Chapter 11

4.9K 96 8
                                    


IT'S been a stress day for Eba dahil sunud-sunod ang mga meeting at patung-patong ang mga paper works nya, ang pag-iinit ng ulo nya dahil sa mga tanga nyang empleyado na akala mo, ang biglaang pagtawag ng lolo nya at gusto syang makausap at ang mag-iinang impakta na di pumapalyang bwisitin sya. Idagdag pa na ilang araw din silang di nagkikita ni Adam dahil busy din ito sa trabaho. Both legal and... Uhm! Illegal? Kaya ang Maldita battery nya ay fully charged.

So she decided to go in the mall para maghasik- I mean, mag-unwind dahil mas mabubwisit lang sya sa mansyon nya dahil for sure nandoon na naman ang bwisit na Vaughn na yun at nilalandi ang katulong nya although pumupunta lang naman yun kapag alam nitong tapos na ang work ni Inday pero kahit na! Ginawa pa ng dalawang yun na dating park yung mansyon nya. Kaimbyerna!

Pagkapasok nya ng boutique ay sinalubong sya ng nakangiting saleslady.

"Good morning, ma'am... Ano po bibilhin nyo?"- tangang tanong ng saleslady.

"Meron ba kayong kabaong? Ipangreregalo ko lang sa'yo."- sagot nya at nilagpasan ang nakatulalang saleslady at naghanap ng magugustuhang dress and sapatos hanggang sa may makita syang three inches black lacey high heels shoes na natatampukan ng mga kristal sa likod na bahagi ng heels hanggang sa takong nito.

Bagay na bagay yun sa dress na binili nya na above the knee black sleeveless bodycon with zipper front. Balak nyang suotin yun kapag sinagot na nya si Adam. Yes! She's going to give him a chance and her heart to love again tutal pinatunayan na nito na seryoso ito sa panliligaw, ito din mismong nagsabi na di sya nito ulit gagalawin hangga't di nya ito sinasagot and ang mas kinatutuwa pa ng puso nya ay di ito pumapalya sa panliligaw kahit busy ito ay nakakasingit ito ng oras para tawagan sya or magpadala ng pagkain sakanya and that's the reason why her feelings grow for him and katulad sa isang prutas na sobra na sa hinog ay nahulog na sya ng tuluyan dito.

Nahawakan na nya ang sapatos ngunit may isa pang kamay ang humawak dito at pagtingin nya ay isang babae na makapal ang makeup at nakasuot ng snake skin na dress ang may-ari ng kamay na nakahawak sa sapatos nya.

"Ako ang nauna dito kaya bitawan mo ito."- mataray na sabi nito.

"Sigurado ka?"- tanong nya.

"Oo-"

"Sigurado kang kasya 'to sa'yo?"

Ngumisi naman sya at pinagtaasan ito ng kilay habang ito ay nakanganga na nakatingin lang sakanya kaya nagmukha itong palaka. Now she wonder, may cross breed na pala ng palaka at ahas? Tch! World is really a mysterious indeed.

"Anong gusto mong palabasin? Na malaki paa ko?"

"Nope. Ang hilig kong sabihin kailan pa nagsuot ng sapatos ang palaka or..." pinasadahan nya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ahas?"

Napansin naman nya ang mga tao sa loob ng boutique na pinapanood sila kaya napangisi sya. Oh! How she love attention.

"How dare you! Sa ganda kong ito...palaka or ahas ako? Ang kapal naman ng mukha mo."

Napairap na lang sya sa ere at may poise na tiningnan ang Pasha De Cartier Small Model Watch nya. Even how she loves watching this crossbreed creatures insulted ay kailangan pa nyang bumili ng personal stuff nya kaya kumuha na sya ng sampung piso sa coin purse nya saka binigay dito.

"Ayan sampung piso, maghanap ka ng maniniwala sa'yo."

Pagkasabi nya nun ay iniwan na nya ito dala ang heels at nagpunta sa counter at binayaran ang mga pinamili nya. Napansin naman nyang nakatingin pa rin sakanya ang mga tao kaya tinaasan na nya ng kilay ang mga ito.

"What? Ngayon lang nakakita ng maganda?"

Agad namang nag-iwas ang mga tao ng tingin sakanya kaya inirapan na lang nya ang mga ito at umalis na ng boutique na yun. Habang rumarampa sya sa loob ng mall ay napapansin nya na maraming mag-syota ang PDA. Psh! Maghihiwalay din ang mga yan. She's not bitter, it just a real talk. sa panahon kasi ngayon ay pati pag-ibig ay instant dahil na rin sa mga social media pero minsan sa sobrang instant ay mabilis din nagkakasawaan at naghihiwalay.

Bachelors' Desire Series 1: Adam HerreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon