Chapter nineteen

6.7K 169 47
                                    

O, MAY DUMATING uli,” sabi nito.

Nakakunot ang noo na tiningnan ni Faye si Julie na may hawak na isang bungkos ng bulaklak. This time, may kasama na iyong isang malaking stuffed toy. Humagikhik naman ang kambal na tuwang-tuwa sa stuffed toy na bitbit ng Tita ng mga ito. Nakalahad pa nga ang mga kamay ng mga ito na tila gustong abutin ang hawak ni Julie.

Inilapag nito sa harap ng kambal ang stuffed toy na tuwang-tuwang dinamba ng mga ito, saka iniumang sa kanya ang mga bulaklak. Nangingislap sa pagkaaliw ang mga nito, lihim na kinikilig. Napailing na lang siya.

Nakasimagot na inabot niya iyon at inilapag sa kama. Mamaya na siya maghahanap ng paglalagyan niyon. Wala na kasi siyang mapaglayan dahil halos mapuno na ng bulaklak ang buong unit ni Julie. Nagmukha na ngang flower shop ang buong unit ng kaibigan dahil sa mga dumating na bulaklak ng araw na iyon. At lahat ng iyon ay galing sa iisang tao.

Steven.

Hindi na siya nag-abala pang basahin ang note na naka-ipit sa bouquet. Gusto man niyang kiligin, hindi niya maramdaman dahil mas nangingibabaw sa kanya ang pangamba. Simula ng konprontasyon nila tungkol sa mga dokumentong nakita niya sa silid nito, takot na siyang pagkatiwalaan ito. Paano kung paraan lang nito iyon para makuha uli ang loob niya at sa huli ay maisakatuparan ang plano nitong makuha ang mga anak niya?

Dalawang araw nang panay ang padala ni Steven ng mga bulaklak sa kanya. Minsan nama’y tumatawag ito sa kapatid para kamustahin silang mag-iina. She knew he wanted to see the twin. Ngunit hindi pa siya handang ipagkatiwala dito ang kambal na walang pangambang kukunin nito ang mga anak niya. At naiintidihan naman siya ni Julie, kaya hinahayaan siya nito. Nauunawaan nito na kailangan niya ng panahon para mag-isip. Kahit pa kung tutuusin ay kapatid nito mismo ang nakikiusap dito.

Ramdam niya ang page-effort ni Steven na magkausap sila, ngunit tuwina tumatanggi siya. Hindi pa siya handa. Kahit noong nasa bahay pa siya nito at sinusuyo siya. Pinilit niyang maging matigas sa mga pakiusap nito. Hindi lang dahil sa takot na siyang pagkatiwalaan ito, kundi nangangamba siyang pangunahan siya ng nararamdaman niya para dito at magpakatanga muli rito. No, tama nang nagpakatanga siya dito noon. Para sa mga anak niya, walang puwang ang nararamdaman niya para kay Steven kung kapalit niyon ang makasama niya ang kambal.

She heard Julie sighed.

“Alam mo bang isang buwan ko noong hindi kinausap si Kuya nang malaman kong siya ang dahilan kung bakit bigla ka na lang nag-disappear?”

Napasulyap siya kay Julie. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil abala ito sa pakikipaglaro sa kambal, pero alam niyang siya ang kinakausap nito.

“Parang ewan si Kuya kapag nagpipilit siyang kausapin ako at ayaw ko siyang pansinin. Halos umusok ang telepono ko sa maya’t-mayang pagtawag niya. I was mad at him for what he did to you. Naiinis din ako dahil hindi ninyo man lang sa akin ipinaalam ang tungkol sa inyo. Pero hindi naman ang paghingi ng tawad sa akin ang talagang pakay niya. He wanted to know your whereabouts. Kahit alam ko, hindi ko sa kanya sinabi, dahil naiinis talaga ako sa kanya. Kung hindi ba naman siya gago—oopsie! Sorry for the word kiddo,” natatawang ginulo ni Julie ang buhok ni Kenneth nang tumitig ito sa kanya. Para bang naiintidihan nito ang sinabi ng Tita nito at tila hindi nito iyon nagustuhan.

“Pero dahil nakita kong nag-effort siyang malaman kong nasaan ka, naisip ko na ring sabihin sa kanya. Para na kasi siyang baliw sa kakakulit sa akin. Ngunit, hindi na pala kailangan. Dahil nauna na siyang nag-hire ng detective para hanapin ka. Hindi ko alam kung bakit kinukulit pa niya ako kahit alam na niya ang kinaroroonan mo. Then, naisip ko, marahil iniisip nito na may kumonikasyon tayong dalawa, at umaasa siyang makausap ka.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon