Suportahan nyo po ako hanggang dulo..Sorry po kung maraming typo.. Thanks :)
---
Dennise POV
"Dennise!..... Dennise!...... " narinig ko napaulit ulit na sabi sa pangalan ko. Niyuyugyog nya din ako sa may braso ko. Pagmulat ko ng mga mata ko bumungad sakin ang nagdudumali na paggising sakin ni mama
"hmmmm..."nagtakip ulit ako ng kumot at matutulog ulit.
"Anak, gumising kana dyan uy" aba si mama pinalo pako sa pwet, ginawa pakong bata!
"hmmmm.. Mamaya na pooo" hating gabi na ata nung natulog ako tinapos ko pa kasi ung pag aayos nag resume ko.
"Nak naman maligo kana!!! " naiines na sabi ni mama. Jusme raratratin na ata ko.
"Opo, five minutes" sabay baling sa kabilang side ng kama at aakmang matutulog ulet.
"anak ngayon ang applyan ng trabaho baka di ka umabot. Malaki pa naman ung pasahod nila... 7:28 na anak!!!" niyug yog ulet ako ni mama
"Huh? Ay oo nga pala. Sige ma maliligo nakooo" napabangon ako sa sinabi ni mama. Shems! nag dudumali akong pumunta sa cr para maligo. Binuksan ko kaagad ang shower at nag 1-2-3 nalang nang mabilis ako. di na ko nag concert pa haha lagi kasi akong kumakanta pag naliligo, yung feeling na ine-enjoy ko yung bawat patak ng tubig.
Syempre dapat di kalimutan ang pag toothbrush haha baka mamaya di ako matanggap dahil sa pag buka palang ng bibig ko mahimatay na sila. Wahahhaha.
Isa pala akong Working student . Ay mag-woworking student palang.. Sabi kasi ni mama kailangan ko daw maging independent kahit 17 palang ako kaya eto naghahanap pako ng trabaho
***
Pagkalabas ko ng cr dumiretso agad ako sa walk in closet ko. Nag suot ako ng plain v-neck white t-shirt and simpleng pants pang ibaba
Chineck ko na rin ung mga dadalin ko sa pag a-apply. Dinoble check ko pa ito kase haha lagi kasi akong may nakakalimutan di yun mawawala sa routine ko araw araw
Pababa na ko ng kwarto ko at kinuha ko na ren ang mga gamit ko para di na ko babalik mamaya dahil parang kompleto na lahat ng kailangan ko.
Ehem. 'Parang' lang ha baka kasi may nakalimutan pa ko
"Nak, kumain kana ng breakfast oh" sigaw ni mama nung pababa nako habang inaayos ang pagkain
"Ma, mag sasandwich nalang po ako baka po ma late nako e" pumunta ko sa kitchen at kumuha don ng isang sandwich na may cheese and bacon fillings
"oh anak galingan mo dun sa interview mo ha.. Kailangan pumasok ka dun. Proud ako sayo" pag papalakas ng loob sakin ni mama
"Syempre po, mana po ko sayo e" sabay yakap sa kanya ng mahigpit
Agad syang humiwalay sa yakap at hinalikan ako sa noo "Sige anak ingat ka sa byahe"
" opo sige po.. BYEEE! " Palabas na ko nun ng bahay ng may... Ughhh! nakalimutan ko ung susi ng kotse ko.. Yan na ngaba sinasabi ko e di talaga mawawala to.. Agad akong bumalik papasok ng bahay
"nak, bakit?" si mama
"eh ma, nakalimutan ko ung susi ng kotse"
"sus lagi nala----"diko na pinatapos ang sasabihin ni mama at dali daling tumakbo papunta sa kwarto ko para kunin ang susi
"Susi, susi, susi" bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ang susi.. Ayy san ko bayun nilagay. Napakamot nalang ako ng ulo kakaisip kung san ko ba nilagay yun.
Hanap dito...
Hanap doon...
Hanap everywhere...
Aha! Nasa cabinet ng accessories. Eh bat ko ba kase dun nilagay?. Accessories tas may susi. Muntimang lang eh. Kinuha ko agad ito at tumakbo na palabas ng kwarto. Wala na si mama sa dinning pero dumiretso nako sa labas.
Binuksan ko agad ang gate dahil wala dun si manang at sumakay kaagad sa driver's seat ng kotse. Pinaandar ko agad ito at umalis na.
Haysst maswerte ata ko ngayon dahil walang Traffic! Haha binilisan ko ng onti ang pagpapa takbo ko para maaga aga akong makapunta sa company na pag aapplyan ko ngayon. Ay sa wakas sana naman matanggap nako dito para mas ma proud si mama sakin.
Habang nasa kalagitnaan ng byahe...
'Beep beep beep'
'Beeepppppp'
Kahit san ko ibaling ang tingin ko puro lang naririnig ko ay ang mga busina ng mga sasakyan. Nakakasakit ng ulo
"Arggghhh. Bat ngayon pa! "
YOU ARE READING
Chances To Love
Teen FictionKaya mo pa bang pigilan ang 'yong nararamdaman kung labis ka nang nasisiyahan? Bakit mo pa kailangang mag pretend kung totoo naman talaga? ...ayy! Masyadong seryoso ah! Kala mo talaga e HAHAHAHA This story is about DNA girls series. Written by SWE...