KABANATA 2

6 1 0
                                    


Kyrine's POV

Nang biglang may mabunggo akong isang tao.
Nabitawan ako ni Yza at napaangat ako ng tingin sa taong nabunggo ko. Okay, hindi ko maipagkakaila na ang.. Ang.. gwapo niya. Ang ganda ng mga mata. Matangos ang ilong. At.. at..

"So magtititigan na lang kayo dito ganon?" Hindi pa ako tapos purihin ang mukha ng taong nasa harapan ko ay umepal na agad ang may 'makapal' na pagmumukhang babae na 'to. Tss.
Napatingin ako ng masama sa kaniya.

At pagbalik ko ng tingin sa lalakeng nasa harapan ko ay nakatitig pa din siya sa akin. Magsasalita na sana ako ng biglang..

"Helloooo? Kuyang pogi baka naman may balak ka pang magsalita dyan. Kasi may pupuntahan pa kami nitong kaibigan ko eh." Hay, ang bunganga talaga nitong ni Yza hindi mo mapipigilan.

Mukhang bumalik naman sa ulirat ang poging lalakeng 'to dahil bigla itong nagsalita.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin.

"Oo naman." Sagot ko sa kaniya.

"Sige ha, una na ako." At nagmamadali itong naglakad paalis. Ang weird. Tss. Gwapo na sana. Kung hindi lang sana siya weirdo.

"Aba aba! Ano 'yon Kyrine Regachuelo? Ha? Kilala mo ba yung lalakeng 'yon? Bakit ganon yung tingin sa'yo? Magkakilala kayo noh? Bakit hindi ko siya kilala? Bakit hindi mo siya naikwento sa akin ha?"

Naguusisang tanong sa akin ng 'chismosa' kong kaibigan.

"Yza, hindi ko siya kilala okay? Ang weird niya nga eh. Hindi naman kami magkakilala pero ang lalim ng titig niya sa'kin." Nabigla pa ako sa biglaan niyang pagsagot.

"Wag kang assumera! Hindi ka nun type noh! Baka napangitan lang sayo. Hahahahaha!" Nang aasar nitong sagot sa akin.

Sinamaan ko ito ng tingin. Yung tingin na 'Manahimik ka kung gusto mo pa mabuhay'. Agad naman siyang tumigil.

"Oo na, seryoso na. Kahit ako naweirduhan eh. Ang intense ng titig sayo Ky. Parang may something." Nagtataka niyang sabi.

"Wala naman siguro."

"Hindi kaya may gusto sayo yun?" Gusto? Bakit naman siya magkakagusto sa akin?

"Ang imposible ng sinasabi mo Yza. Ngayon pa nga lang kami nagkita."

"Malay mo naman 'di ba. Love at first sight?"

"Ang korni mo. Tss. Hindi naman totoo 'yon." Napairap ako sa kaniya.

"Malay natin. Pero okay, sabi mo eh." Napakibit balikat ito.

Nang makarating kami sa Krispy Kreme ay walang tigil pa din ang pangungulit sa akin ni Yza tungkol sa lalakeng nakabunggo ko kanina.

"Ky, sha palagay ko.. May guwsto talaga yun shayo eh." Punong puno ang bibig nito ng donut habang kumakain.

"Pwede ba Yza? Uso naman yung inguya at ilunok muna ang pagkain bago magsalita. Mayaman naman kayo pero hindi ko alam bakit para kang patay gutom kumain." Inirapan ko ito at kumagat ulit ng donut.

"Aray ha! Oh ayan nilunok ko muna. Nakakahiya naman kasi sa'yo. Minsan talaga hindi ko maramdaman na bestfriend kita eh. Kasi madalas nakakasakit ka na alam mo ba yun? Hmp." May pagtatampo nitong sabi.

"Wag ka na ngang mag-inarte dyan. Kumain ka na lang! Pwede?" Inismiran ko ito. Wala ako sa mood lambingin ang nagpapabebe kong bestfriend. Ang epal niya kasi kanina. Napakadaldal!

Napanguso na lang ito at nagsalitang muli.

"Ky, bakit pala hindi niya man lang tinanong ang pangalan mo kanina?" Nakakunot noo nitong sabi.

Who are you? (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon