Special Chapter

4.4K 82 3
                                    

HERE'S YOUR order ma’am.”

Inabot ni Julie ang paper bag ng order niyang pastries. Kakauwi lang niya galing Baguio at naisipan niyang bisitahin ang bestfriend niyang si Faye na nagtatrabaho lang sa  katapat na building ng bakeshop. Sa katunayan, pag-aari nila ang building kung saan nagtatrabaho ang kaibigan niya. Ang kuya Steven na niya ang kasalukuyang namamahala ng kumpanya ng mag-decide ang Daddy nila na mag-retiro at mag-focus sa Mommy nila.

Inalok na siya ng kanyang kuya sa magtrabaho sa kumpanya nila, tuwina tumatanggi siya. It was not her calling, bukod sa hindi pa siya nagsasawa sa pagbubuhay prinsesa.

Well, matapos ang nanyari sa kanya na naging dahilan para magkampo siya sa Baguio ay napag-isipan na niya kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin. She was planning to open up a boutique that use native products. Nagustuhan niya ang mga native products na nakita niya sa Baguio, at mahilig din naman siyang mag-design kaya iyon ang  napili niyang pasukin.    

She was about to walk towards the door nang matigilan siya. Papasok ng naturang shop ang dalawang taong sa hinagap ay hindi na niya gugustuhin pang makita. It was her cheater of a boyfriend and his new girl. Naikuyom niya ang kamay sa pagpipigil na sugurin ang mga ito.

Napapiksi siya ng may umakbay sa kanya.

“Don’t give him the satisfaction of seeing how miserable you are,” he whispered. His cool minty breath fanned the side of her face.

She turned to see a handsome face of a man that matched his charming smile. It was Lenard himself. Mark Lenard Marcelino was her brother’s bestfriend, and he also work for their company as a Business Analyst. Isa rin itong tinik sa kanyang lalamunan dahil sa tuwing magkikita sila tila lagi niyang gustong maging kriminal. Malakas itong mang-asar kaya pinanggigilan niya itong sakalin.

Inihanda na niya ang sarili, ngayong naroon ito. Sapagkat paniguradong hindi na siya makakapagpigil na katayin ito.

“Let’s go, Sweetheart. Baka mainip si Faye sa paghihintay sa atin,” anito na sinadyang iparinig sa dalawang taong papalapit sa kinatatayuan nila.

Inakay na siya ni Lenard palabas ng shop. Habang palabas ay ramdam niya ang tinging ipinupukol sa kanila ng ex-boyfriend niya at nang nobya nito. Hindi na niya nagawang makapag-react man lang hanggang sa nakalabas sila ng shop. Mas nakatuon kasi ang atensyon niya sa braso ni Lenard naka-akbay sa kanya, at ang pagkakadikit ng mga katawan nila. Sumasabay pa ang malakas na pagtibok ng puso niya.

Anyare?

She woke herself up to come to her senses, and she did. Huminto siya sa pagpapatianod sa pag-akay nito at iwinaksi ang braso nito sa balikat niya. Nagtatakang tiningnan siya ni Lenard.

“I’m fine, you can leave me now.”

“I don’t think you are. You almost break down a while ago. At kung hindi ako lumapit sa’yo baka sinugod muna sila.”

She got annoyed. “So utang na loob ko pa pala sa’yo na hindi ko ipinahiya ang sarili ko? Pwede ba, Lenard, don’t feel heroic dahil sa ginawa mo. Hindi ako tanga para ipahiya ang sarili ko dahil lamang sa kanila. Hindi ko sila ka-level.”

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon