KABANATA 5

2 1 0
                                    

Kyrine's POV

Gulong gulo ang isip ko dahil sa aking panaginip. Ano bang dapat kong isipin? May ibig sabihin ba ang panaginip na yun o wala?

Akmang sasakay na yung babae ngunit may naunang humawak sa kalesa. Katulad ng nangyari kahapon ng pumara ako ng taxi at nakaengkwantro ko ang tigreng iyon.

*FLASHBACK*

Pumara na ako ng taxi at excited ng makasakay. Ano kayang kumpanya ang mapapasukan ko? Iniimagine ko kung anong itsura ng magiging opisina ko at kung sino ang magiging boss ko.

Nang makapara ay akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng taxi nang biglang may nauna sa akin na humawak dito. Tinignan ko kung sino ito.

*END OF FLASHBACK*

Posible bang coincidence lang 'yon? Wala bang ibig sabihin 'yon o meron?

Tinignan ko ang oras at nakita kong 4:30 am pa lang pala. Sinadya kong maagang ialarm ang cellphone ko. Naisip kong tawagan si Yza. Alam kong masyadong maaga para tawagan ang babaeng iyon ngunit kailangan ko ng sagot sa mga tanong ko. Kailangan ko ng taong mapagsasabihan at si Yza lang ay mayroon ko.

Dinial ko na ang number ni Yza at nagring naman ito.

*Ring-ring*

Ilang saglit pa'y sinagot na din naman niya ito.

"Yza.." Tawag ko sa pangalan niya. Ngunit hindi siya kumikibo.

"Huy! Nandyan ka ba Yza?" Tanong ko sa kaniya.

"A-ah oo. Bakit pala napatawag ka ng ganitong oras?" Mukhang inaantok pa ito dahil ang hina ng boses nya. Pero bakit parang ang tamlay niya? Hindi ko na lang pinansin iyon.

"Yza, alam kong masyado pang maaga para bulabugin ka. Kaso kailangan ko talaga ng tulong mo.. Gulong gulo na ako."

"Ha? Bakit? May nangyari ba?" Nag-aalala niyang tanong.

"Kasii ganito 'yon.." At ikinwento ko na ang buong pangyayari sa kaniya. Mula ng una naming pagkikita ni Cefalexin at ng magkita kami sa kumpanya niya. Pati na din ang panaginip ko. Ngunit hindi ko muna binanggit si Calistair.

"Yza, sa tingin mo? May koneksyon ba ang panaginip ko pati na din ang pagkikita namin ng lalakeng iyon?"

Hinintay kong sumagot siya ngunit halos tatlumpung segundo na ang lumipas ay hindi pa din ito kumikibo.

"Uy! Nandyan ka pa ba?" Naiiritang tanong ko dito.

"H-ha? Oo. Nagulat lang kasi ako. At iniisip ko din ang sagot dyan sa tanong mo sa'kin."

"So? What do you think?"

"Ang weird lang kasi. Bakit kalesa ang sasakyan nila? Hindi ba uso ang tricycle o sidecar man lang doon? Pero sa tingin ko gawa lang 'yon ng imahinasyon mo, Kyrine." Napaisip ako sa sinabi niya.

"Oo nga, kalesa pa ang gamit nila. Teka ngayon ko lang napansin. Yung panaginip ko parang makaluma ang paligid. Parang matagal na panahon na? Ang haba pa ng palda ng babae."

"N-nako, Kyrine. Pagod lang 'yan. At tsaka baka sa kakaisip mo lang sa Cefalexin na yun kaya ayan ang weird tuloy ng panaginip mo."
Napairap ako kahit sa cellphone ko lang siya kausap.

"Hindi.ko.siya.gusto. Inis na inis nga ako sa lalakeng yun!" Agad kong sagot.

Narinig ko ang pagtawa nito. Tss.

"Oo na, hindi mo na siya gusto. Kahit wala naman akong sinabi na crush mo siya kaya mo siya iniisip. Ang defensive mo masyado. Sige na, matutulog pa ako. Ginising mo ako dahil lang sa lalakeng 'yon. Tigilan mo kasi ang pag-iisip sa kaniya! Bye." At pinatay na nito ang tawag.

Who are you? (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon