Episode- 2

28.8K 1.1K 184
                                    


Malakas ang kaba ni Sunshine sa kanyang dibdib ng marinig ang palapit na mga yabag. Agad na dumistansya sa dinning table at tumayo sa di kalayuan. Halos mangalog ang mga tuhod ng matanawan ang seryosong mukha ng amo. Nag tungo ng ulo at hinintay na makaupo ang mag ama.

"Yaya halika kana po, let's pray first."

Agad na lumapit siya sa bandang likoran ng alaga at nanatiling nakatayo.

"S-set down Ms. Sunshine."

Seryoso parin ang mukha ni Jake.

"Ahm, s-sige po s-sir."

Nanatiling naka yuko habang nakikinig sa pagdadasal ng kanyang alaga.

"Yaya kain na po tayo."

"Ah-s-sige."

Tahimik silang kumain, subrang awkward between Jake and Sunshine. Si Justin ay nanahimik na lang din kahit may gusto pa sana itong sabihin. Ramdam nito ang pagka tense ng kanyang yaya kaya minabuti na itikom na lang ang bibig.

Halos mabilaukan na ang dalaga sa pagmamadali. Mabilis na tumayo ng maubos ang laman ng sariling pinggan. Nag tongo sa harap ng lababo at naghugas ng kamay. Binuksan ang fridge at kumuha ng desert para sa mag ama.

"Yaya thanks po dito sa cake na gawa mo ang sarap po."

Nginitian nalang ang alaga.

"S-salamat din dito sa coffee jelly ang s-sarap din."

"W-welcome po sir."

"Ah dad doon muna ako sa room ko at may importante lang akong gagawin. Pasimpleng sininyasan ang ama at agad namang na get nito.

Nagmamadaling lumabas ng dinning room si Sunshine at dimiretso sa kitchen sink. Malakas ang pintig ng kanyang puso sa nerbyos o takot. Sinikap na kumilos ng normal. Kailangan niyang humingi ng tawad sa kanyang bos. Kawalang respeto ang ginawa niyang pakikialam. Yaya lang siya ng anak nito at wala siyang karapatan sa lahat ng bagay na pag aari nito. Galit na galit sa kanya at natatakot siya na baka palayasin. Ayaw na niyang bumalik sa kanyang tiyohin. Ilang beses na huminga ng malalim at matapos makalma ang sarili ay humanda na sa gagawin. Agad na bumaling para puntahan ang kanyang bos pero na statue siya ng makitang nakatayo doon ang lalaki. Lalo na siyang natakot ng makita ang kaseryosohan habang nakatingin sa kanya. Isang bagay lang ang pumasok sa kanyang isipan, ang kapatawaran nito. Mabilis na nilapitan ito at agad na ginawa ang laman ng isipan.

"P-patawarin po ninyo a-ako sir, n-nangangako po ako na h-hindi na mauulit ang g-ginawa ko."

Napaatras si Jake ng biglang lumuhod sa kanyang harapan si Sunshine.

"P-pakiusap po s-sir h-huwag ninyo akong p-paalisin at gagawin ko po ang lahat mapatawad mo lang ako."

Yukong yuko ang ulo ng dalaga habang kagat ang ibabang labi. Pigil na pigil din na huwag tumulo ang luha.

"A-are you sure na gagawin mo ang lahat para mapatawad kita?"

Hindi alam ni Jake kong bakit ang salitang iyon ang kanyang nasabi. Babawiin sana niya iyon ng biglang nagsalita ito.

"O-opo sir, lahat po ng s-sabihin at i-ipag uutos ninyo ay g-gagawin ko."

Nagka bulol-bulol na sa mabilis na pagsagot.

"O-okay fix yourself and g-go to my r-room!" "What the hell is goin'on?" Pati siya ay halos mautal at ang kanyang dibdib ay napakalakas ng kaba.

"O-opo sir, liligpitin ko lang ang dinning room."

"Okay at bilisan mo ayaw kong pinaghihintay ako."

BOOK #3: CEO SINGLE DAD OWNED BY NANNY ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon