Chapter 11

147K 7.9K 1.9K
                                    

Chapter 11


Hindi ako makagalaw sa yakap ni Triton. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari.

Is he serious? Is he making fun of me? Is he really confessing on me? But how? Why? I don't understand. Why suddenly like this?

"Euphie, magsalita ka naman." Bulong niya sa aking kanang tenga. Ramdam ko na nagtataasan ang mga balahino ko sa aking batok. Kahit ang tibok ng puso, hindi na tama.

Ano itong ginagawa sa akin ni Triton?

"Triton.." hinawakan ko na ang braso niyang nakapulupot sa akin. I am still confused. How? Why? Seriously? Maybe he's just making fun of me, again and again and again.

"Euphie.."

Magsasalita na sana ako nang kapwa kami napatalon ni Triton sa babaeng sumilip sa amin na nakakunot ang noo na may hawak na dalawang C2. Agad kaming nagkalas dalawa ni Triton.

Nahihiya akong napatungo at inunahan ko nang maglakad si Triton. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Bumalik ako sa videoke room, nagbubuklat ng song book si Ahmed.

"Nakita mo si Triton? Nawala siya." Mahigpit akong umiling kay Ahmed.

Tumabi ako kay Ahmed, hindi ako makapagsalita. Kinakabahan ako, anong ikikilos ko kapag dumating si Triton?

"Anong kanta ang gusto mo Euphie? Ako na ang maglalagay." Gusto ko pa sanang kumanta pero parang hindi ko kakayanin pang tumayo sa harap ni Triton at kumanta sa harapan niya mamaya. I am so confused.

Nahihiya pa ako kay Ate na nakakita sa amin, baka isipin niya na kung ano ang ginagawa namin ni Triton.

"Why don't you sing Ahmed? Please? Please? Ikaw naman." Pamimilit ko sa kanya.

"I don't sing Euphie, mapapahiya lang ako sa'yo." Umiiling na sabi niya.

"Hindi naman kita tatawanan, we're friends Ahmed. Ikaw, hindi na makahingi ng pabor sa'yo." Nakangusong sabi ko sa kanya.

"The little girl is using my weakness." Natatawang sabi niya. Bigla na lamang siyang yumuko at itinapat niya ang mukha niya sa akin.

"What will be my reward if I got a high score?" Nag-isip ako ng pwede kong gawin.

"This Sunday, if you got a higher score than me I'll clean your pastries shop." Ngising sabi ko sa kanya. Mabagal siyang tumango sa sinabi ko.

"Deal, then how can we seal it Ms. Euphiemia Soren Arcega? I'm a businessman, we need a good agreement." Napatitig ako kay Ahmed na nakayuko pa rin at hinihintay ang sasabihin ko.

Alam kong sa mga oras na ito ay sobra na ang pamumula nang pisngi ko. Totoo ang mga sinasabi ng mga kaklase ko, there's something hypnotic with Ahmed's face. From his red lips, his well shaped nose and even his eyes, they are so alive.

Al-Muzaini's blood is really something.

"Ahmed—"

"Ahmed!" narinig ko ang malakas na boses ni Triton. Tumuwid nang upo si Ahmed, nagulat ako nang may ibato si Triton kay Ahmed na mabilis naman itong nasambot.

Milkis, favorite namin tatlo.

Narinig kong bahagyang tumawa si Ahmed.

"Why I have this feeling na hindi mo ginustong masambot ko ito?" binuksan na ni Ahmed ang Milkis niya at sinimulan niya itong inumin.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon