Chapter 10

35 5 2
                                    

Dennise POV

Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso kami ni Dain sa kwatro nya. Sinabi kolang naman sa kanya na wag sabihin kahit kanino yung makita nya. At bute, nag promise sya na di nya sasabihin.

Nung bumaba kami sa sala, ang sabi ni Mama. Umalis nadaw sila Talie dah
Habang kumakain kami, tahimik lang si Dain pero halatang natatawa o kinikilig rather.

"Bukas ha, mag apply kana ng trabaho" ani mama

"Sige ma. Maghahanap nako"

Pagkatapos, kami nila mama, Dain, at aling Presi ay nasa sala ngayon nanonood kami ng Tv at biglang lumabas ang commersial ng isang brand ng sikat na swim wears

"Ate! Si Kuya Sam oh!" nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Isang anghel na nasa beach, naka shorts, naka fit na swimwear, shete pero bakit may... May mga hipon!

Biglang naglapitan sakanya ang mga babaeng naka swimsuits. Shocks ba't may pa kapit sa muscles!? Kailangan may ganon? Porket malaki katawan kailangan talaga? P-pero ba't.. Ow mah angel. Bigla nyang tinanggal ung pang itaas nya at nagtilian yung mga babae. Yung tinitilian ng mga babae, binuhat ako? What the

"Ate! Laway" isinara ko ang naka awang kong bibig putek.

"Hmmm, sino yan ha?" tumaas ang kilay ni Mama

"Model lang yan--"

"Nako ma yan yung bumuhat kay ate nung natumba sya sa jollibee, naalala mo Ma? Yung kinuwento ko sayo?" Wahhh Dain!

"So ayan pala yun huh?"

"bahala nga kayo" bigla akong napa walk out dun ah HAHAHA. Dumiretso ako sa kwarto at tumungo sa veranda.

Napapikit ako sa lakas ng hangin na dumadampi sa balat ko. Pagdilat ko nakita ko ang dalawang tao na magkayap sa harap ng bahay na nasa harap ng bahay namin o sa madaling salita, sa bahay nila Xandler.

May kayakap na babae si Xandler. At syempre di nako nag taka kung sino yun. Si Mysterious Girl yun. Pero ang kataka taka ay kung sino ba talaga sya

Naiinis nako ah! Sa t'wing makikita ko sya lagi syang nakatalikod!

Sumakay sila sa Gray na kotse ni Xandler at umalis

Hays sino bayun? Ba't lagi silang mag kasama? Girlfriend nya ba yun? Eh bakit nyako kikissan nung nakaraan kung may girlfriend na sya? anu yon fvckboy? ngi.

Kinabukasan, habang naglalakad ako sa kahabaan ng McArthur highway napadaan ako sa isang bakery na may karatula sa gilid na

Blizz Radio 103.8
Temporary job hiring
-18 and above are required
- your position is based on your personal experience

Nagtanong ako kay ate sa bakery kung saan yung studio ng Blizz radio dito sa Region 3. Malamang ay malapit lang yun dito dahil wala namang nakalagay na address dito sa karatula

Sabi ni ate dumiretso lang ako hanggang sa seven eleven at liliko sa kanan at makikita nadon ang malaking pangalan ng Blizz Radio

Sinunod ko ang sinabi ni Ate. Dumiretso lang ako hanggang seven eleven at pagliko ko nagulat ako sa nakita ko. Tumambad sakin ang isang tarpaulin ni Sam na naka Amerikana at Sobrang pormal na ayos ng pangangatawan nya. Shete anlaki na netong tarpaulin na'to para matignan ng mabuti si Sam tapos... May billboard pa?

Sa pagkatutulala kong nakatingin sa mukha ni sam habang naglalakad bigla ako nadapa!

"Aray potek" hinimas ko yung tuhod ko.

"Miss ayos kalang?!" napatingala ako at diko masyadong maaninag ang muka nya dahil sa sinag ng araw. Tumayo ako at nakita kung sino ito

"S-sam?" nagpabalik balik ako ng tingin

Sa kanya

Sa tarpaulin

Sa kanya

Sa tarpaulin

Sa kany--

"Miss masakit ba yung tuhod mo?" lumuhod sya sa harapan ko. Habang pinapagpag nya ang dumi sa pantalon ko sa may bandang tuhod. Narealize ko na iisa ang suot nya ngayon saka ang suot nya sa tarpaulin.

Tumayo sya ng naka singkit ang mata dahil sa araw

"Di naman masakit" sabi ko

"Tara miss mainit na dito" Nabigla ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Shete! Nanlamig biglaaaa Yawa. Sa kainitan ng araw nilalamig ung kamay ko?

Diretso akong nakatingin sa mga mata nya. Nanlaki ang mata ko ng inilapit nya ang muka nya sakin. Yung puso ko kumakalabog!

"Diba ikaw yung sa mall? Yung sa pang lalaki na CR pumasok?"

BoOm! May kahihiyan nga pala kong ginawa! Dahil sa kahibangan ko di ko naalala na sya yung nakakita sakin na pumasok sa panglalaking CR!

"uh-Oo" napakagat ako sa labi ko

"Hahahaha" ang kyot nya tumawa, parang masiyahing anghel!

"ano okey naba yung allergy mo nung nakaraan?"

"Oo, mabilis lang naman yun nawawala e" nanlalamig padin yung kamay kooo

"Bute naman" sinuklay nya ang buhok nya gamit ang mga daliri

"Oh Sir Sam! Come in na po mag sisimula na yung interview nyo"
Sabi ng isang bakla mula sa loob ng studio

"sige una nako Ms. ALLERGIC"

A-anong klaseng nickname yonnn?

Chances To LoveWhere stories live. Discover now