Saklap

13 9 12
                                    


Yun bang nakatingin ka sa kanya pero nakatingin siya sa iba. 😑😑

Ansakit e.

Sobrang saya mo papuntang school kase nga makikita mo na naman siya. Kahit pa nakaw tingin ka lang kompleto na araw mo.

Habang nagdidiscuss ang titser niyo lutang ka kase andami mong fantasies. Katulad nalang nang; pinansin ka niya. Milagro yun para sayo at gustong gusto mo naman. Yung tipong sana pagtingin mo nakatingin din siya sayo. Tapos mamumula ka kunwari kahit itim ka naman. Tapos tinatanong ka kunwari sa mga gusto mo. Anubeeeyyyy.

"Sharlene!!!! Di kana naman nakikinig sa klase. Para ano pa't nag-aral ka pa! Tayo!" Pukaw ng guro sa imahinasyon mo.

"Bad cheetah." Bulong mo sa sarili. Nakakabawas ganda pag nasita ka ng guro tapos klasmeyt mo pa ang crush mo. Paano pa kaya pag crush mo e ang talino tapos ikaw kahit isang Math problems di mo masolve. Nakakaloka ka dzae. Study first before you enter in the kingdom of love. HAHAHA naaalala ko to mga batang 90's lang ata ay nakakaalala nitong phrase na'to.

Paano ba yan? Matutulog na ako baka sakali mapanaginipan ko si crush, ayayay. ☺️☺️☺️

CRUSH ENCOUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon