Chapter 41-47 "THE FINALE"

86 2 1
                                    

Gaya ng sinabi ni Matteo, isinama niya nga ako sa event ng telecom company. Sa totoo lang, parang na-out of place ako dun. Sosyalan masyado. Lahat ng mga pinaka-mayayamang tao sa bansa, lahat ng mga socialite, ilang kilalang mga artista, nagsama-sama. Di naman sa hindi ako sanay sa sosyalan. Teka, si Sharlene Yuzon lang naman yata ang best friend ko. Pero kasi, masyadong maraming camera ang nandun. Picture dito, picture doon. Smile dito, smile doon. Lagi akong nasa tabi ni Matteo. Hindi niya ako hinayaang mawala sa paningin niya. Sweet! Sabi niya sakin, makikita ka ulit sa lifestyle section ng broadsheet kinabukasan. Bakit ulit? Tanong ko. Wala akong alam na lumabas na pala ang litrato ko dati. Yung dun sa isang fashion show ni Matteo na pinuntahan namin ni Sharlene. Ah! Siguro kaya sinabi ni Franz sa text na sikat na ko. Nakita niya siguro yun.

May napansin lang ako nung gabing yun. Hindi na gaya ng dati ang pakikitungo sakin ni Tito Jonas.

——————————————————————

Ako na yata ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Ni sa hinagap, hindi ko naisip na ang isang kagaya ko eh mamahalin ng isang katulad ni Matteo. Kahit na amin lang ang relasyon namin, masaya parin kaming dalawa.

Everywhere Matteo goes, kilalang-kilala na siya ng tao. May nagpapalitrato at pilit na gusto siyang maging kaibigan. Mabait naman siya at hindi siya suplado sa mga fans niya. Maraming nagpapa-autograph sa kanya sa mga magazine na siya ang nasa cover.

Isang beses nga, I tried to Google his name. Ang dami nang lumabas na mga larawan at articles. May fanpage na rin siya sa Facebook. Topic na din siya sa isang online forum. Aba! Sikat na talaga! Tinignan ko yung forum na yun. May mga nanghihingi ng information about him. Natawa nalang ako sa mga nabasa ko. Marami ang nagsabi na siya na daw ang dream guy nila. Sana raw ay maging boyfriend nila si Matteo. Sa loob-loob ko, asa naman kayo! Akin na siya! Hahaha!

Pero may napansin akong isang post. Galing sa username na Franz10042010. Sabi niya eh may bagay daw siyang alam na ikagugulat ng lahat. Maraming nag-quote sa post na yun at tinatanong kung ano yung alam niyang yun. Di na siya ulit sumagot.

Napaisip tuloy ako kung tama ba ang hinala ko. Si Franz kaya yun? At yung relasyon ba namin ang tinutukoy niya? Naalala ko yung naging away namin ni Matteo kung kailan tumawag si Franz. Hindi naman na-mention ni Matteo ang pangalan niya diba? Pano naman niya masasabing si Matteo yung 

karelasyon ko? Ay! Masyado lang akong paranoid. Hindi yan. Nagkataon lang yan. Pero, I bookmarked that page just in case.

Di ko yun namention kay Matteo. Para hindi naman siya magalala. Saka hindi naman ako siguradong si Franz nga yun diba? At hindi yun makakatulong sa kanya. Dapat ay mag-focus lang siya sa kanyang trabaho.

With the rate his career is going, alam kong siya ang tatanghalin bilang Hottest Bachelor ng bansa.

——————————————————————

“Anak, kamusta na pala si Sharlene?” tanong sakin ni Nanay isang gabi habang nanonood ng TV.

“Po?” Nagulat ako sa biglang tanong. Lumilipad kasi ang isip ko, kahit na nakatingin ako sa TV.

“Sabi ko kamusta na si Sharlene. Di ko kasi nakikitang kasama mo,” sabi ni Nanay.

“Ah. Busy po kasi masyado yun. Paminsan nga hindi na rin nakakatext eh,” sagot ko.

“Ganun ba.”

Bigla namang pinakita yung commercial ni Matteo. Eto yung bago niya para sa telecom company. Parang may tumusok sa tagiliran ko sa kilig.

LOVE KNOWS NO GENDER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon