Chapter 30

135K 7.8K 2.8K
                                    

Chapter 30


We stopped talking about his natutusok. Sinabi ni Triton na kami na lang dalawa ang sabay manuod ng movie, dahil masikip daw sa kwarto namin ng mga bago kong kaibigan.

"Dalawang buwan lang ako nawala, then you got your new friends. And take note, the maarte's in town." Matabang na sabi ni Triton.

"They are kind," pagtatanggol ko sa mga kaibigan ko.

"Kind ba 'yon? I can understand Autumn Olbes, you can handle her kaartehan pero kapag naging tatlo na sila? God, sweetheart. Didn't you know about Antonia and August?"

"They are kind, Triton." Pilit ko sa kanya.

Pero mukhang wala itong balak maniwala sa akin, mas kilala niya ba ang tatlo kong kaibigan?

Akala ko ay titigil na siya sa pagsermon sa akin, pero hindi pa rin natigil si Triton. Halos hindi ko na maintindihan ang movie dahil kanina pa si Triton sa pagsasalita na nagsisimula na daw akong maging pasaway.

"Sweetheart ang sutil, sutil mo na." Magaan ngunit nanunumbat na boses ni Triton sa akin.

Kahit pinagagalitan ako ni Triton, he never brushed his child like tone to me. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya, magagalit o matatakot.

"H-hindi ako sutil Triton," ilang beses akong umiling sa kanya.

"You are,"

"Hindi nga sabi ako sutil, Triton!"

"I never imagined you inside the bar, I never imagined your hair smelling like alcohol." Mas lumapit sa akin si Triton.

I stiffened and just straightened myself looking at the tv. I felt his nose sniffing my hair.

"This is what you naturally smells, bakit pati buhok mo amoy alak Euphiemia? Iniinom ang alak hindi ibinubuhos sa buhok."

"P-Pinapagalitan mo pa rin ba ako Triton?" naiiyak na tanong ko sa kanya nang lumingon ako sa kanya.

"Oo," mabilis na sagot niya.

I pouted and continued watching the movie.

"Kahit love love kita Euphie, naiinis pa rin ako. Paano kung wala si Triton sa bar na 'yon?" he softened his voice and leaned his forehead on my shoulder.

"Nagalit si Triton, alam mo ba 'yon?" ilang beses akong tumango sa kanya.

"Galit ka pa rin sa akin ngayon,"

"Hindi na masyado, basta huwag mo nang uulitin. You promise me, my fat cheeks won't do it again." Hindi ako nakasagot agad.

"Euphiemia Soren Arcega."

"Yes, hindi na ako uulit."

"Good girl, hindi na magagalit si Triton." He played the tip of his nose on my right cheek.

"A-Akala ko ay next week ka pa uuwi?"

"I want to go home early," sagot niya.

"I want to know what happened two months ago, wala akong ideya sa nangyari Triton. Look at our mothers, hindi pa rin sila nag-uusap. They were bestfriends and I shattered them apart."

"Hmm? Magbabati rin sila, don't worry about them."

"How can you say that? Hindi na sila nag-uusap. Sila Daddy na lang ang nag-uusap Triton." Biglang natawa si Triton sa sinabi ko.

"Sabong is life," ngumisi ako sa sinabi niya.

"But I want to bring back their friendship."

"They'll be okay, fat cheeks. I can tell. And about the reasons two months ago, c-can we talk about it some other time? Huwag muna ngayon."

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon