Chapter Twelve

11 3 21
                                    

Raven's POV
After namin kumain, umalis na kami at lumabas ng mall. Sinabihan nalang ako ni Four-eyes na maghintay sa entrance at kukunin niya lang ang kotse niya. Pumayag naman ako at naghintay. Ilang sandali pa, natanaw ko na ang kotse niya at nang tumigil ito sa harap ko ay bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nagpasalamat naman ako at sumakay na. Pagtapos nun ay umikot na siya uli pabalik sa driver's seat at inilagay na ang seatbelt niya, na ginawa ko rin. Umalis na rin naman kami pagkatapos.

Sinabi niyang ihahatid nalang daw niya ako kaya gulat akong napatingin sa kaniya.

"Alam mo kung saan ako nakatira!?"

Tinignan naman niya ako na parang ang weird ng tanong ko at saka siya mahinang natawa.

"Of course. I'm your ex, remember? Natural alam ko kung saan ka nakatira," sagot niya. Nakanganga pa rin ako kaya isinara ko na agad ang bibig ko pagkasabi niya nun at saka ako umiwas ng tingin. Hinayaan ko nalang siyang magmaneho, tutal alam na rin naman pala niya ang bahay.

Buong byahe lang kaming tahimik. Wala naman akong maisip na itanong kaya nanatili nalang akong nakatingin sa daan. Paminsan naman ay sumusulyap ako sa bintana.

Nanatiling ganun ang nangyari nang may maalala ako kaya naman balisa akong humarap sa katabi ko na abala sa pagmamaneho.

"Kuyang apat ang mata or whoever you are na hindi ko alam ang pangalan, pakibaba nalang ako sa school!" Sigaw ko. Medyo gulat ata siya kasi nakita ko na parang umangat ng konti yung mga balikat niya. Nilingon naman niya ako saglit at saka bumalik na uli sa pagmamaneho.

"Bakit doon pa? Pwede namang ihatid kita sa inyo. Tsaka Kaiser ang pangalan ko, 'no," sagot niya.

"Bastaaaa! May sundo ako, baka inaantay ako roon! Pasensya ka na, Kaiser, ngayon ko lang nalaman pangalan mo eh HAHAHAHAHA," sabi ko naman. Napansin kong natigilan siya sa huling sinabi ko pero pinagsawalang bahala ko nalang yun.

"Bat hindi mo nalang i-text?" Tanong niya. Tumingin naman ako sa kaniya bago ko siya sinagot.

"Wala akong number niya eh,"

Natahimik naman siya dahil doon. Kapag kwan ay bigla nalang niyang kinuha yung cellphone niya sa bulsa at iniabot sa akin. Taka ko naman siyang tinignan.

"Ano gagawin ko dito?" Tanong ko.

"Kainin mo," seryoso pero pilosopo niyang sagot. Hinampas ko naman siya sa braso dahil doon.

"Alam mo ikaw, papansin ka! Nagtatanong ako ng maayos eh. Ano nga!?"

Tumawa muna siya bago magsalita.

"Tawagan mo driver niyo. Si Mang Rene, diba? Buksan mo cellphone ko, andyan number niya,"

"At pano mo naman nakuha, aber?" -Ako

"Basta. Mahabang explanation. Sige na tawagan mo na," -Siya

Umirap naman ako at ginawa ang sinabi niya. Grabe rin 'tong lalaking 'to eh, hindi nilalagyan password ng cellphone. Mabilis ko lang nahanap ang number ni Mang Rene kaya nakitawag na ako sa kaniya.

"Hello, Kaiser, hijo? Napatawag ka?" Pambungad niya pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag.

"Hello po, Mang Rene! Si Raven po ito! Nakitawag lang po ako kay Kaiser. Sasabihin ko po kasi sana na kasama ko siya ngayon at ihahatid nalang po ako sa bahay," sabi ko. Medyo tumahimik rin sa kabilang linya, bagay na ipinagtaka ko. Pero makalipas ang ilang minuto, nagsalita uli si Mang Rene.

"Ganoon ba, hija? Osiya, sige. Mag-iingat kayo pag-uwi, ha?"

Napangiti naman ako dahil dun. "Opo, Mang Rene. Sige na po, ibababa ko na yung tawag," huling sabi ko at nagpaalam na, pinatay ko na rin yung tawag at ibinalik sa kaniya ang cellphone. Tahimik nalang uli kami pagkatapos nun hanggang sa makarating kami sa bahay. Bago pa ako makababa, nakita kong naghihintay sakin si Mang Rene sa may gate ng bahay.

A Memory to Remember [ON-GOING]Where stories live. Discover now