Chapter 44

122K 6.7K 1.7K
                                    

Dedicated to Beadch Peral


Chapter 44


"What is 0011?" I asked.

The whole hospital room went in silence as Triton stared at me blankly.

"Triton, I am asking you. What is 0011?"

"W-What are you talking about Euphie?" lumaglag ang mga balikat ko sa isinagot sa akin ni Triton.

At natagpuan ko na lamang ang sarili kong umiiling at pilit kinakalas ang mga kamay niya sa akin.

"J-Just tell me the truth, Triton! I heard it! I heard it! You were talking with Troy, sinabi mong may tao sa likod ng pagkawala ng preno ng sasakyan mo! Someone wanted you down!"

Mas lalong natigilan si Triton sa sinabi ko.

"I deserve to know the truth, Triton. There were a lot of questions! Na natatakot na ako na sa isang araw bigla ka na lang mawala nang wala ako—kaming kaalam-alam!"

"Where did you get the number Euphie?" nanlaki ang mata ko nang walang pakundangang lumapit sa akin si Triton at hindi niya alintana ang kanyang swero para hawakan lamang ako.

I pushed him, at ako na mismo ang lumapit sa kanya.

"Troy's not aware of that number, Euphie! Who told you that number?" seryosong tanong nito sa akin.

"Ako ang nagtatanong sa'yo Triton!"

"May lumapit ba sa'yo? May kumausap? Anong sinabi nila sa'yo? Did they hurt you?" sunod-sunod na tanong ni Triton.

Mas lalo akong kinabahan nang makapa ko ang takot sa boses at sa kanyang mga mata. At tuluyan nang tumulo ang mga luha ko habang sunod-sunod ang tanong niya sa akin.

"What is really happening Triton? I am clueless, natatakot na ako sa nangyayari. Natatakot na ako sa mga ikinikilos mo, ano itong itinatago mo?" I felt so frustrated, puro tanong, walang katapusang tanong at kahit isa ay wala akong nakukuhang kahit anong klase ng kasagutan.

"Anong hitsura ng lumapit sa'yo Euphie? Did they threaten you? Tell me, sweetheart."

Yes, I vowed to myself not to hurt people again. Emotionally or even physically, but Triton's teaching me to do something that I shouldn't.

Huli na bago ko pigilan ang sarili ko, dahil isang malakas na sampal ang tumama kay Triton mula sa aking mga palad.

"Euphie.."

"Fucking answer me Triton, hindi mo ako sagutin sa katanungan ko ngayon. Tapos na tayo."

Umawang ang bibig ni Triton nang marinig niya ang mga salita ko. I might be his innocent Euphie but he can't treat me as dumb as shit.

Alam ko kung may itinatago sa akin ang isang tao, alam ko kung pinagkakaitan ako ng impormasyong dapat nalalaman ko.

I love him, I really do. And I am trying to change my weakness and incompleteness.

But how about him? Hindi naman yata tama ang ginagawa sa akin ni Triton. Not because my mind and damn maturity can't be as matured as them, ginagawa na nila akong bulag sa mga bagay.

"Hey, sorry. I'm really sorry Euphie.." sinubukan niyang muling hawakan ako pero tumayo na ako mula sa kama.

"Stop the sorry Triton! Please enlighten me!"

"I can't—I really can't Euphie." Lalo akong nanlumo sa mga sinabi niya.

"That's not what I want Triton, binigyan na kita ng panahon. Naghintay naman ako, I gave you enough time. Do you think I can still tie myself to you if I'm clueless about everything?"

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon