Do you believe that love is the foundation of a happy and successful relationship? Some of us agree with it, but there are people who don't believe in it. I am one of those people who doesn't agree with that, I mean... yes, love is important in a relationship but is love enough to have a happy ever after?
Sabi sa kanta, "love is all that matter" na iyon lang ang kailangan natin para sumaya pero paano mo masasabing mahal mo siya kung wala kang tiwala sa kanya? Sa tingin ko kasi, hindi lang love ang bumubuo sa isang relasyon kailangan niyo rin ng TRUST at COMMUNICATION. Lagi kong naririnig sa mga kakilala ko yung mga linyang ito pag nagkaka-problema na ang mga kakilala ko sa karelasyon nila: "mahal ko siya pero..., may tiwala ako sa kanya kaya lang...., mahal niya ba talaga ako?" tama bang pagdudahan mo ang karelasyon mo kung mahal mo siya?
Loving someone means you trust them, you can't love someone just because you find that person good-looking, smart, rich, everything that you are looking for a partner but is that enough reason to love that person? Even in choosing a friend, we did not choose our friends because of the benefits we get from them but because we trust them. Trust has a big part in a relationship, whether if it's in a romantic relationship, friendship, family, and even in work because without a trust foundation there is a possibility that your relationship will be in danger. As the saying goes: "Without communication, there is no relationship. Without respect, there is no love. Without trust, there's no reason to continue."
Ano ba ang ugat ng away ng mga mag-jowa? Unang-una na doon ay iyong selos na nagiging dahilan ng pag-aaway at nagre-resulta sa pangangaliwa, nangyayari ang ganito pag ang relasyon niyo ay kulang sa tiwala sa isa't-isa. Kawalan ng tiwala ang isa sa dahilan kung bakit pinapanganak ang iba't-ibang negatibong emosyon sa isang tao, hindi ka naman magseselos kung may tiwala ka sa isang tao, hindi ka mai-inggit sa kung anong meron ang iba kung may tiwala ka sa sarili mong kaya mong makuha kung anong meron sila at walang mamumuong pagdududa sa puso mo kung mahal at may tiwala ka sa taong mahalaga sa iyo. Kahit sa magkakkaibigan ay hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan ngunit kung mangingibabaw ang tiwala sa samahan ay tiyak ang unos ay malalagpasan. Kaakibat ng pagmamahal ang pagbibigay ng iyong buong tiwala sa taong napili natin mahalin, hindi maiiwasan magkasakitan kayo ng hindi sinasadya at minsan ay humahantong na sa puntong gusto niyo ng sumuko. Iyong paulit-ulit ka ng niloloko pero sa oras na nagsorry na sa'yo ay parang bulang nalaho lahat ng galit at hinanakit mo, iyong alam mong nag mumukha ka ng tanga sa mata ng iba e wapakels lang basa okay kayong dalawa ay solve ka na.... pagtinanong mo ang iba kung anong tawag taong ganyan ay sasabihin nilang kesyo tanga daw, martyr, manhid at marami pang iba. Oo, minsan talaga pag nasubrahan pwede ng matawag na katangahan ang ginagawa nila pag dating sa mga taong mahal nila pero hindi ba pwedeng kaya nila napapatawad ang mga nakapanakit sa kanila ay dahil may tiwala silang magbabago pa ang mahal nila? Ganyan naman talaga pag nagmahal tayo, diba? Nagiging bingi't bulag sa katotohanan at mas nanaig ang tiwala natin sa kanila. Everybody deserves a second chance. It may be hard to give them your trust again but it's not also bad to give it a try, right? Trust is a fragile thing. Easy to break, easy to lose and one of the hardest things to ever get back, always remember that.
Words of Wisdom for today:
"Mas okay nang maging tanga basta kasama mo siya kaysa sa matalino ka nga pero mag-isa at hindi masaya."
"Huwag laging pairalin ang kutob at hinala, matuto rin tayong mag tiwala."

BINABASA MO ANG
Words of Wisdom Ng Isang NBSB
RandomIto ang WoW ng babaeng never pa na in love at nagka-jowa!