A/N: Hi guys! Sorry sa super duper late na update. Super busy lang po talaga :<
Anyway.. ito na po ang update for today. HAPPY VALENTINES DAY ;* sana magustuhan nyo, sorry kung maiksi lang :<< bawi nalang po ako next time. Gomenazai :<Nica POV
Nang mga sumunod na araw ay nakita ko si Nico na nag-aantay sa labas ng school na pinapasukan ko. Agad nawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sa mga biro ng mga kaibigan ko. Kahit sila Mika ay natigilan ng makita ito.
Malayo ang itsura nito nung huli kaming magkita. Magulo ang dating maayos at nakawax nitong buhok, habang ang suot nitong polo ay gusot na tila ba bara bara lang na sinuot ganun din ang suot nitong black slacks at black shoes. Siguro galing syang trabaho.
"Ano na naman kayang ginagawa ng hayop na yan dito."- nanggagalaiting sambit ni Mika habang masama ang tingin kay Nico na ngayo'y papalapit na sa pwesto namin.
Panong hindi sasama ang tingin nila kay Nico gayong sinabi ko na sa kanila ang kababuyang ginawa ng lalaking yan.
Nandidiri ako sa kanya kapag nakikita ko sya dahil naaalala ko ang mga nakita ko sa condo nya.
Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko ng ilang dipa nalang ang layo nya samin. Handa na sana akong hilain patakbo nila Mika ng magtilian ang lahat sa biglaang pagbagsak nito.
"Talagang gusto mong masaktan ha!"- galit na sambit ni Kiel at muling sinapak si Nico.
"Kiel, tama na!"- pag-awat ko sa kanya. Hindi naman ako makalapit kasi baka tamaan ako ng mga suntok nila dahil gumaganti narin ng suntok si Nick kay Kiel.
"Wag kang pakielamero g*go!"- sigaw ni Nico kay Kiel at lumaban ng suntukan dito.
"Awatin nyo sila! Awatin nyo!"- sigaw ni Mika sa nga lalaking nasa paligid at nakikiusyoso sa away.
Huminga ako ng malalim para sa gagawin kong pagsigaw sa kanilang dalawa.
" TUMIGIL NA SABI KAYO!!"- agad naman silang natigilan. Kapwa putok ang labi na gulat na nakatingin sa akin.
Masama kong tinignan si Nico. Siguro kailangan na talaga naming mag-usap. Tutal ilang araw ko na rin syang iniiwasan dahil hindi pa nga ako handang kausapin sya pero sa tingin ko.. kailangan na naming mag usap ngayon.. sapat na ang ilang araw kong pagtanggi na mag usap kami.
Lilinawin ko na sa kanya kung ano na kami ngayon.
"Let's talk."- tiim bagang na sambit ko at naunang lumakad palabas ng gate.
Alam ko namang yun ang pinunta nya rito. He wants to talk to me.. about us.
" Nica!"- pagtawag sa akin ni Kiel pero di ko sya pinakinggan.
BINABASA MO ANG
Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)
General FictionCOMPLETED/UNDER REVISION Book cover by. CMC Book Cover Shop This is work of fiction. Names, characters, businesses,places,events,incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living people or dead...