Crush si cuz!!!

6 4 0
                                    

Dati adik na adik sa korean drama na Endless love. Yung kay Jodi at Cholo. Iyak ako ng iyak sa koreanovelang yan.

Tapos ng magbakasyon ako sa probinsiya namin. Nahagilap ko agad e. Kamukhang-kamukha ni Cholo. Napapaindak ako sa isip ng mga oras na iyon. Ewan ko ba di ko maipaliwanag ang saya. Syempre pag city girl ka pagdating sa probinsya ang bango mo kaya. That's a fact! Try niyo tapos magdisco din kayo. HAHA.

Di ko naman inalam pangalan besh kasi saglit lang naman ko siya nakita noon. Pasulyap-sulyap lang si ako muna. Naghahanap ng mabibiktima.(Oy di, ah).

Simula noon I can't stop thinking na sa kanya talaga. Like di ako makatulog. Nawala na yung mga image ng crush ko sa school napalitan ng larawan ni Cholo at yung nakita kong kamukha niya.
Yun bang pag natutulog ka tapos iniisip mo si crush, ngingiti-ngiti kang haliparot ka e. Aminin niyo naman ganun din kayo. At ang sarap ng tulog mo. Pagbangon mo ang smooth lang e kase tapos excited na excited ka.

Balik tayo. Kinaumagahan non, maraming tao kasi piyesta ng nayon(LOL). Bumalik siya(Dinasal ko to promise). Ansaya ko na tapos pinakilala samin.

"Si ano nga pala, anak ni ante mo asawa ng kapatid ng mama mo." Sabi ni... fill in the blank ulit.

Me: ano dzaw?? (Inerewind ko sa isip ang kasasabi lang.)

Nang masink in na sa utak ko,grabe sobrang dissapointed talaga ang datingan ko. Bagsak ang balikat.

Pero??? Walang makakapigil sakin crush lang naman e. HAHAHA
At hanggang ngayon ako lang nakakaalam at kayo... ssshhhh

Masaya na siya sa wifey niya pooo, don't worry. Part lang siya ng childhood days ko.

CRUSH ENCOUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon