Chapter 32

140K 6.7K 1K
                                    

Chapter 32


Troy successfully changed the movie. From horror to actions movies. He's still lying on Triton's sofa, kaya wala na sa mga kaibigan ko ang makakaupo dito.

While Triton's sitting beside me.

"Nakakagutom rin pala manuod ng movie, Euphie." Pansin ko na nakaakbay na si Triton sa aking sandalan.

"Pabebe ka lang kaya nagugutom ka ngayon." Triton didn't mind Troy's words.

"Mamaya na kita iuuwi Euphie, dito ka muna kay Triton."

"But please, don't be mean with my friends. Mabait naman sila Triton."

"Sure," tipid na sagot niya.

Bumalik ang mga kaibigan ko na may tig-isang dalang box ng pizza. Sabay-sabay umismid kay Triton at kay Troy ang mga ito bago sila naupo sa kani-kanilang upuan.

Hindi pa man naghahati ang bagong movie, nakahilig na sa balikat ko si Triton. I remained myself stiffened while concentrating on the movie.

"Iba rin,"

"May pahilig-hilig na si Triton,"

"Mga galawan ng mga blackmailer,"

"Kumain na lang kayo ng pizza, mga maaarte." Kumento ni Triton sa kanila.

Everyone were silently watching, tanging si Troy lang ang hindi dahil kung ano-ano pa ang sinasabi nito sa bida.

Ang ingay niyang manuod ng movie.

Pansin ko na bored na ang mga kaibigan ko, sinong hindi? Simula nang dumating sila sa bahay ni Triton wala na itong ibang ipinagawa sa amin kundi manuod ng movie.

"Gusto ko nang umuwi, kung hindi lang ako lowbat tumawag na ako kay Wayto. He's worried, I'm sure." Autumn complained.

"Hindi ba at cool off kayo?" tanong ni August.

"What the hell is cool off? Sa mga pabebe lang 'yon Autumn. Duh?"

"Whatever girls, kumain na lang kayo ng pizza." Sagot ni Autumn.

Tahimik na si Triton at Troy na nanunuod ng tv, nakailang pizza na rin ang dalawang ito.

"You're really hungry, I told you to eat."

"Do you want?" umiling ako nang alukin ako ng pizza ni Triton.

"I'm full,"

We ended watching three movies.

Hapon na nang dumating ang mga sundo ng mga kaibigan ko, their boyfriends. At hindi gaya namin, hindi sila magkakasundo.

Pansin ko na matagal nang mainit ang dugo ni Arellano kay Triton at Ahmed. And Autumn said that her boyfriend was just insecure because Triton and Ahmed have their fair complexion.

"I've been calling you Autumn," hinawakan na ni Arellano ang kamay ni Autumn at hindi man lang ito nagpaalam sa amin.

He's always this rude.

Sunod na sumundo ang mga boyfriend ni August at Antonia, they had few conversation with Triton and Troy before they left.

Natira na lamang kaming tatlong nakatayo sa harapan ng bahay ni Triton.

"Maaga pa, I talked with her friends. They'll cover up everything, pwedeng iuwi ng gabi si Euphie." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Troy.

"W-What?!"

Ngumisi si Triton kay Troy, bago pinagbangga ng dalawang ito ang kanilang mga kamao sa isa't-isa.

After grinning to each other, the T bestfriends looked at me in unison.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon