Chapter three

5.7K 117 5
                                    

NAPAANGAT ang tingin ni Faye kay Steven nang pabalabag na ilapag ng huli ang mga pulang sobre at maliit ng kahon sa hospital bed niya. Hindi na siya nagulat na malamang narito ang mga sobre at package na para sa kanya. Nasabi sa kanya ni Marj na nang araw na unang beses na nagpunta sa shop si Steven at hinanap siya, ay mismong araw din na duamting ang mga sulat at pagkage na iyon. Nalaman ni Steven ang tungkol sa mga iyon at walang sabi-sabing kinuha.

At hindi niya gusto ang ideyang pumasok sa isip niya sa kung ano ang maaaring dahilan nito para ipakita iyon sa kanya ngayon.

Ang mga sulat at packages na natatanggap niya ay galing sa hindi niya kilalang manliligaw, na hindi rin nagpapakilala. Noong una ay love letter ang dumarating sa shop nila, at nang nagtagal ay may kasama na minsang mga kung ano-anong regalo, like stuffed toys, flowers and even jewelries.

Pero nitong mga nakaraang buwan ay hindi na niya gusto ang mga dumarating na sulat at packages mula dito. Natatakot na siyang basahin ang mga sulat nito at buksan ang packages. Sabi nga ni Marj, tila galing na sa isang obsessed na stalker ang mga iyon.

“You’ve had stack of threats from your obsessed suitor.” Humalukipkip ito at mataman siyang pinakatitigan.

Sinulyapan niya ang mga sulat at kahon sa tabi niya. “Diretsahin mo na ako, Steven, kung para saan ito,” aniya. Pigil niya ang sarili na magpakita ng kahit na anong emosyon dito.

“Hindi ligtas sa poder mo ang kambal. Kaya mas makakabuti para sa kanila kung nasa akin sila.”

Naikuyom niya ang mga kamay. Sukdulan na ba ang galit nito sa kanya para hindi na siya nito pakinggan pa? Na wala na itong ibang hangad kundi pasakitan siya sa pamamagitan ng pagkuha sa kanya ng mga anak niya?

“Nakausap ko na ang abogado na siyang mag-aasikaso ng lahat. Gusto kong maisama ang kambal pagbalik ko ng Maynila. Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagkakait sa’yong makita ang mga bata, hindi tulad ng ginawa mo sa akin,” kalmado pero may diin sa boses nito.

Mabilis niyang hinawakan ang braso nito ng akma na itong tatalikod.

“Please, Steven. Hindi naman natin kailangang umabot sa ganito. Kailangan din ako ng mga anak ko.”

“Sana naisip mo ‘yan bago mo nagawang itago sa akin ang mga anak ko, Faye. Alam mo ang kaya kong gawin, lalo na kapag ginagalit ako.”

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito ang subukan nitong bawiin ang kamay nito.

“Kung kinakailangang lumuhod ako sa harap mo, gagawin ko. Huwag mo lang ilayo sa akin ang mga anak ko, Steven.”

Hindi na niya napigilan ang pagbalong ng luha niya. Nakita niya ang saglit na paglambot ng ekspresyon ng mukha ni Steven na mabilis din nitong ikinubli.

“Please, I’d do anything...” patuloy niya sa pagitan ng pag-iyak.

Humarap ito sa kanya at pinakatitigan siya. Nagulat na lang siya nang dumukwang ito at saka bumulong sa tenga niya.

“Your tears won’t change my mind. But...” Pinasadahan siya nito ng tingin, and his gaze lingered on her parted lips. “...I might think about it.”

Tumuwid na ito ng tayo. Napapiksi siya ng pahirin nito ang luha sa pisngi niya.

“I’ll be back. At huwag mong kakalimutan ang paalala ko, Faye. Don’t take such desperate moves that could make things even worst for you, honey.”

Binawi nito ang braso saka siya tinalikuran. Kagat-labing napasubsob siya sa kama at umiyak ng umiyak hanggang nakatulog na lang siya. Kahit sa panaginip niya ay tila sinusundan siya ng naging pag-uusap nila ni Steven.

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon