Chapter Seven

31 8 49
                                    

Raven's POV
Kinabukasan, maaga ako ulit pumasok dahil naniniwala ako sa kasabihang, "Earliness is a virtue". Char.

Naglalakad ako ngayon papuntang room ko nang bigla kong maramdaman na parang may sumasabay sa akin. Nang lingunin ko kung sino ito, si Four-eyes pala.

I'm pertaining to Mr. Clarkson keneme, anyway.

Lumingon rin siya sakin at nginitian pa ako ng matamis.

Matamis daw, eh hindi ko pa nga natitikman kung matamis ba ang ngiti. Pero teka, may ngiti bang matamis ang lasa? Wala pa naman akong natitikman.

Napatigil naman ako sa paglalakad at napailing-iling sa mga naiisip ko.

Ano na naman yan, Raven! My God.

Napatigil rin siya sa paglalakad habang nakatingin pa rin sakin, pero this time, nagtataka na siya. Nagtataka siguro sa biglang pagtigil ko.

"Bakit ka tumigil sa paglalakad?" Tanong niya.

"Eh bakit tumigil ka rin?" Tanong ko pabalik.

"Sinasabayan ka. Halika na, baka mamaya ma-late pa tayo," sagot niya naman sa tanong ko. Ay wao.

"Bakit? Sinabi ko bang sabayan mo ako? Wala naman diba? Una ka na, go," pagtataboy ko sa kaniya. Maka-act naman kasi 'to, parang walang ginawang ewan kahapon. Feeling close agad eh hindi ko pa nga kilala.

"Ayoko. Gusto kita sabayan," sabi naman niya, with matching pout pa. Kala mo cute.

Eh cute naman talaga eh.

Manahimik ka brain, hindi ko hinihingi participation mo at this moment. Baka nakakalimutan mong tinuruan kita noon na bastos ang sumasabat sa usapan ng may usapan.

"Feeling close ka naman agad. Hindi nga kita kilala," sabi ko.

"Edi magpapakilala ako," nilahad niya ang kamay niya sa akin at nagsalita uli, "I'm Kaiser Carl Clarkson, also known as Acer. 20 years old, at kasalukuyan mong classmate sa lahat ng subjects. And I'm very sorry for what happened yesterday, pero katulad nga ng sabi ko, ex mo ako 2 years ago na iniwan mo nalang basta at hindi ko na yun babawiin pa because I speak nothing but the truth," mahabang litanya niya.

Okay? So ex ko daw talaga siya, 2 years ago at iniwan ko nalang basta?

Seriously, I can't remember. Pero it's not bad if you want to be friends ulit naman diba? And besides, kung totoo man na ex ko siya, I would be pleased if he'll help me remember.

"Okaaay. I'm Rave—" hindi ko na natuloy ang pagpapakilala ko dahil sumabat siya agad.

"Raven Elixine Rade, 19 years old, daughter of Mr. Vladimir and Catriona Rade, has five older brothers, twins and triplets,"

"Wow ha, stalker?"

"Hindi ah. Stalking is not my thing. I just know you and your family dahil nga, EX mo ako," pagdidiin niya sa salitang EX. Grabe rin ang taong 'to. Makapamukha wagas.

"Okay, fine. Pero I still don't believe you na ex kita," sabi ko. Nagkibit balikat na lang siya kaya naman pinagpatuloy na namin ang paglalakad. Dumadami na rin ang mga estudyante eh.

Habang naglalakad, pansin at ramdam na ramdam ko ang mga tingin at titig ng mga estudyanteng nasa paligid namin. Ang iba ay nagtataka at ang iba naman ay masama akong tinititigan. Yung iba pa nga ay nagbubulungan pa, eh rinig ko rin naman.

A Memory to Remember [ON-GOING]Where stories live. Discover now