Crush mo hanggang ngayon.

13 4 0
                                    


Alam niyo yun?

Yung crush mo e close friend mo. Ang hirap kaya magtago ng kiligness(HAHA walang word na ganto ako lang may sabi). Pag may groupings kayo sa klase syempre mas maraming beses pinipili niyo yung isat-isa kasi nga, wala lang, trip niyo atsaka kilala niyo na ang isat-isa e.

May mga minsan na nagroroleplay kayo. Kayo lage magkapartner, ang saya diba?
Yung tipong kinikilig kang talaga at feeling mo nagblush kana. Mas gusto mo naman ang ganitong set up kaysa malaman niyang nagkacrush ka sa kanya. Maging awkward lang kayo at worst di na magpansinan kagaya ng naexperience ko. 😭 😭 😭

Grade four kami nun nang bago lang siya sa school namin. Nung una di ko napansin na gwapo siya. Parang normal lang talaga, pero nung magkagrupo na kami. Dios ko dzaiiiii!!!! Yung sense of humor niya abot hanggang sa heart kaya tuloy first love ko na siya pero hindi first crush. Di ako maagang naglandi pero grade one lang ako nung nagstart akong magkacrush. Di ko alam crush pala tawag dun at ni kahit sino walang may alam hanggang ngayon. Bes!! until now alam ko pa ang hugis ng mukha niya. Asan na kaya siya?

Parang napicture-out ko na, na parang tabain siya. Siguro lashengero na yon ngayon. Haha.

"Manang, beer pa isang case."

Balik tayo. Yun nga mga dzaii, nung nakilala ko na siya at naging close kami dati. Actually yung grupo namin laging ahead e dahil sa kanya. Antalino sa math bes, syempre papahuli ba ako? Kung may top 10 students nasa 8th place lang ako. Pwede na yan. Ang aga kong pumasok dati walang gising-gising ne mama kasi inspired. Alam ko namang sobrang aga niya din. Siya ata may dala ng susi ng room namin.

Dahil grupo kami for the entire school year. Pagkatapos ng flag ceremony syempre, walis-walis na yan sa lugar kung saan kayo naatasang madestino. May taga pulot ng plastic, nangunguha ng tuyong dahon sa halamanan. Ako minsan ang taga walis talaga tapos alternate kami, minsan nagdidilig din. Siya yung nagdadust-pan ng winalis ko. Yung mga gantong ganap lang pero deep inside kinikilig na ako.

Sa room namin talaga lagi kaming nagchichismisan e. Naguguluhan nga ako minsan kung straight ba siya o ano. Andaldal dzaii e, tapos naglalaro kami ng chinese garter pa noon. Tinutukso niya ko kasi ang galing ko daw. Kaya ko yung VIVA kung tawagin namin noon. Sobrang flattered si ako tapos andami naming kulitan moments noon. Nagbago lang lagt nung hindi na kami magkaklase nung grade 5. Nalaman niya din sa isang kaklase namin na crush ko siya.

Kaya kayo diyan wag na kayong maingay kahit bestfriend mo pa pero depende din. HAHAHA

Hanggang ngayon crush ko pa din. One more thing, di pala siya binabae. May girlfriend siya at ang sakit sa heart, makita silang may couple *****.
Happy naman ako dahil naconfirm ko na kutob ko lang pala yun. Ika nga, don't judge the book by it's content.

Pakahappy kayo ha and make more babies. Bigay niyo sakin ang isa dahil baog ako. HUHU

Saklap.

PS.

I am happily married without a child yet.

CRUSH ENCOUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon