Nica POV
Tahimik akong sumama sa mga bodyguard ng mga magulang ni Kiel papunta sa isang private area dito sa airport. Mukhang sa kanila ata ang airport na to o baka kakilala ng pamilya nila, di naman nakakapagtaka iyon dahil mayaman ang pamilya nila Kiel.
Kumabog ang dibdib ko ng makita ang magulang ni Kiel na nasa ibaba ng isang private plane habang nakatingin sa akin ng diretso. Hinanap ng mata ko si Kiel pero hindi ko siya mahanap, pati na rin ang kasama nilang doctor at nurse kanina.
Nang makalapit ako sa kanila ay ilang minuto kaming nagtitigan ng mama ni Kiel. Magsasalita na sana ako ng biglang dumapo sa mukha ko ang kamay ng Mama ni Kiel.
"How dare you to embarass us earlier! Wala kabang delikadesa ha?! Don't you know who we are?!"- nanggagalaiting angil nito sa akin.
"I-i'm sorry po--"-
"Shut up! Just say what you want to say right now dahil malalate na kami sa appointment para sa pagpapaopera sa anak namin."- galit pa ring sabi nito.
"K-kailan po kayo babalik? Babalik naman po kayo diba?"- pigil luha kong tanong sa kanya.
"No. Wala ng dahilan para bumalik pa kami dito, dapat talaga hindi ko na siya pinauwi dito sa Pilipinas edi sana hindi mangyayari sa kanya 'to. This is all your fault, so don't try to interfer to my son's life ever again, or else i'll put you and your family in jail. You understand me?"- aniya at nagsimula ng umakyat sa hagdan ng private plane nila.
Para akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ang mga sinabi ng magulang ni Kiel. Ang kaninang pamamanhid ng katawan ko ay nawala, ramdam ko na sakit ng buong katawan ko mula sa pagkakabangga kasabay ng paghapdi ng mga sugat ko pati ng puso ko.
"P-please po.. pwede bang makita ko siya..? Last na po please?"- pagmamakaawa ko sa Tatay ni Kiel.
Nakatingin lang siya sa akin ng blangko, pero ng tumango siya ng isang beses ay parang nabuhayan ako kahit konti. Masama ang tingin ng Mama ni Kiel sa akin na nasa pintuan na ng eroplano.
Pinaalalayan ako ng Tatay ni Kiel sa mga bodyguard nila dahil nanginginig ang mga tuhod ko, nakakaramdam na rin ako ng antok at pagod, at gusto ko ng magpahinga.
Nang makapasok ako sa loob ay para akong sinampal ng malakas ng makitang maraming nakakabit na mga kable sa katawan ni Kiel.
Kagat labi akong umiiyak para pigilin ang sarili kong humagulgol, kitang kita ko sa katawan niya ang pinsala ng pagkakaaksidente niya. Parang gusto ko tuloy hilingin na sana ako nalang ang nasa kalagayan niya pero..
Napahawak ako sa tiyan ko at tuluyang napaiyak. Nakatingin lang sa akin ang doctor at nurse, akmang lalapit siya sa akin dahil siguro nakita niya ang mga sugat ko pero sumenyas ako na wag na.
"A-ayos lang ho ako.."- ani ko at ngumiti sa kanya ng bahagya.
"Maiwan ka muna namin."- ani ng doctor at umalis. Lalapit na sa ako kay Kiel ng biglang magsalit ang Mommy niya.
"I'll give you 5minutes young lady. Make it fast."- tumango ako bilang tugon at tumingin kay Kiel.
Di na ako nagsayang ng oras at lumapit na ako kama ni Kiel. Hinawakan ko ang kamay niya at inilapat sa tiyan ko.
"Magkakababy na tayo.."- tuluyan akong napaiyak dahil sa sinabi ko.
"I'm sorry.. kung ngayon ko lang sinabi ito. Natatakot lang ako.. na baka iwan mo rin ako."- umiiyak na sambit ko.
"At tama nga ako.. iiwan mo rin ako, kami ng magiging baby natin.."- napangiti ako ng mapait at inilapit sa bibig ko ang kamay niya.
"I love you.. i'm sorry kung ngayon ko lang sinabi toh.."- ani ko at hinalikan ang likod ng kamay niya.
BINABASA MO ANG
Chase By The Sex Addict (COMPLETED/UNDER REVISION)
General FictionCOMPLETED/UNDER REVISION Book cover by. CMC Book Cover Shop This is work of fiction. Names, characters, businesses,places,events,incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living people or dead...