Chapter Ten

12 5 48
                                    

Author's Note:
Hola mi amigos, mi amigas! This chapter is dedicated to Crisha Mae Salvatierra. Hello, girl. Wag ka nang bitter. Hehe. So, I hope You'll like this chapter, kahit na maikli lang siya. ^__________^

******

Acer's POV
Hinila niya ako papunta sa parking lot. Pagkarating namin doon, nagpalinga-linga siya na tila may hinahanap. Nang makita niya yung kung ano mang hinahanap niya, hinila niya uli ako.

Nang makarating kami doon, poker faced naman akong tumingin sa kaniya na nakatalikod pa rin sakin.

"So, anong gagawin natin sa kotse ko?"

"Ida-drive mo," sagot niya saka humarap sa akin.

"May naalala ako at gusto nating puntahan yun!" Dagdag niya pa.

"Saan naman?" Tanong ko.

"Basta! Dali buksan mo na kotse moooo!" Masiglang na utos niya sakin. Tumatalon talon pa siya. Himala nga at naging ganito kasigla ito.

Pero it's okay. She's so cute when she's energetic. Lumalabas pagka-isip bata niya.

Napangiti nalang ako sa inaasta niya. Ganyang ganyan rin siya dati, eh.

Lumapit naman ako sa kotse ko saka ko inilabas ang key fob at pinindot ito para ma-unlock ang kotse ko. Pagkatapos ay umikot ako papuntang passenger's seat at binuksan yun.

"O, sakay na," sabi ko. Dali dali naman siyang sumakay. Halatang excited. Isinara ko na ang pinto ng passenger's seat at umikot akong muli pabalik ng driver's seat.

Pumasok na ako at saka pinaandar ang kotse.

"Ituro mo yung daan,"

"Opo!"

Ngumiti ako at nag-drive na paalis ng school. Kagaya ng sabi ko, itinuro nga niya ang daan. Umabot lang naman ng 30 minutes ang byahe namin.

Nang makarating kami doon, walang lingon siyang bumaba sa sasakyan. Napailing-iling naman ako at ipinark na ng maayos ang kotse ko. Bumaba na rin ako pagkatapos.

Alam niyo ba kung nasaan kami?

Andito lang naman kami sa isang malawak na carnival. Sa carnival kung saan madalas kaming pumasyal noon.

Naglakad na ako papalapit sa kaniya na nakatayo sa entrance ng carnival at sabay na kaming pumasok. Bumili na rin kami ng ride-all-you-can ticket.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng carnival. Ganitong ganito pa rin ito two years ago until now:

Marami pa ring nagtitinda ng street foods at mga stalls kung saan maari mong matikman ang mga iba't ibang uri ng pagkain and specialties ng iba't ibang bansa, marami pa rin ang mga rides na sa tingin ko eh nadagdagan pa, at higit sa lahat, andito pa rin ang paborito naming attraction sa carnival na ito–ang Mermiendo Lake.

Malawak ang lawang ito at sobrang linaw ng kulay asul niyang tubig. Sa sobrang linaw mga nito ay maaari mo nang makita ang mga isdang lumalangoy rito at mga corals at bato na nasa ilalim. Pwede kang mag-swimming sa lake at mamangka, pero syempre, like any other attractions, may bayad ang pagligo at pagbangka mo.

Napatigil naman ako sa pagmamasid ng may sumigaw.

"KC! 'Lika ditoooo!" Sigaw ni Ray. Malayo na pala ang pwesto niya sakin. Andito palang ako sa bukana ng carnival habang siya ay andun na sa tapat ng Frisbee. Ito yung ride na bukod sa umiikot, nagsu-swing rin.

 Ito yung ride na bukod sa umiikot, nagsu-swing rin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sumunod na lang ako sa kaniya at pumila na kami.

Di nagtagal ay kami na rin ang isa sa mga sasakay. Nagulat naman ako ng bigla siyang kumapit sa akin, pero mas ikinagulat ko ng maramdaman kong namamawis ito.

Still afraid of heights as ever, Ray.

Takot sa mga matataas na lugar at rides si Ray pero she always takes the risk tapos kapag aalis na kami, she'll always say, "Grabiii, ang gondo dun, super!" and "Let's ride it again when we get back here!"

Haaaay. Those memories.

Sumakay na kami at chineck naman ng mga crew yung safety gear kung maayos ba itong nakalagay sa amin para hindi mahulog, at habang chini-check nila, bigla namang nagsalita itong katabi kong si Raven.

"Kuya Crew, sa tingin niyo po hindi kami mahuhulog dito?" Tanong niya. Natawa naman ako.

"Hindi, basta magtiwala ka lang," nakangiting sagot ng crew.

"Magtiwala po? Ginawa ko na po iyan noon pero nasira po tiwala ko," hugot niya na mas lalong nakapagpatawa sa akin. Nahahawa na siya sa akin eh.

Napailing-iling nalang yung crew habang nakangiti at di nagtagal, pinaandar na nila yung ride.

Sigaw ng sigaw si Ray habang pigil na pigil ko naman ang tawa ko dahil sa itsura niya. Makasigaw kasi parang wala ng bukas eh. HAHAHA.

Pagkatapos naming sumakay sa Frisbee, sumakay pa kami sa mga matataas na rides kung saan yung mga dare devils lang ang nagti-take ng risk para sumakay doon.

Si Raven naman, halos mapaos na kakasigaw pero in the end ay nag-enjoy rin naman.

Sumakay rin kami sa mga kiddy rides, pero ang pinaka-favorite niyang sinakyan is yung carousel. Nagpapadyak pa nga siya kanina kasi wala daw unicorn sa mga kabayo na andun. Kaya ayun, sa puting kabayo na may blonde na buhok ang sinakyan niya.

Pagkatapos sa carousel, niyaya naman niya akong libutin ang lahat ng stalls ng mga pagkain. Nagutom sa pagod dahil sa pagsakay sa iba't ibang rides. Tsk.

Sinubukan at tinikman naming dalawa ang lahat ng pagkain sa bawat stall. Pero higit na nakarami siya ng kain sa korean street food stall. Masyado kasi siyang nag-enjoy sa pag-gamit chopsticks. Bukod pa doon, nasarapan siya sa pagkain ng buhay na octopus. Nakailang serve nga siya eh.

Hindi nagtagal ay nag-desisyon na rin kaming umalis dahil nalibot na naman namin ang buong carnival.

"Saan ang next destination natin?" Tanong ko. Hindi ko na kasi alam kung saan pa pupunta. Gusto ko sanang pumunta kami ng Tagaytay, pero napag-isip isip ko na hindi rin naman namin mai-enjoy ang pagpunta roon dahil wala kaming baong damit at pagkain.

Wala lang, maganda kasi mag-swimming sa Taal Lake. HAHAHA.

"Sa mall nalang muna," sabi niya. Nagtaka naman ako at napatingin sa kaniya.

"Gagawin natin dun?" tanong ko. napatingin naman siya sa akin at sumagot.

"Bibili ng damit. Konti lang nadala kong damit noong umuwi ako. Akala ko kasi kakasiya pa sa akin yung mga damit ko sa kwarto, hindi na pala,"

Napatango-tango na lamang ako at nang makarating na kami sa kotse ko, agad na akong nag-drive papuntang mall.

A Memory to Remember [ON-GOING]Where stories live. Discover now