KRISZ
Hindi ko mapigilan ang mapanguso habang nakatingin sa text message sa'kin ni Tessa.
Tessa:
Ate Krisz, gud aftie. Ate, remind q lng po kau na wala na diaper si bb Cali. Bili na lng po kau sa supermarketl ni Sir Migz bago kau umuwi. D aq makaalis kc walang maiwan kay bb. At saka kanina pa xa hanap ng hanap sa Papa Lekshis dw nia.
Oo nga pala, lately, it's been raining most of the time kaya naman napapadalas ang pag-ihi ni Cali. I dialed Migz number para sana magpasama sa kaniya.
"Hon, I'm sorry... Kasama ko ngayon si Adam and we're busy with a site. I don't think I can make it home tonight either, magpasama ka na lang kay Kuya Marco"
"Mmmkay. Ingat kayong dalawa ni Adam okay?" Tatawagan ko na sana si Kuya Marco nang maunahan niya ako.
"Kuya Marco! Saan ka? Maggo-grocery ako today. Nasa baba ka ba?"
"Naku Ma'am Krisz! Nasa condo na po ako ngayon. Nasiraan po kase ako papunta diyan sa office ninyo kaya umuwi muna ako"
"Ganun ba? S-sige magta-taxi na lang ako papunta sa mall.. uuwi din agad ako, pakisabi kay Tessa wag nang magluto ng marami, hindi naman uuwi si Migz"
Kaagad kong iniligpit ang mga gamit ko. Sakto naman na pumasok si Banjo.
"Ma'am? Aalis na po kayo? May sundo na kayo?" malungkot akong umiling.
"Nasa condo pa si Kuya Marco kase nasiraan siya. Si Migz naman hindi ako masasamahan, pupunta muna ako sa supermarket, mauubusan na ng supply ng diaper si Cali" napatango naman ito.
"Sayang, wala si Sir Alexis. Papasamahan ko na lang sana kayo tutal wala na naman siyang meeting ngayong hapon... gusto niyo po pakuhanan ko na kayo ng taxi?" my eyes shone.
"Please, Banjo..." tumango ito saka ngumiti, "..teka, nasaan nga pala si Alex kung wala naman pala siyang meeting?"
"Kasama niya po sina Sir Troy, Sir Sandro, Sir Benedict at Sir Yuan... May meeting din sila ngayon pero wala dito sa office" Benedict? Yuan? Sandro? The names sounds familiar to me. But I can't picture who is who in my mind.
Well, at least I know who's Troy because I met him on the press con.
"Sige, I'll go now Banjo. You take care pauwi okay?" diretso na akong bumaba ng building. Nginitian ang mga guard and they guided me sa nag-aabang na taxi.
I tried to be calm kahit na hindi talaga ako sanay mag commute. Sa awa naman ni Lord, nakarating ako ng safe sa pinaka malapit na supermarket. Gusto ko pa sanang gumala but I'd rather do it with Cali.
Dahil andito na din naman ako, I took a cart with me at unang pinuntahan ang diaper section para doon kunin ang kailangan ko. Pagkatapos ay saka ako nag-gala. I even called Tessa para itanong ang mga kailangan pa namin sa condo para naman isang bilihan na lang.
I was busy looking for soy sauce, nang mahanap ko ang brand na kailangan ko, I immediately grabbed one pero hindi ako agad nakakuha dahil sa dinami-dami ng mga soy sauce na nakahilera, may humawak na babae sa hawak ko. Nauna akong bumitaw at tiningnan ang babae.
"Sorry.." magkapanabay naming sabi. Hindi ko na siya pinansin at kukuha na lang sana ng ibang soy sauce nang magsalita siya ulit.
"C-Celestine?" hindi ko maiwasan na mapalingon sa kanya, now that I'm looking at her, mukhang magkasing edad lang kami. She's a chinita one.
BINABASA MO ANG
C.C's Diary (Completed)
Fiksi UmumI found her diary underneath the tree Finished: October 2, 2018