Dennise POV
Naging mabilis ang lahat at di ko namalayang lunes na pala! Habang kumakain kami ng agahan naalala kong sasamahan ko pala si Dain sa NBS.
Pagkatapos naming kumain ay agad ko nang inaya si Dain na umalis, wala kasing ginagawa dito sa bahay at bakasyon pa naman namin ngayon.
"Ate baka sarado pa yung SM, ang aga pa oh" nandito na kami sa may terminal, jusme oo nga pala di pa yon bukas
"Ay sige tara muna dun sa may boutique, paniguradong bukas nayon" sumakay na kami ng tricycle at nagpababa sa may kilalang boutique na medyo malapit lang sa SM. Pagkababa namin sa tricycle ay nahagip ng paningin ko yung isang kotse na pamilyar! Teka kanino nga 'to? Sus! Nalimutan ko nanaman
"te diba kotse yun ni kuya Xandler?" sabay turo dito "Ayan oh, yung kulay Grey" shete sabi na e!
Bat kaya nandine yung lalaking un? Di naman yun mahilig bumili ng damit or something eh. O baka naman bading? Nyahahaha nevermind
Pumasok kami ni Dain sa loob ng boutique. Medyo malaki ang loob nito at merong mga picture ng mga model na babae na naka lagay sa bawat pagitan ng aisle ng mga damit. Meron din naman mga lalaking model pero kakaunti lang ito.
"Te wait ha? May titignan lang ako dun"
So dahil naden sa kamanyakan ko napatingin ako sa mga lalaking model nyahaha bad!
Sa pag tingin ko sa mga ito biglang dumapo ang tingin ko sa lalaking malapit lang sa may gilid sa harap ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Xandler! Na titig na titig sa mga naka boxer na model na nandon sa may bandang gilid nya na hindi ko pa nakita kanina
Confirmed! Sabi na eh! Bakla 're eh. Dahil naden sa kagagahan ko lumapit ako sakanya ng bahagya at
"PANTY MO!"
Dahil sa pagkabigla nya napahawak sya s-sa HAHAHAHA sa ano nyaaaa! Yung anooo HAHAHA napatakip ako ng bibig sa tawa ko para pigilan ito
"Huy! Anong sinasabi mong panty!?" May halong gulat at kaba ang reaksyon nya. Nang nakita nya kong pinipigilan ang tawa at nakatingin kung san sya naka hawak ay agad nya itong inalis
"Huy!"
"HAHAHAHAHA panty mo kako baka malaglag" Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko
"Hoy anong pan--"
"BYE!!"HAHA tumakbo nakagad ako paalis dun sa pwesto nayun at pinuntahan si Dain na nakapili na ng damit nya.
Ayan kase Denn! Dahil sa kamanyakan at kagagahan mo di kana nakapili ng damit
"Hey ate bayaran mona to"
"oh aba, may pera ka diba? Bakit ako magbabayad? Sinamahan ngalang kita para bumili ka ng libro e tapos ano? Ako mag babayad? Kanina nga sa pamasahe ako na tas ako paren? Ano? Kapag ba ako naman nag pabili ng damit say--"
"Oo na ere na ako na mag babayad"
So ayan nag fefeeling ate nanaman sya nyenye!
Habang binabayaran ni Dain ang damit napansin ko ang isang babaeng namimili ng damit. Oh my! Sya yung kasama ni Xandler nung nakaraang umaga! Pero sino sya? Sobrang curious nako
Lumapit ako sa babaeng nakatalikod pero may humila sa buhok ko
"Aray! ano ba?" si Dain! Buset ah
"Tara na ate bukas na yung SM panigurado"
bago kami lumabas ng boutique tinignan kong muli yung Mysterious Girl. Haiiist pag talaga nalaman ko kung sino ka tignan mo makikita mo ang hinahanap mo! Choss Nyahahaha
Nilakad nalang namin mula dito hanggang SM dahil nga malapit lang naman yon dito sa boutique.
"Te nagugutom na ko" dahil sa sinabi ng kapatid ko napatingin ako sa clock tower sa gitna ng pinaka mall. So speaking of this clock. Isa tong kaparehas ng isang historical Clock tower sa may siargao na di naman masyadong kataasan. maliit lang na version ang nandito sa mall. Dream ko na makapunta don at magkaroon ng moment don sa clock nayon kasama ang one and only ko. Hep! Kala mo naman merong one and only. Meron pakong Dream place na gustong puntaha--
"huy ate nagugutom na kako ko"
"Ay sori naman"
Dumiretso kami sa Jollibee! Favorite beshi
"Oh bato bato pik"
"Hala bakit?" si Dain
"Aba shempre kung sino ang oorder kelangan mag ganon"
"aish!" nyahaha walang nagawa
Bato bato pik
Nag bato ako nag gunting sya
"Oh no mukang nanalo si Dennise kyuttie"
Binigyan ko ng pera si Dain para umorder. Naghanap ako ng table saka nag muni muni habang hinihintay sya.
---
Masyadong masayahin ang author intindihin nyo nalang kung puro HAHAHA ang nasa story nya
-sweetieex
Dedicated to aizel120405
YOU ARE READING
Chances To Love
Novela JuvenilKaya mo pa bang pigilan ang 'yong nararamdaman kung labis ka nang nasisiyahan? Bakit mo pa kailangang mag pretend kung totoo naman talaga? ...ayy! Masyadong seryoso ah! Kala mo talaga e HAHAHAHA This story is about DNA girls series. Written by SWE...