Chapter 5

5.9K 113 5
                                    


Warning: SPG

-----

NAGPAKAWALA ng isang malakas na suntok si Adam sa huling gangster na kalaban nya at isang roundhouse kick naman sa isang ganggster na nakatayo sa pagkakahandusay sa lupa. Pinunasan naman nya ang dugo sa gilid ng bibig nya saka dinuraan ng dugo ang isa sa nakahandusay na gangster.

Pagkapasok nya sa loob ng Amethyst Bar ay sinalubong sya ng mga palakpakan ng mga tao kaya napakunot-noo sya. Lumapit naman si Ray sakanya at tinaas ang kanan nyang kamay.

"And the wheather weight champion of the world is Adam Herrera."- anunsyo ni Ray.

Nagpalakpakan ulit ang mga tao sa bar but this time may kasama nang hiyawan. Binawi naman nya ang braso kay Ray.

"Tigilan nyo nga ang mga kalokohan nyo. Ang sakit nyo sa ulo."- sabi nya at umupo sa high chair ng counter at um-order ng paborito nyang alak.

"Di ka pa rin pala nagbabago, Adam...basagulero ka pa rin."- sabi ni Eros nang iabot nito ang alak sakanya.

Nagsindi naman sya ng isang sigarilyo saka humithit-buga doon.

"Hindi ako basagulero, di lang ako umaatras sa laban."- sagot nya.

"Sabi mo eh."

"Hayaan mo na si Adam. Marami namang babaeng mag-aalaga dyan."- anang ni Queshire.

An image of a beautiful woman flashed in his mind. Aalagaan kaya sya nito kung sakaling mabugbog sya? If she going to tend his bruise? Napailing naman sya. Imposible baka sabihan pa sya nito ng "buti nga" kung sakaling nalaman nitong g nabugbog sya.

"Teka! Akala ko ba pupunta si Vaughn dito?"- tanong ni Queshire na naglagay ng ice cubes sa baso.

"Ewan ko ba doon. Sabi nya kasama daw nya si Eba."

Nabitin naman sa ere ang sigarilyo nya nang marinig ang sinagot ni Ray. Magkasama si Vaughn at Eba? Bigla namang uminit ang ulo nya nang ma-imagine nya na masayang nag-uusap si Vaughn at Eba. Parang gusto nya ulit manapak ng tao.

"Eba? Yung pinsan ni Cleo?"- tanong ni Eros.

"Oo. Grabe! Ang talas pala talaga ng dila ng pinsan ni Cleo. Akala ko OA lang talaga sya."- Ray.

Mas lalo pang nag-init ang ulo nya when he notice an admiration in Ray's voice. He really hate the idea na may ibang lalaki ang nagkakagusto sa dalaga kapag nagmamaldita ito, dahil gusto nya na sya lang ang magkakagusto dito. Yes. He likes Eba— No. He desire her and he wants her so bad to the point, just hearing her name makes him boner.

Napailing naman si Eros. "Kawawa naman pala si Vaughn—oh! Nandito na pala sya."

Nang makita nya si Vaughn na papasok ng bar ay kusa nyang nabato dito ang rock glass pero mabilis itong nakailag at kunot-noong nilingon sya.

"What's your fucking problem, man?"- he asked irritatedly.

He just shrugged his shoulder. "Wala lang. Trip."- sagot nya.

"Wow! Ang ganda ng trip mo ah."- Vaughn said with a hint of sarcasm.

Tinapik naman ito ni Ray. "Pagpasensyahan mo na sya, pare. Nalaman kasi nyang kasama mo ang pinsan ni Cleo."

"Si Eba?"

This time ay ang baso naman ni Queshire ang pinambato nya kay Vaughn pero nakailag na naman ito.

"Tangina naman, Adam."

"Wag mong tatawagin sa pangalan nya si Eba."

"Why not? Pangalan kaya nya yun."

Bachelors' Desire Series 1: Adam HerreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon