CELESTINE
Time is a big bitch, I should say. Napakabagal kapag wala kang ginagawa, pero napakabilis naman kapag nag-eenjoy ka. Katulad ngayon, hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang beses akong bumuntong hininga habang nasa byahe kami pabalik ng Manila ni Alex.
We continued where we left off nung nasa falls kami. We spent the whole day making love and being mushy. I've seen Alex's other side that others don't. Marunong siyang magluto ng mga paborito ko. He loves to feed me and will always follow what I say.
He isn't that bad.
Nakatingin lamang ako sa malawak na kalsada at palayan sa aking kanan when I felt Alex hold my hand and squeezed it. Napatingin tuloy ako sa kaniya.
"Penny for your thoughts?" he said while smiling.
"Nah. I'd sell them for a dollar" sagot ko naman, galing sa isang linya ng kanta. That made him smile "Babalik na agad tayo sa Manila.." nakanguso kong ungot.
"Nag-enjoy ka sa Baguio trip natin, Baby?" namula ako sa kaniyang tanong. I don't think I have to answer, mukhang alam naman na niya 'yon ".. I hope Cali would love our pasalubong"
"For sure. Baka nga mas marami pa siyang pasalubong para satin galing Japan" saka ko sinundan ng mahinang tawa. Ilang oras pa ay nakarating kami sa mansyon ng mga Bustamante
Alex held my hand habang papasok kami. Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako. Para kaming mga teenager na haharap sa mga magulang namin. Gosh!
Sinalubong kami ng mga tawanan sa sala. Nangingibabaw ang tawa ni Cali and that made me almost run to her. Nang sa wakas ay makita ko si Cali ay sakto namang napatingin din ito sa amin, hawak ang isang manika na agad nitong itinapon.
"Mie!!" agad itong bumaba sa kanlungan ni Tito Max. Ako naman ay yumuko upang kargahin siya at yakapin ng mahigpit. The most favorite feeling is being home in my daughter's arms.
Pinaghahalikan ko si Cali sa buong mukha habang siya naman ay tawa ng tawa at nakayakap sa aking leeg.
"I missed you! Na-miss mo si Mommy?"
"Yesh!" sigaw nito "Dami toys ni Cali, bili kita toys, Mie!" excited na naglilikot ito habang karga ko. Naramdaman ko naman ang isang kamay na umakbay sa akin. Tinangala ko si Alex na nakangiti sa aming dalawa ni Cali.
"Na-miss mo si Papa?" tanong nito kay Cali. My daughter's eyes shone in happiness at agad na nagpakarga kay Alex. Katulad ng ginawa niya sa'kin, she also kissed Alex face and hug his neck.
"Papa ko! Papa ko!" ito lang ang sinasabi ni Cali habang nakayakap kay Alex.
"Were glad you two are back" napatingin ako kay Tita Avery na nakangiti sa amin, sa tabi niya ay si Tito Max. "Naku, sobrang nag-enjoy kami nina Cali sa Japan! Napaka energetic na bata.. mabuti na nga lang at kasama namin si Tessa kung hindi baka hingal aso na kami sa kakahabol sa kaniya doon"
"Salamat, Tita.. hindi naman po ba siya naghanap sa akin?" tanong ko naman.
"She's looking for you and Alexis every minute! Palaging 'Nasaan Mommy ko? Nasaan Papa ko?'. Mabuti na nga lamang at nalilibang kahit paano ni Tessa at nung mga attractions doon, panay dampot ng kung anu-ano kase ipapasalubong daw sa inyong dalawa" that made me smile.
"Papa ko! Amishyu" ungot ni Cali kay Alex. Sasagot na sana si Alex when someone spoke.
"Daddy misses you too, Princess" napalingon kaming lahat sa nagsalita, nasa may hamba ng pintuan nakatayo ang isang taong matagal ko ding hindi nakita.
BINABASA MO ANG
C.C's Diary (Completed)
General FictionI found her diary underneath the tree Finished: October 2, 2018