Dennise POV
That voice mygod! sobrang familiar nya, nakaka curious tuloy. Pero dikonalang pinansin at umalis nalang don ng parang walang nangyari.
Buti nalang e wala nang traffic. Di katulad kanina na halos di na talaga umuusad dahil sa nangyaring aksidente.
Bago ko umuwi ay balak ko munang dumaan sa Jollibee hehe this is my favorite place since I was a kid. Kahit hanggang ngayon number 1 paren sakin si Jollibee at pati narin sa kapatid ko.
Ow, Speaking of kapatid. May nakababata akong kapatid na babae. She's 11 years old, magha-high school na sa next school year. Her name is Dainty Lesliey Galvez. Kung napapansin nyo ang aarte ng mga magulang namin sa pagpili ng mga pangalan namin. Ewan koba, basta nyahahaha
At yun na nga, natatanaw ko na ung sign ni jollibee sa may taas. Magda-drive thru nalang ako para mas madali.
Nag entrance nako at nagdrive patungo sa may chuchu, uh basta kung anomang tawag dun, cashier ata yun para sa magda-drive thru.
"What's your order ma'am?" Tanong nung kahera.
"1 bucket meal po and 4pcs Sundae chocolate.. Yun lang po"
"1 bucket meal, 4pcs Sunday Chocolate" pag uulit nito
"Ayy isang coke float pa po pala"
Pahabol kong order. Pang tanghalian namin yan. Kung nagtataka kayo kung bakit 4pcs yung sundae, kasi kasama dun si manang Presy. Sya yung nag alaga kay Dainty nung baby palang sya.Nang nabigay na saakin ang order ko ay agad na akong umalis. Aish yari ako kay mudra. Sasabihin nya palpak nanamen ang pag aaply ko, nakooo baka rat-ratin ako nun.
"OMG, nakalimutan ko si BF!" Napatakip nalang ako sa bibig ko. Opppss! Baka isipin nyo may BOY FRIEND ako ah. NBSB po ako. No Boyfriend, Still Bangtan! (a/n: she's stanning bts kaya wag kang ano)
Yung bf na tinutukoy ko ay yung Burger and Fries. Jusmeo Marimar sa lahat naman ng makakalimutan ko e yun pa. Kung ano pang paborito ko yun pa ang nakalimutan. Sa susunod nga diko nayun kakalimutan.
Bibilhan ko nalang si mama ng mga ingredients ng pang leche flan nya para pangpanubag loob nyahahaha. Sideline din kasi ni mama yung paggawa ng leche flan para ipagbili sa mga kumare nya out there.
So yun, dumaan muna ko sa may supermarket para bumili ng ingredients. Pagkapark ko ng kotse ko ay agad na akong bumaba. Naramdaman ko sa aking balat na parang may pumapatak na, na ulan kaya kinuha ko mula sa passenger seat ang bag ko at kinuha roon ang payong at wallet. Ilolock kona ang pinto ng...
"Heppp, yung phone ko pala" napakamot nalang ako sa ulo ko. Hayst makakalimutin talaga.
Nilock ko na ang pinto at pumasok na sa supermarket. Naghanap nako ng mga Ingredients na kakailanganin.
Kakadating ko lang ngayon sa bahay. Actually wala pako sa loob ng bahay kase nandito pako sa may labas ng gate. Bumusina ako at kasabay non ang pagbukas ng gate para saakin ni Manang Presy.
Dumiretso ako sa may garage. Bago ako bumaba ay nagcheck muna ko ng phone ko. At syempre as expected, walang nagtext. Sino ba naman ang magtetext sakin, e wala naman akong boyfriend nyahaha
Bumaba na ko ng sasakyan at inabot mula sa backseat ang mga pinamili ko kanina. Pagkasarado ko ng pinto sa backseat at tumalikod na ako para pumasok na sa bahay ng...
"JUSMEO MARIMAR!" biglang sumulpot si mama sa harapan ko. Nanggugulat e
-_-"Oh denn! Anong balita?" Masiglang tanong sakin ni mama. Shems, patay na. di nga pala ako nakapag apply. Halaaaa syaaa
YOU ARE READING
Chances To Love
Teen FictionKaya mo pa bang pigilan ang 'yong nararamdaman kung labis ka nang nasisiyahan? Bakit mo pa kailangang mag pretend kung totoo naman talaga? ...ayy! Masyadong seryoso ah! Kala mo talaga e HAHAHAHA This story is about DNA girls series. Written by SWE...