Why do we cheat? Is it because of curiosity? The thrill? For experience? There are so many reasons why we commit to cheat.
Marami na akong nakitang taong nasaktan ng lubos dahil sa naloko, nanloko o nagpaloko sa taong minahal at pinagkatiwalaan nila ng kanilang puso. Hindi na naman bago ang ganitong pangyayari sa buhay natin at hindi lang sa pag-ibig uso ang panloloko, nangyayari rin ito sa eskwela,trabaho,sa magtropa, at maging sa pamilya. Kaya nga sa panahon ngayon ay dapat wais na tayo sa pagpili ng mga pagkakatiwalaan at mamahalin para iwas maging tanga, di ba?
Siya nga pala mga bes, gusto ko munang magpakilala bago ako magpatuloy sa aking WoW (words of wisdom kuno), uhum.... I am Sirk Repse, 25 years old from the land of No Forever and a certified NBSB, and I believe that you don't need beauty to be beautiful.
So now that you already know me, I can continue sharing my WoW na. Being a NBSB doesn't mean that I don't understand the feeling of being cheated, in fact mas malaki ang posibilidad na maloko kami dahil sa kawalan namin ng karanasan sa pag- ibig, di ba? Ano nga ba ang nagtutulak sa atin para manloko? I always wonder about that too, some people say that cheating is a mistake that they do unintentionally but I highly doubted it. Kunbaga sa isang sitwasyon na habang naglalakad ka ay may natapakan kang tae kasi hindi mo napansin kasi nagmamadali ka, iyon ang perfect example ng unintentional pero kung nakita mo nang may tae sa daan at go ka pa rin dahil nga nagmamadali ka, eh iyon ay katangahan mo na. Alam mo nang may tendency na ma-aapakan mo yong tae kung dadaan ka doon king hindi iiwas pero tumuloy ka pa rin kaysa maghanap ng iba madadaanan, ganyan din ang cheating iyong kayang iwasan pero mas pinipiling maranasan.
Sabi nga ni Angelica sa The Unmarried Wife, "Wrong? Mali? Nung nagawa mo akong lokohin, 'yun ang mali. Pero para ulitin mo, 'di na 'yun mali. May sakit ka na!", oh hindi ba sapul na linya para sa mga mahilig manloko? Ito pang isa, "Sorry? 'Yung sorry ba sa'yo isang lisensya para paulit-ulit mo na akong lokohin. Ganoon ba 'yun?", oo nga naman mga bes, nakakainsulto na talaga pag paulit-ulit na sorry na lang eh. Parang taba ng baboy lang yan, nakakaumay pag inaraw-araw mo. Nagagawa ang panloloko kasi hindi marunong makuntento sa binibigay na atensyon at pagmamahal ng taong nagmamahal sayo kayo naghahanap ng bago.
Cheating is never a mistake, we are just making it an alibi to defend ourselves. If you don't want to hurt and lose someone that you cherish then don't cheat, don't point a finger at someone and blame them for your wrongdoings. Think about the aftermath of your actions, remember that cheating is a choice, not a mistake.
BINABASA MO ANG
Words of Wisdom Ng Isang NBSB
RandomIto ang WoW ng babaeng never pa na in love at nagka-jowa!