Chapter 26-34

103 1 0
                                    

Di ko alam kung pano ipaliwanag, pero magmula nung mangyari yun, parang lumuwag yung kalooban ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. I was happy.

Mas lalo kaming naging malapit ni Matteo. Kung dati naisip ko na iwasan siya, ngayon hindi na. Malimit kaming magkausap, magkasama. Nawala na rin yung pagiging awkward namin sa isa’t isa. Nakatulong ba yung aksidenteng pagdiskubre niya ng sikreto ko? Marahil nga.

Napaka-gentleman niya. Hindi niya ako kinulit na magkwento tungkol sa naging relasyon ko. “Respeto sakin?” tanong ko.

“Yup. And besides, I don’t wanna be a noodge,” sagot niya.

Natawa ako.

“Tell me when you’re ready. If not, it doesn’t matter,” sabi niya.

Habang tumatagal, lalo akong nahuhulog sa kanya. Understatement siguro kung sabihin kong may nararamdaman lang ako sa kanya. I think I’m falling for him. Pero sinarili ko nalang yun. Ayoko kasing masira kung ano meron kami ngayon. At alam kong mali yun. Dahil pareho kaming lalaki. Masaya naman ako eh. Masaya kami.

Kahit na may mga kaibigan siyang modelo ng agency niya, hindi sila ang madalas niyang kasama. Ako ang gusto niyang kasama. Inimbitahan niya kami ni Sharlene sa unang fashion show niya bilang isang model. Nandun kami sa unahan kasama ni Tito Jonas. Wow! Pakiramdam ko VIP ako nung gabing yun. Sa lahat ng naglakad sa runway, si Matteo ang nakatanggap ng pinakamalakas na palakpak.

Tuwing kasama ko si Matteo, pakiramdam ko napaka-importante ko. Para bang ako ang pinakamahalagang tao sa buong mundo. Magkaibigan lang naman kami, pero iba talaga eh.

Si Matteo na yata ang pinakamalapit sakin ngayon bukod kay Sharlene.

Isang araw, tumawag siya sakin. Nasa opisina ako nun, month end na kasi ulit.

“Dan, guess what?” sabi niya sa cellphone.

“Ano?” tanong ko.

“Guess nga eh!” sabi niya.

“Ano nga yun?”

“Come on, hulaan mo,” sabi niya.

“Clue,” hingi ko.

“No clues! Sige na, guess it na,” excited niyang sabi.

“Ano ba, bro. Sabihin mo na. Nasa office ako ngayon,” sagot ko.

“Ah. Ok, sige wag nalang. Sorry if I disturbed you,” sabi niya. Hala! Nagtampo?

“Woah, ang arte! Sige na, dali sabihin mo na yan.”

“Wala. I was just gonna say my commercial’s coming out tonight,” balita niya.

“Wow! Di nga? Anong oras?” na-excite ako para sa kanya.

“Primetime. After the early evening news,” mahinang sabi niya. Hala, nagtampo nga yata. Na-guilty naman ako.

“Ah I see. Hmmm… You doing anything tonight?” tanong ko.

“Nah. Just staying home. Why?” tuloy-tuloy niyang sabi.

“Wala lang. I figured, maybe we can wait for it together,” sabi ko.

“What?” sagot niya.

“Wala!” sabi ko.

“No, you said something,” kulit niya.

“Wala kaya. Wala akong sinabi,” natatawa kong sagot.

“No! You said we’ll watch it together!” parang sumaya ulit ang loko.

“Ah wala akong sinabing ganyan,” biro ko.

“You said it kaya! Hay nako,” sabi niya.

“I said, we’ll wait for it,” sagot ko.

LOVE KNOWS NO GENDER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon