Kapitulo II

2 1 0
                                    

Bite by CriticoWrites

Dalawang araw na din dito si Vrenise at nakapalagayan ko na siya ng loob. Mabait naman pala siya. Galing kasi siyang ampunan. So sal loob ng nineteen years na nabubuhay siya sa ampunan lang siya nakatira? Masaklap pala. Tama lang na tumira siya sa mansion kasama ang mga kapatid niyang gwapo.

"Kuy---" napatakip naman siya sa bibig niya ng makita akong topless habang naglalakad sa pasilyo. "Sorry!" Sigaw ko saka tumakbo pabalik sa kwarto ko. Nakalimutan ko palang suotin ang uniporme ko.

Sinuot ko na nga ang uniporme ko saka lumabas at pinuntahan siya sa kwarto niya.

"Sorry kanina." Sambit ko habang nakatayo sa pinto ng kwarto niya. Nagsasapatos na siya ngayon.

Matapos niyang magsapatos ay tumayo siya sa harap ko saka umikot.

"Bagay ba sa'kin?" Tanong niya. "Oo naman. Mana ka sa'kin e." Natatawang sagot ko. "Binobola monlang ako e." Saka tinapik niya ang braso ko.

Ikinawit ko naman ang braso ko sa braso niya atsaka siya hinatak palabas.

"Tama na nga baka mamaya masabihan pa kita ng dyosa." Natawa tuloy siya sa sinabi ko. "Okay lang kasi totoo naman e." Tinap ko tuloy ang noo niya. "Kung ano ano nang natutunan mo sa'min."

"Syempre naman, dapat katulad niyo ako! We're siblings e." Sambit niya. "Oo na."

At dahil parehas kami ng school ay sa kotse ko na siya sasabay mula ngayon. May kapatid na ako at sa wakas wala nang makakalapit sa'king malalanding bampira. They're really getting into my nerve. Wala akong balak makipaglandian sa kanila.

Nasa loob na kami ng kotse at sinimulan oo nang mag-drive.

"Jack," nagulat ako ng tawagin niya ako

"Bakit?" Tanong ko habang nagmamaneho.

"Bakit malamig sa lugar na 'to at parang hindi nasisinagan ng araw?" Tanong niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Natural phenomena, I think." Sagot ko sa kanya.

"Ahh. Kaya pala ang ouputi ng mga tao dito. Sana pumuti din ako." Bahagya akong napangiti sa sinabi niya.

Mahirap yata ang kahilingan niya. Hindi niya magiging kasing-puti ang mga bampirang katulad ko.

"Ano ka ba? Maganda ka naman kahit hindi ka kasing puti ko." Paliwanag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin at binigyan nanaman ako ng matamis na ngiti.

Pagdating namin sa school ay pinasuot ko kaagad sa kanya ang makapal na jacket na dala ko. Sinigurado ko din na hindi magiging malakas ang amoy ng dugo niya kaya binilhan ko pa siya ng espesyal na pabango.

"Salamat, maiibsan nito ang lamig." Sambit niya saka nakipag-link arm nanaman sa'kin.

Habang naglalakad kami pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. May mga nanlilisik na ang mga mata pero nginingitian ko lang sila ng nakakaloko.

Nagulat naman ako ng biglang bumitaw si Vrenise sa'kin.

"Jack, sikat ka siguro dito?" Pabulong na tanong niya. "Huwag mo silang pansinin." Sambit ko sa kanya.

"Nakakahiya e." May napansin naman akong lapis na papalapit at mukhang tatama sa inosenteng kapatid ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ang yakapin siya palayo kaya gulat na gulat siya sa ginawa ko. Tinignan ko naman ang direksyon nang bumata. Shit, si Carlos nanaman. Siya nga pala ang pinaka-inggetero sa lahat.

"Anong ginagawa mo, Jack?" Tanong sakin ng nagtatakang si Vrenise.

"Sorry, nagulo ko yata ang buhok mo." Sinuklay ko naman ang buhok niya gamit ang kamay ko. Napansin ko namang pApalapit na ang grupo ni Carlos sa'min.

"Huwag kang munang haharap sa likod mo ahh." Sambit ko saka niyakap ko siya ng mahigpit.

"Aba, may bitbit kang masarap na nilalang." Panimula ni Carlos.

"Hindi mo siya pwedeng hawakan." Tinabig ko ng malakas ang kamay ni Carlos.

"Ang damot mo naman." Natatawang sambit niya. Sige mang-asar ka lang.

"Kapatid ko siya." Sambit ko na ikinagulat niya at nang mga kasama niya pati na din ng ibang mga estudyante.

"Alam niya ba?" Tanong ni Carlos na mukhang seryoso na.

"Hindi mo pwedeng sabihin kung ayaw mo pang mamatay." Seryoso ding sambit ko.

"Jack, ano bang nangyayari?" Tanong ni Vrenise.

"Wala naman. Halika na." Malumanay na sambit ko sa kapatid ko saka ko siya dinala papunta na sa room namin.

"Jack, anong pinag-uusapan niyo kanina?" Tanong ni Vrenise.

"Wala lang 'yon. Mag-focus ka nalang sa gagawin mong pagpapakilala mamaya." Namula naman siya sa sinabi ko. Mukhang kinabahan siya.

"Nahihiya ka ba?" Tanong ko.

"Nakakahiya tumayo sa harap at magpakilala." Sambit niya.

"Ayos lang 'yan. Isipin mo nalang na ako lang ang kaklase mo." Sambit ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin ng pilit. Mukhang kinakabahan talaga siya.

Dumating na nga ang homeroom teacher namin at oras na para magpakilala si Vrenise.

Tumayo na si Vrenise sa harap.

"Hi, ako nga pala si Vrenise Scotch." Halata ang pagkagulat sa mukha ng mga kaklase ko. "Sana maging kaibigan ko kayong lahat." Nagulat naman ako ng bigla kong maamoy ang dugo niya. Shit, this should not happen! Malakas yung amoy ng pabango na binigay ko sa kanya ahh!

**********
Hindi ako magsasawang sulatan ka, Binibini.

BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon