Something about him(CRUSH)

26 10 14
                                    

First scenario

Yung tipong nahalata na niya na crush mo siya.

"Pahingi nga ng papel." Sabi niya. Ikaw naman tong si gaga bigay agad buti di virginity mo hiningi kundi patay tayo diyan.
So ayun, umabuso si crush kase nga masyado kang halata sez. Pag tumingin ka kase dapat pag tumingin siya nakalingon kana di yung naestatwa kana dzae. Kulang nalang siya magpahid ng laway mo.

Nagkacrush ka sa kanya kase siya yung tipong iba ang dating sa'yo. Sasabihin ng iba, "Ha? crush mo yan? Di naman gwapo."

Grabe talaga yung iba no. Di porket di gwapo di kana magkacrush. Baka marunong mag-guitara si dodong. O baka naman marunong kumanta, sumayaw, magfliptop, magdota at kung ano-ano pa. Actually, di basehan ang hitsura pag may crush ka e. Kung baga ang datingan ay may sense kausap ok na yon. Pero para sakin may crush akong :

Matalino-- napakahenyo sa Math diyos ko hanggang ngayon crush ko pa din. Ngayon whole package na. Mabait, gwapo at matalino. Susmaryusep. Naalala ko dati, nung time na yon alam na niya na crush ko siya. So, everytime magkasalubong kami at nakita ko siya. Tumatakbo ako at dadaan sa likod ng room. Eh klasmeyt ko siya nun syempre makikita ko pa rin siya sa room. Pero di bale ng malayo basta makaiwas lang. Pag natatawag ako sa harap kase may activity tapos yung mga klasmeyt mo nanunukso sa inyo. MayGawd!! Kakahiya e. Pag natawag ka naman tapos mali sagot mo. Wag kana pumasok bukas. (Char langs, wag ganoon dapat inspirasyon niyo sa para mag-aral kayong mabuti. Huwag gumaya sakin).
Mahilig kumanta at mag-guitara-- Di talaga to gwapo promise pero... ang datingan sez. Lalo na pag dala niya ang guitara niya. Naku makalaglag panty. Yung smile niya pag tinutugtog na niya ang guitara sabay kanta. Laglag na talaga si baby heart. Crush ko'to nung high school. HAHA asan na ba to?
Mahilig sa rock at gothic-- Isa din to e. Medyo gwapo naman, siya ang combination sa matalino at musikero. Mahilig din to mag-guitara. Maganda boses at magaling magsolve ng math problems. One time nagtanong ako dahil mahirap nga kasi ang Math, susko dzae pag ako magteacher mag-P. E nalang talaga ako. Ayun nga nagtanong ako kase bobo ako sa Math.(Matalino ka??) Bumulong ba naman sakin. Naamoy ko ang hininga e. Di mabaho kaya kinikilig ako sobra.

Marami akong crush pero sila yung top 3. Oh di ba hanggang tingin lang talaga ako. Di ako mahilig sa da-moves dati. Mahiyain ako guys. HAHA

..

CRUSH ENCOUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon