Ba't ganun?

19 10 2
                                    


Ito naman yung wala naman siyang katalent-talent pero ba't ganun?

Yung nagkakacrush ka sa kanya pero alam lang niya matulog sa klase. Di matalino. Laging nangongopya tapos yung kinopyahan niya zero e di zero din siya. Minsan matatawa ka nalang sa sarili mo at napatanong. "Bakit kaya nagustuhan ko 'to?"
Ito yung tipong kahit walang ginagawa pero naiistars struck ka e. Laging late. Pag break time naglalaro ng basketball tas amoy panghe na. Laging natatawag pero walang maisagot kass wala talagang laman ang utak dzae pero ba' t ganun? Pag dumaan siya titig na titig ka. Nagbabasketball siya kahit di naman magaling nagchecheer ka ng palihim. "sana ma-shoot, go go go." sabi ng utak mo. Napaka SAKURAGI ang datingan e.
Minsan sila yung tipong crush mo na napaka "P" lalo na't napansin nilang may gusto ka. Payo ko lang dzae, wag maglaway pagtitingin. Titig lang walang laway-laway.

MR.' P'

"Pahinging papel"
"Pengeng chips"
"Pahiram ballpen/lapis"
"Pashare ng libro"
"Pakopya naman"

Ikaw naman si Miss "O". Oo ka lang ng Oo. Di ka makatanggi kasi nga crush mo. Masaya ka pa nga e kasi napapansin ka. Kulang nalang itago mo forever yung ballpen/lapis na hiniram niya na kinagat-kagat pa yung dulo. Walang diri-diri kahit amoy laway yun napaka'OK' lang sayo.

...

CRUSH ENCOUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon