KABANATA 3

2 1 0
                                    


Third Person's POV

May isang taong nakikipag usap sa kaniyang tauhan. Habang umiinom ito ng kape sa isang mamahalin at paborito niyang tasa na galing pa sa ibang bansa.

"Oh ano, nasundan niyo ba 'siya'?" Tanong nito sa kaniyang tauhan.

"Opo, boss." Sagot sa kaniya ng tauhan.

"Siguraduhin niyong hindi magkukrus ang landas nila ng taong pinababantayan ko sa inyo. Hindi niya maaaring makita ang lalakeng iyon." Kunot noo nitong sabi.

'Magtatagumpay ako, hindi kayo maaaring magkakilala.' wika nito sa sarili.

"B-boss, i-iyon na nga po ang p-problema.." Medyo nauutal nitong saad.

"Problema? Bakit? Anong problema?!" Naiinis na wika nito.

"N-nagkita na po kasi s-sila.." Nauutal ulit nitong tugon.

"Ano?! Paano nangyari 'yon? Bakit hindi kayo gumawa ng paraan?!" Galit niyong wika sa tauhan.

"Wala na po kaming nagawa d-dahil.." Hindi pa siya natatapos magslita ay nagsalita ng ang nanggagalaiti niyang amo.

"Dahil ang ta-tanga niyo! I'm just wasting my money with morons like you! Get out of my sight, you fat-headed henchman! All of you are worthless! Mga hangal!" Galit na galit na wika nito.

Mabilis na naglakad paalis ang tauhan.

Itinapon niya ang hawak niyang tasa at nabasag ito.

'Hindi kayo dapat nagkita! Maaaring mangyari ang pinakakinatatakutan ko...'

'May magagawa pa ako upang pigilan iyon. Ilalayo kita sa kaniya. Hindi kayo maaaring magkita muli! Napakatagal na panahon na kitang nailalayo sa kaniya, ngunit bakit nagkita pa rin kayo? Hindi ko na ba talaga maiaayos ang lahat? Natatakot akong baka wala na akong magawa at maalala niyo ang isa't isa..'

'Hindi.. Hindi maaari...'


"Hindi ako makakapayag! Hindi maaaring hindi ako magtagumpay..







Dahil ang buhay ko ang nakasalalay..."


***

Kyrine's POV

Nakasakay na ako ng taxi at papunta na ako sa kumpanyang nais kong pag applyan. Sabi kasi nila ay ito ang pinakasikat na kumpanya sa bansa kaya nagbabaka-sakali akong mayroong bakanteng trabaho.

Nakaupo lang ako at nakatingin sa bintana ng taxi habang may nakasalpak na earphones sa aking tenga.

Pinapakinggan ko yung kantang 'Oks lang ako' by Jroa. Hindi ko alam kung bakit damang dama ko yung kanta.

Kung bakit nasasaktan ako sa mga lyrics na parang tumatagos iyon hanggang puso ko. Hindi ko pa naman nararanasang masaktan. Pero hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kirot sa tuwing maririnig ko ang kantang ito.

Tumigil na ang taxi at tinignan ko saglit ang building ng kumpanya mula sa bintana. Grabe malaking kumpanya pala talaga ito. Sana makapasok ako dito para mapagamot ko na ang kapatid ko.

Binayaran ko muna ang taxi driver bago ako bumaba at nag umpisang maglakad. Hindi ko lubos maisip na makakapasok ako sa building na ito. Nakikita ko lang kasi ang building na 'to mula sa balita sa tv. Napakaganda ng pagkakagawa nito. Unang tingin mo pa lang sa building ay malalaman mong hindi ka basta basta makakapagtrabaho dito.

Pumasok na ako tinanong ng guard kung anong pakay ko dito. Sinabi ko sa guard na naghahanap ako ng trabaho at sinabi naman nito sa akin na hindi naghahanap ng bagong empleyado ang boss nila. Nadismaya man dahil hindi pa ako lubusang nakakapasok ay nagpasalamat ako dito at paalis na sana nang may marinig akong sigaw. Napalingon ako doon.

Who are you? (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon