Chapter six

5.2K 115 3
                                    

NAPATINGIN SA bungad ng kusina si Faye ng makarinig ng mga yabag. Si Steven ang nakita niyang papasok ng kusina. Gulat na napasulyap ito sa kanya.

May isang parte naman niya ang nag-react ng makita ito. And she felt like her chest was going to explode. Hay, wala pa rin ipinagbabago ang pagtibok ng puso niya para dito.

“Bakit gising ka pa?” tanong nito.

Nginitian niya ito at itinaas ang baso ng gatas.

“Nagtimpla lang ako ng gatas. Medyo hirap kasi akong makatulog. Namamahay yata ako,” tugon niya.

Tumango-tango ito. “Ganyan ka rin noon,” he mumbled.

Parang gusto niyang kiligin na naaalala pa nito ang unang gabi niya sa unit nito noon, when she moved in. And that night they just cuddled each other till they dozed off. Lihim na lang siyang napangiti sa napakagandang alaala na iyon.

Niluluwagan nito ang kurbata habang binubuksan ang mga kaserola.

“Si Julie?”

“Umuwi muna siya, may lakad daw kasi siya ng maaga bukas. Kaya baka next week na lang siya dito matulog. Gusto mo ba initin ko ang ulam? Natutulog na si Manang, e,” tanong niya rito.

Mukhang nagdalawang isip pa ito kaya kumilos na siya bago pa ito tumanggi. Simulan na niyang initin ang kakainin nito.

“Maupo ka na lang muna. Saglit lang ito,” aniya dito at iminuwestra dito na maupo sa kitchen stool.

Sumunod naman ito at tahimik na pinanood siya. Dahil ramdam niya ang titig nito ay natutuliro siya. Gustong manginig ng mga kamay niya sa isiping pinagmamasdan siya nito. Ano kaya ang iniisip nito habang nakatingin sa kanya at tila ramdam niya iyon sa mga titig nito?

Lihim siguro siya nitong pinagnanasaan?

Asa! sigaw ng isang parte ng isip niya.

Pasimple niya itong sinulyapan at hindi man lang ito umiwas ng tingin ng magkasalubong ang mga mata nila. Siya na lang ang mabilis na bumawi. At dahil may riot na sa dibdib niya simula pa kanina ng dumating ito, ay nataranta siya. Naramdaman na lang niya ang mainit na bagay na dumapi sa kamay niya.

“Aray! Sh—”

Hindi na niya naituloy ang pagmumura ng iglap ay nasa tabi na niya si Steven at hawak na ang napaso niyang kamay.

“Hindi kasi nag-iingat,” ani Steven at hinila siya papunta sa sink.

Binuksan nito ang gripo at itinapat ang kamay niya sa tubig. Nakaramdam naman siya ng ginhawa ng dumampi ang malamig na tubig sa kamay niya. Pinagsawa naman niya ang mga mata sa mukha nito na nakakunot noo. Then a flashback of when they first met came.

“Ay ano ba ‘yan! Kulang tayo ng ingredients,” sabi ni Julie. Kulang na lang ay sabunutan nito ang sarili. “Lalabas muna ako. Ikaw na muna ang bahala rito.”

Tumango na lang siya dito at saka ito nagmamadaling umalis.

Wala silang pasok kaya naisipan ni Julie na mag-bake ng araw na iyon at inaya siya nito. Unang beses niyang makarating sa bahay ng kaibigan at makilala ang mga magulang nito. They were good people to her. Julie’s dad was a well known businessman. While her mom, aside from being a good wife and a mother, she was also famous in fashion industry. Sa kabila ng estado nila sa buhay ay nanatiling down-to -earth pa rin sila—mapagkumbaba.

Umalis ang mga magulang ni Julie para dumalo sa isang event. At nabanggit nito na sa araw ding iyon uuwi ang kuya nito na galing sa isang business convention sa Davao.

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon