Chapter seven

5.2K 118 2
                                    

IGINALA NI Steven ang tingin sa madilim at maingay na paligid ng bar pagpasok niya. Tinanguan niya ang bouncer na dinaanan niya at naglakad papunta sa hagdan at umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang VIP area ng club.

“Steven!”

Nakipag-high five siya sa mga kaibigan na nakapuwesto sa VIP. Pabagsak siyang naupo sa couch at tumabi naman sa kanya ang isang babaeng member din ng club.

“Ang tagal mong hindi napadalaw dito sa club ha, Steven,” nang-aakit na sabi nito. Inilapat pa nito ang isang kamay sa hita niya.

Nagkibit-balikat siya. “Work,” simpleng tugon na lang niya.

“Hey, Steven, let’s dance,” aya naman ng isa pang babae.

“Girls, dumating lang si Steven, initsapuwera n’yo na kami,” ani Walter. Inabutan siya nito ng isang bote ng beer. Ito ang may-ari ng club, kasosyo ang dalawa pa nilang kaibigan.

“E, lagi naman namin kayong nakikita at nakakasama. Nakakasawa na ‘yang mga pagmumukha n’yo.”

Nag-react naman ang mga kasama niyang lalaki.

“E, bakit si Ybarro, once in a blue moon lang madalaw dito, hindi ninyo inaaya?”  Inakbayan ni Ernest si Ybarro na napakunot noo.

“Asa pa kami. Baka ihagis pa kami niyan mula dito sa second floor kapag kinulit namin s’ya.”

“Oo nga naman. Tutal ngayon lang nagpakita si Steven at na-miss na namin s’ya, kaya sa kanya na lang kami.” 

Tumayo ang katabi niya at hinila siya patayo. “Tara na, Steven,” pamimilit nito.

Napapailing at natatawa na lang ang mga kaibigan niya.

“Mauna na kayo, susunod na lang ako. May pag-uusapan lang kami,” iminuwestra niya ang mga kaibigan. Parang batang hindi napagbigyan na mabili ang gustong laruan na nalukot ang mukha ng babae.

“Fine,” maktol nito saka nagpunta sa dance floor kasama ang iba pang babaeng naroon.

“Kung kami ba naman ang inaya n’yo, hindi namin kayo pahihindian,” pahabol ni Matt.

“Tse!”

Sabay na nagtawanan ang mga kaibigan niya.

“So, anong balita?” tanong ni Walter nang mapag-iwanan silang magkakaibigan.

“Nakita ko na s’ya. Thanks to you.”

Si Walter ang nilapitan niya noon para mahanap si Faye ng umalis ito. Bukod kasi sa ilang club na pag-aari nito, at may detective agency rin itong pinamamahalaan, at silang magkakaibigan lang ang nakakaalam tungkol sa ibang katauhan ng kaibigan.

Wala siyang ideya kung saan maaring magpunta noon si Faye, at kahit ang kapatid niyang best friend nito ay wala ring alam kung nasaan ito. Kunti  lang ang impormasyon nakatala sa record ni Faye sa kumpanya nila kung saan ito nagtatrabaho noon. Kaya natagalan   pa bago mahanap kung nasaan si Faye.  

“And...” pambibitin niya. Natutok sa kanya ang pansin ng mga kasama. “... It turns out that I’m father of twin,” hindi na niya napigilang mapangiti.

“Wow, congrats, man. Certified tatay ka na,” ani Ybarro.

“At sa kambal pa. Galing mo, pre.” biro ni Matt.

“Buti at nakita mo agad s’ya. Kung hindi baka hindi mo man lang nalaman na may anak ka na pala at magiging tatay na,” ani Ernest. May bahid ng hinanakit sa boses nito. Kumislap din ang lungkot sa mga nito.

Tinapik niya ito sa likod para ipabatid na naiintindihan niya ito kahit hindi pa niya alam kung ano ang pinagdadaanan nito ngayon.

Noong ipinahanap niya si Faye, ang una niyang plano ay ang makausap ito at maging maaayos ang paghihiwalay. Hindi niya ito pipiliting bumalik kung wala na itong balak na bumalik pa sa kanya. Ang gusto lang niya ay masiguro na nasa maayos na kalagayan ito.

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon