What is jealousy?
Hindi po ito yung nilalagay sa mga bintana ng bahay ha, jalousie po iyon as in J-A-L-O-U-S-I-E hindi J-E-A-L-O-U-S-Y. Hindi rin ito nakakain kagaya ng JELLY ACE o JELLY BEAN kasi nga ibang JELLY ito at lalong hindi ito yung JELLY na poisonos na nasa dagat although pareho silang poisonos. I am talking about JEALOUSY here, this is a poison that is slowly eating your system causing you to start doubting your partner of having an affair even without proof.
In terms of psychology, Jealousy is a complex emotion that encompasses feelings ranging from abandonment and humiliation. Jealousy is not limited only to a romantic relationship but also can arise among siblings competing for parental attention or in friendships. Jealousy is distinguished from envy in that jealousy always involves a third party seen as a rival for affection.
Kung pagbabasihan ko ang explaination ng mga psychologist, masasabi kung selos talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkaka-problema ang mga mag-jowa. Kasi nga hindi mo naman magagawang magselos kung wala kang naririnig o nakikitang mali sa isang tao, hindi ka naman siguro mang-aaway dahil trip mo lang, di ba? Kaya nga nag e-exist ang third party dahil sa selos kasi sa kaka-insist mo na may iba yung jowa mo kahit wala naman talaga, umaabot talaga sa puntong mapupuno na siya kaya naiisip nalang niyang totohanin ang iyong maling akala at pag nangyari yun sa tingin mo sino ang may sala, hindi ba ikaw? Aminin man natin o hindi, tayong mga babae ang mas madalas magselos at mambintang ng kung anu-ano sa mga jowa o sa kahit na sa mga malalapit sa atin na nagiging sanhi ng misunderstanding. Nagpapadala kasi tayo sa ating "woman instinct" na kung minsan ay masyadong advance at imaginative, okay din namang mag rely sa instinct e kaya lang minsan ay huwag nating pasubrahan kasi baka meron na tayong nasasagasaan at nasasaktan. Take it from me, chos... but seriously I experience it, yung masyado akong nag rely sa instinct ko na ang dami kung accusasion na binato sa taong iyon because of my jealousy that cause me to hurt the feelings of that person without any valid reason. Ang nangyari e, I lost that person after na prove niya na mali ako, kaya mga bes ang mapapayo ko lang sa inyo is that don't let jealousy consume your system and don't always rely on your "woman instinct".
Wala akong experience sa romantic relationships pero alam ko ang feeling ng magselos, sabi ng ng mga pyschologist hindi lang naman sa mga mag-jowa pwede rin ito sa magkakapatid at magkakaibigan. In my case, I'm a bit jealous to my friends kasi nga ako lang yung walang partner (FYI mga bes, di ako bitter! LOL) pero mga bes I understand them naman that they need more quality time with their partners but there are times na namimiss ko yung bonding times naming magkakasama. Ito talaga ang isa sa mga struggles ng mga gaya kung NBSB.... hahaha! Normal lang naman itong nararamdaman kong selos, it's part of being human and I always make sure na controrable ang pagseselos ko.
So this is the WoW of a NBSB about JEALOUSY. Jealousy is an uncontrollable feeling that causes a misunderstanding and may lead to a big problem. I am not an expert in love but based on what I observed, if you want to have a peaceful and happy love life then don't let jealousy consume you. Listen first to your partner before jumping into some weird accusation to avoid complications. And I, thank you!

BINABASA MO ANG
Words of Wisdom Ng Isang NBSB
RandomIto ang WoW ng babaeng never pa na in love at nagka-jowa!