Dennise POVPotek naman mama walang gulatan!
"Ahh mama, ano po kasi.." Sabay abot ko sakanya nung mga ingredients pang leche flan.
"Aba, nako denn. May pa ganyan kana ah"
"Aww naman ma" pano sinundot nyako sa tagiliran ko. Ang isip bata naman ni Mama haha
"Oh ano nga? Tanggap ka siguro kaya may pa ganto ka noh? Noh?"
"Ehh ma, yun nga po e-" sinabayan ako ni mama na pumasok ng bahay "--di po kasi ako nakapag apply" sabay smirk ko nalang kay mama na medyo may halong kinakabahan expression.
Pinaningkitan ako ni mama ng mata. "Yan na nga ba sinasabi ko eh" sabay pingot nito saking tenga "tanga tanga kase" dagdag pa nya. Ede tanga na kung tanga -_- lagi naman e
"AHH! Masaket ma sorry na po ehh" binitawan naman ni mama yung tenga ko. Hinaplos haplos ko ito kung san napalakas ang pag pingot ni mama. Jusme saket ah.
"At ngayon, EXPLAIN!" ayan na. Galit na si mudra. Umupo sya sa may sofa at dun nya ko pinagkatitigang mabuti. "Mag explain ka ng matino, sige kakalma ako" sabay buga nito sa hangin at saka sumandal
Inilagay ko muna yung mga pinamili ko sa may center table.
Umupo ako dun sa may kabilang sofa. Whoa hingang malalim denn. "Eh kasi ma, diba po nalate po ako ng gising..."
At yun, inexplain ko bawat detalye para sa ekonomiya. Syempre buti nalang ay kumalma naman si mama. Yung mga last na inaplayan ko, pag binabalita ko palang sakanya na di ako natanggap, nirarat rat nya nako eh.
"Ate, samahan moko sa may national bookstore sa monday, pleaseee" nag pout pa ang bata nyahaha panget lang. Nasa gitna kami ng pagkain ngayong tanghalian. Kasabay namin nila mama na kumain si manang Presy. di naman na kasi sya iba samin e.
"At bakit nanaman ha?bibili ka nanaman ng libro di mo naman binabasa nyahahaha" sabi ko
"Wahaha oo nga naman" ani ni mama
"Talaga naman po, binabasa kopo yun ah" sabi ni Dain (Dain yung nickname nung kapatid ni Dennise. Pronounce po sya as : Deyn)
"huuuu, oo nga. Binabasa mo nga.... KUNWARE nyahaha"
"Mama oh, si ate!" Sabay roll eyes nya sakin. Aba, masumbong nga kay daddy. Speaking of daddy, nasa Australia sya ngayon para sa trabaho nya kaya wala sya lagi dito sa bahay.
"Osya, kumain na nga lang kayo. Baka magrambulan pa kayo dyan" sabay tawa ni mama at ni manang Presy. Jusme, masanay na kayo samin ni Dain. Kami kasi yung tipo ng magkapatid na AWAY BATI. Kahit mas matanda ako, diko parin kasi mapigilan ang sarili ko na maging isip bata. Pero syempre, kahit ganun kami sa isa't isa e aba di namin hahayaan na mapahamak ang isa sa amin.
*
"Hit you with that DDU DU DDU DDU DU...Oyeh oyehhh"
"Hoy, babae wag ka ngang maingay dyan. Baka malanta yung mga halaman ko!" Sigaw ko sakanya. Nandito ako sa may backyard ngayon.
Iniiba ko kasi yung positions ng mga halaman dito para sa mas ikagaganda ng ating kapaligiran! Oh pak haha.
"Hit you with that ddu du ddu-- ehem ehem" jusmeo ayaw tumigil ah. Maganda yung kanta na yan, syempre BLACKPINK ang gumawa e.
Kaso lang jusko, etong kapatid ko yung kumakanta e, malamang sa malamang maririndi ka talaga. Eh mamalat malat kaya yung boses nya ngayon dahil sa ubo nya, sus!.
*
Chineck ko yung wrist watch ko. 2:56 pm na pala. Hinayaan ko nalang syang kumanta don mag isa. Natapos narin naman na akong mag ayos ng mga halaman kaya pumunta muna ko sa kwarto ko.
YOU ARE READING
Chances To Love
Fiksi RemajaKaya mo pa bang pigilan ang 'yong nararamdaman kung labis ka nang nasisiyahan? Bakit mo pa kailangang mag pretend kung totoo naman talaga? ...ayy! Masyadong seryoso ah! Kala mo talaga e HAHAHAHA This story is about DNA girls series. Written by SWE...