.
"Okay na 'yon para makapag-aral si Vren." Sambit ni Nerd.
Hindi naman na ako nag-salita at tinignan nalang silang dalawa.
"Jack," tawag sa'kin ni Airo, isa sa mga kaklase ko.
"Bakit par?" Tanong ko sa kanya. "Yung tungkol sa Gig. Sasama ka pa ba?" Tanong niya. Nakatayo na siya ngayon sa gilid ko.
"Hindi pa ako sigurado." Sabay tingin kay Vren. "Ahh, oo. Binabantayan mo pala ang kapatid mo." Sambit niya.
"Sumama ka na kuya." Nagupat kaming lahat ng mag-salita si Vren kahit busy pa siya. "Sumama ka na, mahilig ka pala sa music e." Bigla siyang napatingin sa'kin. "Manonood ako." Sambit niya. Okay lang sanang manuod siya kung may magbabantay sa kanya.
"Manonood din kami ni Brenda para mabantayan namin si Vren." Dagdag pa ni Anastasia.
"Kuya, magtiwala ka sa'kin walang mangyayring masama sa'kin." Positive na sambit ni Vrenise.
"You can kill us if we did something wrong." Sambit ni Nerd.
"Yeah, you can do that to us." Dagdag pa ni Anastasia.
"Hala. Bakit naman niyo ako gagawan ng masama e magkakaibigan tayo." Sambit ng inosenteng si Vren. "Oh, pumapayag naman pala ang kapatid mo." Sabat ni Airo.
Nakatingin na silang lahat sa'kin habang naghihintay ng sagot.
"Okay, next week. I'll be there." Sagot ko at napangiti silang lahat pati si Vren.
Hindi na talaga dumating yung first subject teacher namin kaya tinulungan nalang si Vren nina Ana at Brenda. Nakikita ko naman na wala talaga silang balak gawan ng masama ang kapatid ko.
"Hala, kailangan kong pumunta sa CR." Napatingin naman ako sa kapatid ko ng magsalita siya. Kailangan ipangalandakan? Tatayo na sana ako ng bigla akong pigilan nila Anastasia.
"Kami na ang sasama sa kanya." Sambit ni Nerd. "Babae ang kapatid mo, hindi lalaki." Dagdag pa ni Ana.
Hinayaan ko nalang sila kasi medyo natatakot ako. Lumabas na nga silang tatlo ng room.
Ako naman ay hindi mapakali. Mga tatlong minuto na ang lumilipas kaya naman napatayo na ako. Parang nababagalan ako sa oras.
Pagdating nang limang minuto ay lumabas na ako para sundan sila pero lalo akong napamadali ng makarinig ako ng sigaw.
"Aaaaaahhh!" Boses ng tatlong babae mula sa restroom.
Napatakbo na ako nang mabilis at ginamit ko na ang kapangyarihan ko. Nagulat naman si Vren ng bigla akong sumulpot sa likuran niya.
Kitang kita naming apat ang mga dugong nagkalat sa sahig sa loob ng CR. Namumutla naman si Vren ng mapansin niyang nanlilisik nanaman ang mata ng ibang estudyante.
Wala na akong nagawa kundi ang takpan ang mata niya. Pero ang nakapukaw talaga ng atensyon ko ay... "Vrenise Scotch is not belong here." Pagbasa ni Nerd. Isinulat ang mga katagang 'yon gamit ang dugo ng hayop.
"Sinong may gawa nito!?" Tanong ni Anastasia at tinignan niya nagng masama ang ibang mga naki-isyosong bampira.
"Dapat lang naman kasing umalis na si Vrenise dito." Sabat nang isang nakikiisyoso.
Napatingin naman si Vren sa kanila na sobrang takang taka. Hinatak ko nalang si Vren palabas ng CR.
"Stop showing her here." Isa pang salita mula sa tsismosa.
"Jack, kami nang bahala dito! Take care of her." Sigaw ni Anastasia at nagpa-iwan nga sila sa CR.
Naluluha naman na si Vren na hawak hawak ko padin ang kamay habang naglalakad kami sa koridor ng school. Pinagtitinginan nadin kami ng ibang estudyante.
Pagdating namin sa room ay pinaupo ko kaagad siya sa upuan niya. Hindi ko napinansin ang mga mata ng mga kaklase ko na nakatingin sa'min.
"Are you alright?" Tanong ko sa kanya.
"May itinatago ka sa'king sikreto kuya. Sabihin mo na kasi. Mga bampira ba kayong lahat?" Nagulat ako sa tanong ni Vren kaya napayakap ako sa kanya.
Napalingon naman ako sa mga kaklase ko na nag-dim din ang mga mukha. Mukhang nanlulumo sila.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Vren ang totoo.
BINABASA MO ANG
Bite
VampireTeen age Vampire's story. Magustuhan mo sana, Binibini. Started writing: August 16, 2018 Finished writing: ---------------