NBSB's POV
Is love strong enough to keep the relationship alive?
Many people believe that love is the most important factor in a relationship but is it really the only thing that a couple needs for their relationship to last a lifetime? I don't think so.
I've seen so many couples that were so in love with each other but didn't end up together. Many speculations will start because of curiosity, some will say that maybe they fell out of love, maybe someone cheated, maybe they are not just meant for each other or maybe love is not enough to make them stay together.
Wala akong karanasan sa pakikipag-relasyon para mabigay ng payo tungkol sa mga ganitong bagay pero naniniwala ako na hindi dahil walang karanasan ay wala ng karapatan ang isang taong magbigay ng payo o opinyon sa mga bagay-bagay. Gaya ng sabi ko, I don't have an experience in handling a relationship but I just want to share my opinion on this and maybe, just maybe I can help someone with my not so important opinion.
This factors that I'm going to share is what I think that can help couples strengthen their relationship.
3. LOVE- Some people would always put love in the first place every time they'll be asked about what is the most important thing to have a happy and strong relationship. In my opinion, love is just add-ons that keep the couple stays together. I know people will disagree with me and will question me but I understand all of them, that's their opinion and I respect them. Hear my explanation why I put love last on my list.
Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao? Ako, mahal ko ang isang tao kasi may tiwala ako sa kanya, na kaya kung sabihin lahat ng problema ko, mga plano ko at kahit na anong nasa isip ko at hindi ako natatakot na tatraydorin niya ako kasi nga mahal ko siya at alam kong ganun din ang nararamdaman niya sa akin. Diba ganun ang pagmamahal, walang takot at pangamba? Na hindi ka mahihiyang magsabi ng mga nararamdaman mo at handa kayong pakingan ang isa't-isa at may respeto kayo sa opinyon ng bawat isa? Paano mo masasabing mahal mo siya kung hindi mo kayang magtiwala sa kanya, na sa bawat ginagawa niya gusto mong laging nirereport sa'yo, na hindi ka mapalagay pag hindi mo alam ang nangyayari sa kanya sa bawat oras na hindi kayo nagkikita? Naiintindihan kong gusto mo lang maging bahagi ng buhay niya, believe me ganyan din ako pero 'diba dapat magtiwal tayo sa kanila kasi nga sabi natin mahal natin sila. Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't-isa dapat may tiwala ring kasama, kasi kahit mahal mo siya pero may mga panahon na ang inyong pagmamahal ay natatabunan na ng pagdududa, mas mabuti pa sigurong itigil niyo na at bumitaw na para maisalba pa ang natitirang pagmamahal ninyo sa isa't-isa at maiwasang mas magkasakitan pa. Loving someone is the best feeling they say, so cherish it and never let it go away.
2. COMMUNICATION- Nagsimula sa isang simpleng pagbati na napunta sa pagpapakilala at nauwi sa masayang pagsasama. Lahat naman ata ng magkarelasyon ay dumaan sa stage ng "getting to know each other", iyong halos lahat ng tanong na pwedeng itanong sa kanya para mas makilala mo siya ay tinanong mo na sa kanya. Yung panahong excited ka pang sabihin lahat ng nangyari sa'yo sa boung araw mo at ganun din siya sa'yo, naalala mo pa ba ang panahong iyon? Naalala mo pa ba yong panahong nag-uusap kayo ng masinsinan na walang bangayan para maayos ang mga bagay na hindi niyo napagkakasunduan? When was the last time the two of you talk like that? Lahat ng nakagawian ay unti-unti ng nakakalimutan, na sa tuwing magtatanong ka sa kanya'y may halo ng pagdududa, na sa tuwing may problema kayong dalawa na imbes pag-usapan para maayos ay hindi na nagagawa ng wala sigawan na nangyayari sa pagitan ninyong dalawa. Anong nangyari sa inyong dalawa, hindi ba mahal niyo ang isa't-isa?
Lahat ng problema kayang maresolba kung pag-uuspan, lagi mong sinasabi na mahal mo siya pero bakit hindi mo kayang tanggapin ang mga sinasabi niya? The most common reason why couples encounter problems is because of misunderstanding, they easily conclude things without knowing if it's true or not. Communication is very important in a relationship because in communicating you'll know what's the problem, you can share your thoughts and your say on your relationship, without this factor expect to have a chaotic relationship with your partner. Always remember that in a relationship it is composed of two individual that love each other, it is a give and take. Listen first and understand everything, communication helps strengthen your love for each other.
1. TRUST - I put trust first on the list for the reason that trust for me is the key to have a healthy relationship. I just believe that without trust everything will just fall apart, love and communication will be useless. Why, you ask? Hear me and you'll understand why I said those.
Trust means you believe that person, you never felt even a single doubt in your heart that this person will never hurt nor betray you. You always feel safe whenever you're with him, you are always at ease beside him and you can share and talk everything with him so easily.
Kailan mo ba nalamang mahal mo na pala siya? Paano ka nahulog sa kanya? Nagsimula ang lahat noong nakilala mo siya ng lubos, diba? Noong magsimula kang magtiwala sa kanya?
Pagnamahal ka daw, hindi mo na tinitingnan kung anong meron at wala ang isang tao. Mahal mo siya kahit maraming may ayaw na magkatuluyan kayong dalawa, mahal mo siya kahit alam mo makakasama siya sayo pero tanggap mo pa rin siya at mahal mo siya kasi nagtitwala ka sa kanya.
Ano ba ang rason kung bakit sinagot mo siya sa kabila ng lahat ng mga masamang isyu sa kanya? Simple lang ang sagot riyan, may tiwala ka sa kanya at sa pagmamahal niyo sa isa't-isa, diba? Bakit lagi mong pinakikinggan ang mga sinasabi niya kahit laging sinasabi ng iba na nagsisinungaling at niloloko ka lang niya? Bakit nga ba, kasi malaki ang tiwala mo sa kanya na kaya mong paniwalaan lahat ng sasabihin niya. Lahat ng sagot sa tanong kung bakit mahal mo siya ay dinadala ka sa isang dahilan at iyon ay dahil nagtitiwala ka sa kanya.
Sinasabi mo palagi sa kanya na mahal mo siya pero bakit parang malabo na ang lahat? Mahal mo siya pero lagi kang nagdududa sa lahat ng ginagawa niya, hindi ka naman dating ganyan diba? Nakakalimutan mo ng kumustahin siya at makipag-usap sa kanya, oo nga at nag-uusap kayong dalawa pero puro pagtatalo lahat ang paksa. Paano niyo maisasalba ang relasyon ninyong dalawa kung pagod na ang isa?
Kaya pa bang isalba ng sinasabi mong pagmamahal ang nasira na ninyong pagsasama? Nanniniwala ka pa rin bang sapat na ang sabing mahal kita para mawala ang mga pagdududa? Siguro ang sasabihin mo at ng iba, oo kaya pa at sapat ng mahal namin ang isa't-isa para malagpasan lahat ng problema pero sa palagay ko ay malabo ng maayos niyo pa ang pagsasama kung puro pagmamahal lang meron sa inyong dalawa at wala ng tiwalang natitira.
Love is and will never be enough to make a relationship strong, sometimes love can be the reason why everything went wrong. If the two of you don't want to let go then always trust each other.
This just my opinion. I will respect and understand if you don't agree with me. After all, this is just an opinion of an NBSB.

BINABASA MO ANG
Words of Wisdom Ng Isang NBSB
RandomIto ang WoW ng babaeng never pa na in love at nagka-jowa!