Chapter Six

23 4 46
                                    

Acer's POV
I can't believe what she's saying!

She left me two years ago for crying out loud and then she came back saying that she doesn't know me?

Umayos na ako sa pagkakatayo dahil nagmumukha na akong tanga sa posisyon ko sa may pader.

Inalis ko na muna ang eyeglasses ko at saka ko minasahe ang mga mata ko dahil sa frustration. Pagkatapos nun, isinuot ko na itong muli.

Napabuntong hininga nalang ako at saka naglakad na paalis sa pasilyong iyon.

Hindi na muna ako a-attend ng klase. Doon nalang muna ako sa ward ng barkada ko.

Pagkarating ko doon, andun naman ang apat na kaibigan ko at prenteng nakaupo sa couch at may kani-kaniyang mundo. Napansin naman nila ako agad.

"The school boy is here," nakangising sabi ni Jundreay, kaya naman tinignan ko siya ng masama.

"Shut up,"

"Anong meron at napadpad ka rito sa oras ng klase? Himala, boy," sabi naman ni Jonathan na sinang-ayunan naman nina Jundreay, Christ, at Justine.

Totoo nga naman. Hindi ako tumatambay rito kapag oras ng klase dahil mas nag-focus ako sa studies simula nung umalis siya.

Hindi ko naman sinasabing bulakbol ako noong girlfriend ko pa siya, kasi maging siya ay focused din sa studies, as in. Kaya nga madali kaming nagkasundo noon. Mas naging focused lang talaga ako sa studies dahil nga wala na akong pinagkakaabalahan.

Naupo na muna ako malapit sa kanila bago nagsalita.

"She's back," diretso kong sabi. Natahimik naman ang apat sa sinabi ko.

"Si Ray?" Tanong naman ni Christ. Poker faced naman kaming napatingin sa kaniya.

"Malamang. Sino pa ba ang babalik na ex ko kundi siya?" Sabi ko.

You've read it right. Raven Elixine is my ex-girlfriend two years ago.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang umalis at iniwan ako ng wala man lang pasabi. And now, she just said she can't remember me.

How can't she?

Whatever the reason is, I'm willing to find it out.












Raven's POV
Matapos ang nangyaring iyon, dumiretso na ako sa classroom ng sunod kong klase. Hindi na rin naman na pumasok si Mr. Clarkson na humigit sakin.

3 pm na at tapos na ang klase. Sinundo ako ni Mang Rene at nang makarating kami sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit.

Pabagsak naman akong nahiga sa kama pagkatapos. Hindi rin nagtagal ay nakatulog ako. Nakakapagod ba naman kasi ng araw na 'to.

Gabi na nang magising ako. Bumaba lang ako at kumain, tsaka nanood sandali ng tv, saka ako umakyat sa kwarto ko at nakipag-skype sa mga kuya ko.

Sandali lang naman ang itinagal nun dahil may iniuwi raw silang trabaho at kailangan na nila iyon gawin.

Wala naman na akong ginagawa at alas siyete y media pa lang naman ng gabi kaya ipapakilala ko muna ang mga kuya ko sa inyo.

Una, si Kuya Dark Skyler Rade. 23 years old na siya at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang engineer sa kompanya samin sa US. Single and not yet ready to mingle ang kuya kong ito. Ewan ko ba, gwapo naman siya at hot pero sa tuwing tatanungin namin siya kung kelan siya maggi-girlfriend, lagi naman niyang sagot na di pa daw siya ready sa committment after nung heartbreak niya kay Ate Chelsea na niloko lang siya.

Pangalawa si Kuya Light Israel Rade na kakambal ng kuya Dark ko. Gwapo at hot rin. Nagtatrabaho naman siya as doctor sa isa sa mga hospitals namin. Dahil nga sa gwapo at hot, ayun, maraming nagkaka-crush sa kaniya, mapa-nurse man o pasyente. Ang latesst update naman ay may na-atale raw sa puso na nurse dahil raw sa pagka-crush sa kaniya. Minsan nga iniisip ko, hindi rin pala magandang magka-crush sa gwapo, kasi nakaka-atake sa puso. Joke. And just like kuya Dark, single din siya. Single as in, hindi pa nai-inlove. Malay ko ba rito kay kuya Light at wala pang natitipuhan.

Syempre, kung may kambal akong kapatid, may triplets rin. HAHAHAHA.

Panganay sa triplets si Kuya Mate Lyndel Rade. 20 years old na siya at nagtatrabaho na rin bilang isang accountant sa isang malaking bangko sa US rin. Tulad ng pangalan niya, matinik siya sa babae. Mahilig siya sa chics. Kaya ayun, binansagang chicboy sa high school days nila hanggang ngayon. Single and always ready to mingle siya.

Sunod kay kuya Mate ay si Kuya Hate Niccolo Rade. Nagtatrabaho na rin siya as nurse sa hospital na tinatrabahuan ni Kuya Light. Tulad rin ng ibang kuya ko, kinababaliwan rin siya ng mga kababaihan sa US. Kaso, itong si Kuya Hate, halos hate ang lahat maliban saming pamilya niya. Hate mag-online sa social media, hate makipag-hangout pero may barkada, hate na lahat! HAHAHAHA. Syempre, single rin 'to. Ayaw pa mag-girlfriend talaga.

At ang pinakahuli sa triplets na kuya ko, ay si Kuya Late Denzel Rade. Nagta-trabaho na siya as a Professor sa isang sikat na school sa US din. Kinababaliwan rin ng mga babaeng estudyante kaya naman walang uma-absent para masilayan nila ang mukha ni Kuya. Kaso, problema lang sa kaniya, lagi siyang LATE! HAHAHAHA. Hindi naman siya masisante ng may-ari ng school dahil isa siya sa mga magagaling at matatalinong professors sa school na pinagtatrabahuan niya. Isa pa, isa kami sa may pinakamalaking shares na ibinigay sa school na iyon kaya kapag sinisante siya, goodbye shares na rin. Sa kanilang lahat na mga kuya ko, itong si Kuya Late lang talaga ang in a relationship. High school sweetheart niya ang ka-relasyon niya hanggang ngayon na si Ate Viel Marie na isa namang veterinarian. At aaminin kong, totoong late siya sa lahat ng okasyon, pero never sa date nila ni Ate Viel. HAHAHA.

So ayun na ang mga kuya ko.

Wala na naman akong magawa! HAHAHA. Kinuha ko nalang yung laptop ko at in-update yung story ko sa Wattpad at nang wala na akong magawa talaga, natulog na ako. Alangang tumunganga pa ako right? Tomorrow is another tiring day kaya. Ikaw rin, tulog ka na. Maaga ka pang aasa. Char.




******
Hello world!

I'm sorry for the short update mi amigos and mi amigas. Wala na kasing pumasok sa isip ko kaya heto nga at mas maikli ang update ko ngayon. Exams na sa Thursday and Friday omaygaaas! Good luck sa ating lahat!
 
                           -Dystychiphobic

A Memory to Remember [ON-GOING]Where stories live. Discover now